19

284 6 0
                                    

NAPATINDIG si Lara mula sa sa pinagkukublihan nang makita si Scott. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib at parang bigla siyang pinagpawisan nang malapot sa matiim na paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. "S-Scott," hindi na niya nagawa pang dugtungan iyon dahil pakiramdam niya ay parang may biglang bumikig sa kanyang lalamunan.

"What do you think you're doing there?" kunot-noo pa ring tanong nito sa kanya. Napakaneutral ng tono ng pananalita nito kaya naman hindi tuloy niya matantiya kung galit ba ito sa kanya.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "I'm sorry," sa huli ay tanging nasabi niya. "I heard everything." she confessed. Inakala niyang sisigawan siya nito at ipagtatabuyan pagkatapos niyang umamin subalit kabaligtaran ng iniisip ay wala siyang narinig na kahit ano mula rito. Sa halip ay tila lumambot pa nga ang ekpresyon sa mga mata nito. Nanatili itong tahimik na nakatitig lamang sa kanya. Napabuntong-hininga siya. Kinutuban siya na na-intimidate ito dahil narinig niya ang pagtatalo sa pagitan nito at ng ina. And the fact na nalantad sa kanya ang kwento sa likod ng pagkatao nito surely bothers him. Marahil ay naaalangan itong magsalita dahil natatakot itong mahusgahan. Nakaramdam siya ng matinding kagustuhang makalapit dito para ipaalam dito na mali ang iniisip nito, na hindi niya ito kayang husgahan. Napabuntong-hininga ulit siya. At bago pa man niya mamalayan, kusa nang humakbang ang kanyang mga paa palapit sa kinaroroonan nito.

"Scott," she softly whispered . She tried her best not to touch his cheeks by her hand but she didn't succeed. Nagulat ito sa ginawa niya subalit nang marahan niya iyong haplusin ay tila nakalmante ito. That's the time when she looked directly into his deep blue eyes. "Gusto kong malaman mo na hindi nabago ng anumang nalaman ko ang pagtingin ko sa'yo. I understand what you two are going through and I couldn't judge you or your mom less. Trust me on this, Scott. Pangako na kung ano man yung narinig ko, hindi na iyon makakarating pa sa iba." Nang marinig iyon ay may kung anong damdaming kumislap sa mga mata nito na bago pa man niya mapangalanan ay agad na ring nawala. She smiled at him before she pulled back her hands away from him. Tatalikuran na sana niya ito pero bago pa man niya iyon magawa ay nahablot na nito ang kanyang braso. Nakaawang ang mga labing napasulyap siya rito. "B-bakit?" tanong niya sa garalgal na tinig.

"C-can you..." napalunok ito. "Can you stay for a little while?"

Bumadha ang pagkagulat sa kanyang mukha kaya hindi agad niya nagawang makasagot dito. Nang bahagyang makabawi ay tango at mahinang "oo" lamang ang nagawa niyang itugon dito.

Ang sunod na lamang niyang namalayan ay magkatabi na silang nakaupo ni Scott sa mahabang upuang kahoy sa tarangkahan ng boarding house. Nakakabingi ang katahimikang namamagitan sa kanila na halos marinig na nila ang tibok ng puso ng bawat isa. Gustuhin man niyang basagin ang katahimikang iyon ay hindi niya naman alam kung paano. Napabuntong-hininga siya. Mayamaya ay wala sa loob na napasulyap siya sa binata na tila namataan yata mula sa sulok ng mga mata na pinagmamasdan niya ito kaya sumulyap din sa kanya. Their eyes met and it almost take her breath away. Napapalunok na hinamig niya ang sarili.

"A-ahm," tumikhim siya nang maramdaman na tila may bumikig sa kanyang lalamunan. "Gusto ko nga palang mag-sorry sa nangyari noong nakaraang araw sa rooftop. I swear I didn't mean to say those things. Really sorry." sabi niya rito. "Saka pasensya na nga rin pala na nandito ako ngayon at hindi ko sinunod yung sinabi mong h'wag na ulit lalapit sa'yo." she paused. "N-nag-alala kasi ako nang hindi ka pumasok maghapon kaya nagpunta ako rito. Sorry, dahil sa kapahangasan ko, narinig ko pa tuloy yung pagtatalo ninyo ng mama mo." may pag-aalangang mahabang sabi niya rito.

Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin. "Really, bakit ba ang bait-bait mo sa akin sa kabila ng mga pagsusungit at pagtataboy ko sa'yo?"

"H-ha?" napariin ang pagkakalapat ng kanyang mga labi. How could she possibly tell him that she can't help but to get concerned to him because she liked him? Nangangatal na tumawa siya. "M-mabait ka rin naman sa akin ah?" sabi niya rito na ang layunin lang naman ay iligaw ang pinag-uusapan nila. "Tinulungan mo nga ako no'ng na-injured yung paa ko eh!"

"Very naïve," komento nito saka amused na tinitigan siya. Bigla siyang nailang na salubungin ang mga mata nito dahil sa kinatakbuhan ng kanilang usapan kaya naman napayuko siya. Mayamaya ay wala na ulit siyang narinig mula dito. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang nakatingala na ito sa madilim nang kalangitan.

"S-scott?" untag niya rito.

Sumulyap ito sa kanya. "I'll tell you a story." usal nito mayamaya saka matipid na ngumiti sa kanya. Huminto yata ang ikot ng kanyang mundo nang dahil sa ngiti nitong iyon. Pakiramdam niya ay ngumiti na rin sa kanya ang buwan at mga bituin sa kalangitan.

Hallelujiah!

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon