28

304 9 0
                                    

PASADO alas-siyete na ng gabi natapos ang inihandang mini concert ng Moffie Toffie Band. It was such a successful show! Pagkababang-pagkababa pa lamang ni Scott mula sa entablado ay parang gusto na agad niya itong salubungin ng yakap. But she refrain from doing so dahil marami pa ring estudyante ang nasa MPG nang mga sandaling iyon. Sa halip ay tinawag na lamang niya ito at kumaway rito. He smiled at her at sinenyasan siyang maghintay lamang sandali. Nang tumango siya ay nagtungo na ito sa loob ng backstage pagkatapos. Subalit hindi pa man siya nakakaisang minutong naghihintay dito ay may lumapit na sa kanyang grupo ng mga babae. Natatandaan niya ang mga ito! Ito rin yung grupo ng mga babaeng nagtangkang bigyan ng suhol---este regalo si Scott dati na hindi nito tinanggap. Hindi maganda ang kutob niya. Ano kayang kailangan ng mga ito sa kanya?

"Look who's here!" mataray na sabi ng babaeng nasa gitnang pwesto. Sa palagay niya ay ito ang nagsisilbing lider ng grupo. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Napalunok siya. "A-anong kailangan niyo sa akin?"

"Hah!" inismiran siya nito. "I really don't know kung anong nakita ni Scott sa'yo. I can't see anything special with you. You're not even going to stand out kapag tumabi ka sa kahit isa man lang sa amin!" pambubuska nito na tinawanan naman ng mga kasama nito.

Napabuga siya ng hangin. "Pwede ba? Ayoko nang gulo!" sabi niya sa mga ito. Tatalikuran na sana niya ang mga ito kung hindi lamang hinila ng lider ng mga babae ang isa niyang braso. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" pumiksi siya pero mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito doon. Sa sobrang higpit, pakiramdam niya ay tatagos na ang matutulis nitong kuko sa kanyang balat.

"Ayaw mo pala ng gulo eh! Bakit nilalandi-landi mo si Scott?" nakataas ang isang kilay na sabi nito sa kanya. Kumuyom ang kanyang mga palad. Hindi niya gusto ang ginamit nitong salita sa kanya. "Hoy, makinig ka sa sasabihin ko ha!" Hinigit siya nito palapit. Hindi niya nagawang pumalag. "Hindi porket na-special mention ka niya sa stage kanina ay gusto ka na niya! Dahil hindi kami papayag na sa isang tulad mo lang siya mapupunta!"

Masakit ang paraan ng pagkakahawak nito sa kanya. Pero mas masakit ang mga salitang binibitiwan nito sa kanya. Gusto niyang makipaglabanan dito ng salitaan pero alam niyang kapag ginawa niya iyon ay baka mas lalo lamang lumaki ang gulo. At isa pa, mag-isa lamang siya samantalang higit sa lima ang mga ito. Kahit saang anggulo tingnan ay siya rin ang dehado kapag umabot iyon sa pisikalan. Magpapakumbaba na sana siya para lamang matapos na iyon kung hindi lamang niya narinig ang tinig ng binata.

"At sino namang may sabi sa inyo na hindi ko siya gusto?" ang wika nito.

Napatigagal ang mga ito nang makita ang binata samantalang natigilan naman siya sa labis na pagkagulat. Naglakad ito palapit sa kinaroroonan nila at sa isang iglap ay marahas na tinanggal ang kamay ng babaeng nakahawak sa kanyang braso. Hinila siya nito patungo sa gilid nito saka inakbayan. Napanganga ang mga babae sa nakitang ginawa nito.

"Gusto ko siya okay?" mayamaya ay bwelta nito sa mga babae. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang napanganga. Gusto raw siya nito? "Gamitin niyo rin ang utak ninyo paminsan-minsan. Kaya nga special mention siya kanina sa speech ko ay dahil gusto kong personal na ihayag sa buong STU na may nagugustuhan na akong babae. At siya iyon." ang ipinahayag nito saka sumulyap sa kanya. "Actually, siya lang." sabi nito habang nakatingin sa kanya. Omg! Lumabas na yata sa kanyang rib cage ang kanyang puso at nahulog sa lupa. Pupulutin niya ba? "Hindi lang iyon dahil sa mga nagawa niya para sa akin kung hindi dahil mayroong espesyal sa kanya." muli nitong binalingan ang mga babae pagkatapos. "At kung hindi niyo iyon makita, kayo na ang may problema do'n. In fact, I can actually compare her to all the girls I've met before and I can frankly say that she stands out the most---even with the seven of you. So please, stop all the unnecessary prying dahil ako na ang nagsasabi, wala na akong nakikitang iba pang babaeng babagay sa akin kung hindi siya lang."

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon