27

283 10 0
                                    

NAGTIPON sa MPG o Multi Purpose Gymnasium ng STU ang mga estudyante mula sa iba't-ibang year and courses para mapanood ang inihandang mini concert ng Moffie Toffie Band. Ang mini concert ay isang free show na regalo ng naturang banda sa mga estudyante ng STU bilang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta ng mga ito sa kanila. It was also a celebration kung saan pormal nang ipapakilala si Scott bilang pinakabagong lead guitarist at vocalist ng banda. Excited na excited ang lahat. Yung ilan ngang wala nang klase ay doon na agad tumambay. At paris ng mga ito, sobrang excited na rin si Lara para doon. Iyon kasi ang kauna-unahang beses na maipapamalas ni Scott ang talento sa tanang STU. Di na siya makapaghintay na makita at marinig ulit itong magperform kahit pa nga sabihing dalawang beses na niyang nawitness ang talent nito. Well, that fact doesn't lessens her excitement though. Laking tuwa nga niya na maaga ang dismissal nila nang araw na iyon. Wala na siyang sinayang na sandali. Agad niyang niyaya si Denise doon para makahanap sila ng magandang pwesto na malapit sa stage. Pagdating doon ay naabutan nilang nakaset-up na sa stage ang mga instrumento at mikroponong gagamitin. Gosh! wala pa man ay parang naiimagine na niya si Scott na kumakanta at tumutugtog doon.

Nagsimula ang mini concert pasado ala-sais ng hapon. Isang drum exhibition mula kay Bob ang agad na bumungad sa kanila na mas lalo lamang nagpatindi sa energy ng crowd. Matapos niyon ay sunod na lumabas ng stage sina Clint and Dave. Tinungo ni Dave ang pwesto ng keyboard samantalang dumiretso naman sa mikroponong nakapwesto sa harap ng stage si Clint.

"Hello, everyone!" ang masiglang bati nito. "First of all, we want to thank all of you for coming. Well, alam naman siguro ninyo kung bakit nag-conduct kami ng ganito. This is our gift to all of you for your continued support to the band. And at the same time, this is a celebration where we are going to formally introduce to you the newest member of the band. Finally, after the long search ay natagpuan na rin namin siya. I know you already knew who am I talking about kaya naman hindi ko na papatagalin pa ito." He moved to the side to give way for Scott. "Ladies and gentlemen, meet the band's new lead guitarist and vocalist... Scott Andrew Lam!"

A warm applause from the crowd was heard. Samantalang kagyat namang lumukso ang puso ni Lara nang sandaling tawagin na nga ito sa stage. At mas lalo pa iyong nagwala nang tuluyan na nga niya itong masilayan. Nakalugay ang hanggang balikat na buhok nito na parang sinadya talagang magulo. And although he's just wearing a plain white shirt and faded loose pants, it doesn't lessens his boyish charm. May kakaibang dating rin ang gitarang nakasabit sa katawan nito. Goodness! He really look like one heck of a rockstar! A gorgeous and hot rockstar oozing with appeal to be exact. Nagtilian ang mga kababaihan. Oh well, kung sa mga ito nga ay matindi na ang epekto ng nakakabaliw na karisma nito, paano pa kaya sa kanya? Really, parang gusto niyang magkikisay sa labis na kilig at sumigaw ng "Oxygen please!" sa bawat sandaling susulyapan niya ang binata at tatablan siya ng aftershock.

Naglakad ito palapit sa may mikropono. Pagdating doon ay diretso ang tayong iginala nito ang paningin sa crowd na para bang may hinahanap. Nang dumako iyon sa kanya ay kagyat itong napangiti. Nag-init ang magkabila niyang pisngi. OMG! Pag-akyat pa lamang niya sa stage ay ako kaagad ang hinanap niya? How sweet! she smiled back at him.

Nagbigay na ito ng cue sa mga kabanda pagkatapos.

"You are the girl of my dreams

In my heart I believe

You are the girl of my dreams,

Baby, of my dreams

All alone in my room

Wishing that you were here

Without you in my arms

I'm holding back all the tears

Without you in my life

I'll never be satisfied."

Lara felt her heart swelled all of a sudden. Sa bawat salita kasing lumalabas sa bibig nito, pakiramdam niya ay personal nito iyong sinasabi sa kanya. Ah, this guy really has the ability to get under her skin and move straight to her heart. Habang pinagmamasdan niya ito ngayon ay may isang bagay siyang nakumpirma sa sarili: Mahal na niya ito.

"Baby let's go back in time

To when our hearts would shine

And I could hold you tight

In my dreams at night

You are the girl of my dreams

In my heart I believe

You are the girl of my dreams,

Baby, of my dreams"

Nagpalakpakan at nagsigawan ang crowd sa pagtatapos niyon. There's no doubt that they got mesmerized by the talent of Scott. They even shouted, "More! More!" the vey minute na ikinagalak naman ng binata. Gayunpaman, hindi kaagad ito nagperform ng another set of song at sa halip ay nagspeech muna ito.

"Thanks eveyone! I'm so glad for your warm welcome." ang sinserong ipinahayag nito. "Pero hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman na hindi naging madali para sa akin ang lahat bago ko nagawang tumayo dito at ibahagi ang kung ano mang nalalaman ko sa musika. I've been coward all through out my life. But just the start of this school year, someone help me out to stand up courageous." tumingin ito sa direksyon niya at ngumiti. Napamaang siya sapagkat hindi niya inaasahan ang gayon. "I just wanna express how thankful I am to her. She never leave me. She accepts me with who I am. Kung di dahil sa kanya, malamang isa pa rin akong malaking duwag hanggang ngayon. To me, you're such a special girl and I'm so glad that you came into my life, Lara Mae Cervantes."

Nagtinginan sa direksiyon niya ang crowd but she was too touched to give them a damn. Naramdaman na lamang niya ang malayang pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata habang wala pa ring kakurap-kurap na nakatingin lamang sa direksiyon ng binata. Gano'n pala ang pakiramdam na maapreciate ka ng taong mahal mo... overwhelming. He even did that in front of all those people at his first live performance with the Moffie Toffie Band. Why, her mind couldn't think of any word to say. Basta't ang alam lamang niya ay masaya siya. She heard a loud sound of applause afterwards. Di niya alam kung para sa kanya ba iyon o para kay Scott. Pero hindi na mahalaga iyon dahil tanging si Scott lang naman ang nakikita ng kanyang mga mata. Ah, there's no doubt she's inlove with this guy. Kung pwede nga lang ay higitin niya ang distansyang nakapagitan sa kanila ng mga sandaling iyon para magawaran niya ito ng isang mahigpit na yakap ay gagawin niya. But obviously, she can't do it. Bukod sa baka maging instant teleserye ang mini concert ay baka hindi na rin niya ito pakawalan pa pag nagkataon. Kaya naman ay nakontento na lamang siyang tugunin ang matamis nitong ngiti. When the band start playing another set of song, she just kept quite and listen with her full attention. Sa palagay naman niya ay hindi na kailangan pa ng anumang salita dahil para sa kanya ay wala rin namang salitang makakapagbigay ng eksplanasyon sa nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. It was pure and genuine that could only be interpreted by the tears in her eyes.

Seriously, iyon na yata ang pinakamasayang gabi na dumating sa buong buhay niya, ever!

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon