4

401 13 0
                                    

"ENJOY with your first day, hija!" wika ng kanyang Auntie Belen nang makababa na siya ng tricycle na siyang nagsilbing service nila.

"Thanks, Auntie!" kumaway siya dito. "Ingat po!"

Nakangiting tumango lamang ito sa kanya.

Ihinahatid muna niya ng tanaw ang sinasakyan nitong tricycle bago siya naglakad papasok sa loob ng STU. Isang unipormadong guard ang sumalubong sa kanya pagdating niya ng main gate. Nang sitahin siya nito patungkol sa kanyang ID ay ipinaliwanag niya dito na bagong transfer lamang siya doon kaya magpapaID pa lamang siya. Agad naman nitong naunawaan at pinapasok na siya. Nang makapasok siya sa loob ng university compund ay agad niyang hinanap ang kanilang college building---ang College of Arts and Sciences o CAS. Laking-tuwa niya nang sa wakas ay matanaw na niya iyon. Nilakihan niya ang mga hakbang upang agad na makarating doon. Pagdating doon ay palinga-linga siyang naglakad sa may hallway. Inisa-isa niya ang bawat room na madadaanan---until room 215 hit her eye. Ayon sa nakasulat sa hawak niyang schedule ay doon gaganapin ang unang klase nila ng morning period. Dali-dali siyang nagtungo sa tapat niyon. Pero bago tuluyang humakbang papasok sa loob niyon ay humugot muna siya ng isang malalim na hininga to lessen the tension inside her na kanina pa niya sinusubukang balewalain.

Parang may dumaang anghel sa nasabing room pagkapasok niya dahil biglang nagsitahimik ang mga estudyante sa loob niyon na tila ba sinisino siya. Awkward, naisip niya. She thought to introduce herself to them pero sa huli ay mas pinili na lamang niyang idaan ang lahat sa isang simpleng ngiti. Nagtuloy-tuloy na siya sa bakanteng upuang namataan niya sa may duluhan pagkatapos.

Nang makaupo ay muli niyang pinag-aralan ang hawak na schedule. Subalit agad ring nawala ang konsentrsyon niya doon nang maramdaman na parang may mabigat na bagay na pumatong sa kanyang desk. Nang tingnan niya kung ano iyon ay tumambad sa kanya ang isang makapal na notebook. Kunot-noong pinag-angatan niya ng tingin ang kung sino mang naglagay niyon doon and goodness! Kamuntik nang mahulog ang kanyang panga sa sahig sa labis na pagkagulat sa pamilyar na mukhang nasulyapan. It was him---the guy she met at the bus! Hinding-hindi niya maaaring maipagkamali ang mukhang iyon at ang gitarang bitbit nito.

"That's my seat." ang ipinahayag nito sa baritonong tinig.

Subalit parang hindi rumehistro sa kanyang pandinig ang sinabi nito. Basta't nakaawang ang mga labing nakatitig lamang siya dito. Oh my Gosh! Dito rin siya sa STU nag-aaral? Block mates kami? ngalingaling na naisaloob niya. Pinakiramdaman niyang mabuti ang sarili. Naroon na naman pamilyar na kabang bumundol sa kanyang puso noong unang beses magtagpo ang mga landas nila sa bus. What the heck! Ano't nararamdaman ko na naman ito? She tried calming herself down but the bare fact na muli silang nagkita nito at accidentally ay naging block mates pa wouldn't let her system calm. Really, it was worse than what she felt bago makaapak ang mga paa niya sa room na iyon!

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon