12

334 7 0
                                    

NANG HAWAKAN at simulang hilut-hilutin ni Scott ang na-injured na paa ni Lara ay bigla na lamang din nagsimulang magwala ang puso ng dalaga. Sa tuwing darampi ang mga palad nito sa kanyang balat ay nakakaramdam siya ng mumunting daloy ng kuryente sa kanyang mga ugat na ibig magpaigtad sa kanya. It was a combination of both good and risky feeling for her. Good because it somehow gave her a nice feeling inside and risky because she wasn't sure how to handle that feeling. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya gustong magpapiggy-back ride dito. Kung sa mga dampi pa nga lang ng palad nito ay nagkakagayon na siya, what more kung lalapat pa ang kanyang katawan sa likod nito? She was afraid her heart would combust any minute now! Pero dahil mapilit ito sa kabila ng mga pagtanggi niya, wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa inuutos nito.

Pagkalapat na pagkalapat pa lamang ng kanyang katawan sa likuran nito ay napapikit na siya nang mariin. Pakiramdam kasi niya ay mas lalo lamang tumindi ang pagwawala ng kanyang puso dulot ng init na nanggagaling sa likuran nito. Nagdadalawang-isip siya noong una kung iyayakap niya ba ang mga bisig sa leeg nito. Naiilang kasi siyang gawin iyon. Bagaman sa huli ay ito na rin ang nagbigay sa kanya ng pahintulot.

"Put your arms around my neck!" utos nito. "I wouldn't able to balance you kapag hindi mo iyan ikinapit sa leeg ko."

"S-sige," ang napapalunok naman na tugon niya.

On their way on the clinic, unti-unti na ring nabawasan ang pagwawala ng puso ni Lara. It's because she realized how nice it feels to be that close with him. The warmth of him gave so much comfort to her. Kinikilig siya sa diwang nakayakap ngayon ang kanyang mga bisig sa leeg nito. Ang isa pang nakakapagdagdag kilig sa kanya ay malaya niyang nasisimsim ang very manly na amoy nito. Ang sarap nitong pagmasdan sa gayong anggulo. Parang gusto niyang hawiin ang buhok nito para makadantay ang kanyang baba sa balikat nito at magawaran niya ito ng isang mabilis na halik sa pisngi.

Stop right there, Lara! kastigo niya sa sarili.

Sa puntong iyon, alam na niyang mas malalim na sa attraction ang nararamdaman niya para sa binata. At kahit paulit-ulit man niya iyong iwaksi sa sarili, her heart was sure wouldn't listen. Malapit na sila sa Clinic nang mapansin ni Lara ang mga matang nakasunod sa kanila. She suddenly felt intimidated sa mga tinging pinupukol sa kanila ng ilang mga estudyanteng nakasaksi kay Scott habang pasan-pasan siya nito. Nakakagat-labing naiyukyok na lamang niya ang ulo sa may batok nito. Samantala, tila natunugan naman ni Scott ang dahilan ng bigla na lamang niyang pagkabagabag.

"Don't mind them!" wika nito. "What we're doing is none of their business."

Aww! Nakangiting tumango siya.

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon