11

321 8 0
                                    

SINALAKAY ng labis na pag-aalala si Scott nang makita si Lara sa ibaba ng hagdanan na namimilipit habang hawak ang kanang paa. "What the hell happened?" he exclaimed. Nagmamadaling dinaluhan niya ito.

Nang makalapit ay agad niya itong i-chin-eck. "Are you alright? What's hurting?"

Itinuro nito sa kanya ang kanang paa.

"Okay, don't move." kinuha niya ang paa nitong iyon saka ipinatong sa kanyang hita. Sinimulan niya iyong hilut-hilutin pagkatapos. "Masakit pa ba?" mayamaya ay pagpukaw niya rito. Pero sa halip na tumugon ay nakita niyang awang ang mga labing titig na titig na naman ito sa kanya na para bang hindi makapaniwalang sinaklolohan niya ito. "Hey," he snapped. "Tinatanong ko kung masakit pa ba?"

"H-ha?" napangiwi ito. "K-kaunti nalang,"

"Makakaya mo bang maglakad?" tanong niya rito.

Nakagat nito ang pang-ibabang labi at hindi kaagad nagawang sumagot.

Napabuntong-hininga siya. Tumindig na siya saka tinulungan itong makatayo. Tumalikod siya at bahagyang yumukod rito pagkatapos. "Come on, I'll carry you to the Clinic."

"Y-you'll carry me?!" biglang bulalas nito.

He glanced at her. "You heard me right?"

Bumakas ang pag-aalangan sa mukha nito. "P-pero kasi..."

"Blah blah blah." he rolled his eyes. "Pwede bang sumakay ka nalang?"

Napabuga ito ng hangin. Wala na itong nagawa kung hindi sundin ang sinabi niya.

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon