16

304 9 0
                                    

PAGDATING ni Lara sa rooftop ay naabutan niya si Scott na nakatayo sa harap ng railings habang nasa malayong dako ang tingin. He didn't made any single move kaya alam niyang hindi ito aware sa presence niya. Matagal muna niya itong pinagmasdan mula sa gayong anggulo bago dahan-dahang humakbang palapit sa tabi nito.

Nang makalapit na dito ay isang kanta ang isinahimig niya. "If you look you'll find... I got you on my mind. 'Cause baby, I'll be there for you, when you need somebody. I'll be there for you, when you want someone who cares. When you're down and feeling blue, I'll be there. When you call me, I'll be there." Nang sumulyap siya kay Scott ay nakita niyang kunot-noong nakatingin ito sa kanya na para bang takang-taka sa bigla na lamang niyang pagsulpot doon.

"What are you doing here?" mayamaya ay tanong nito sa kanya.

She smiled at him. "I want to be here for you just like what the lyrics of the song says." balewalang sagot niya rito.

Napasinghap ito. "Seriously?"

She looked at him directly in the eyes. "I'm serious."

Nakipagtitigan ito sa kanya bago kapagkuwan ay mapabuga ng hangin. "Forget it," ang ipinahayag nito pagkatapos. "I want to be alone so just go."

She rolled her eyes. "Fine! Aalis ako pero pwede bang makinig ka muna sa akin?"

Hindi ito tumugon.

She sighed. "Maybe you're thinking that I'm bothering you too much but really, I'm not! Because in case you didn't know, I'm just a concerned student of STU who's looking after a welfare of a jerk guy who doesn't even have a nerve to do what he really wants to do for some reason that he's trying to keep with everyone!"

There's a pissed look in his eyes when he stare at her. "What are you trying to say huh?"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "I'm saying that you should stop being a coward!"

"I'm not a coward!" giit nito.

"Kung gano'n, mag-audition ka for the Moffie Toffie band kung talagang hindi ka nga duwag." panghahamon niya rito. "Ano?"

Saglit itong natigilan bago nagsalita. "I'm not going to do that." matatag na sabi nito.

Napaismid siya. "Duwag ka, Scott Andrew Lam!" wika niya dito pagkatapos.

Mataman siya nitong pinagmasdan. "What? You're acting as if you know me that well huh?"

Para siyang sinampal ng katotohanan nang marinig ang sinabi nito. Napagtanto kasi niyang wala siyang karapatang sabihin dito ang mga bagay na iyon dahil wala naman siyang sapat na kaalaman sa pagkatao nito. Wala siyang kaide-ideya sa mundong ginagalawan nito. Hindi siya nakapagsalita.

"Just because you witness me playing, doesn't mean you know everything. So shut the fuck up and don't come near me ever again!" matatag na sabi nito bago siya talikuran.

Naiwan siyang nanghihina ang mga tuhod. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ihatid na lamang ito nang tanaw habang humahakbang ito palayo sa lugar na iyon, palayo sa kanya.

Shoots! Another reckless move, Lara!

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon