26

276 8 0
                                    

NAKATAYO sa harap ng railings si Scott paris noong huling mapag-abutan ito ni Lara sa may rooftop. Nakapamulsa ito at bahagya lamang nakatalikod kaya naman masisilayan pa rin ang kalahati ng gwapong mukha nito na nasisinagan ng araw. His long light brown and blonde hair are once again swaying against the blow of the wind. Napasinghap siya. He always leave her breathless in that angle. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa kinaroroonan nito at naswertihan naman na hindi ulit nito namalayan ang presensya niya. Nang makalapit ay maingat niyang itinakip sa mga mata nito ang kanyang dalawang kamay. Gulat na kinapa-kapa naman nito iyon pagkatapos.

"A-anong?" tinanggal nito ang mga kamay niya bagaman hindi iyon binitawan. "Lara?" ang bulalas nito nang makita siya.

"Yep, it's me!" she smiled at him.

He smiled back. "What are you doing here?" ang tanong nito pagkatapos. Hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang mga kamay.

"Well," nagkibit-balikat siya. "I've got a good news to tell."

"Really?" ang wika nito. "What is it?"

"Scott," humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "You passed the auditions!" she exclaimed jubilantly afterwards. "You're now the newest member of the Moffie Toffie Band! Congratulations!!"

There was a great happiness that surround his eyes upon hearing that. Inakala niya na mapapa-'woah!' ito sa labis na kasiyahan pero kabaligtaran ng iniisip niya ay simpleng "I know," lamang ang itunugon nito sa kanya. Pinagkunutan niya ito ng noo.

"Alam mo na?" nanlulumong sabi niya rito. Napabuntong-hininga siya. Excited pa man din siya na pumunta doon at sabihin dito ang tungkol sa bagay na iyon. No'n pala ay may nakauna na sa kanya. "Nahuli na pala ako." napayuko siya sa labis na disappointment.

Napangiti ito na tila naaliw sa reaksyon niya. Nagulat siya nang ilagay nito ang isang kamay sa kanyang baba para iangat iyon. Their eyes met. "Clint informed me," sabi nito sa kanya. "But believe me, mas masarap pa rin sa pakiramdam na marinig ko iyon sa'yo." then he smiled. Awww! nalusaw na yata ang kanyang puso sa labis na kilig. Nang maramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi ay muli siyang napayuko. Noon niya napansin na hawak pa rin pala nito ang isa niyang kamay. Nang pisilin nito iyon ay mula siyang napasulyap rito.

"By the way, magkakaroon pala ang band ng mini concert sa MPG bukas ng hapon. It was a free show na regalo ng band sa mga estudyante ng STU bilang pasasalamat sa walang sawa nilang pagsuporta. It was also a celebration dahil kumpleto na ulit ang members ng band." pag-iimporma nito sa kanya. Itinaas nito ang kanyang kamay na hawak nito at dinampian iyon ng halik. "I'll debut tomorrow and I am expecting you to be there. No, scratch that. I want you to be there." sinserong ipinahayag nito. Literal na napanganga siya sa labis na pagkagulantang. Kung pwede lang mahulog ang kanyang puso mula sa kanyang rib cage ay kanina pa siguro iyon nahulog sa labis na kilig na nananalasa ngayon sa kanyang sistema. Omg! Omg lang talaga! Pwede bang sabunutan niya ang sarili niya?

"Lara?" untag nito sa kanya di kalaunan nang hindi siya tumugon.

"H-ha?" nakagat niya ang pang-ibabang labi. "O-Oo naman." sabi niya rito na hindi mapigilan ang pagkautal. "Darating ako, promise."

Nagliwanag ang mukha nito at ngumiti sa kanya. "Salamat."

Shocks! Hindi na yata kaya ng puso niya. "No problem." tanging nasabi niya na lamang rito.

Di naglaon ay lihim siyang napabuntong-hininga. Seriously, Scott? Ano itong ginagawa mo? Gusto mo ba talagang mas lalo akong mahulog sa'yo? Well, you don't need to effort dear dahil I already fell for you. Noon pa nang agapayan mo ako sa may bus. Eh, ikaw? Ano bang nararamdaman mo para sa akin? Gusto mo rin ba ako? Ano na ba tayo? Ang sa huli ay mga tanong na naiwang naglalaro sa kanyang isipan.

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon