13

335 9 0
                                    

"ANO BA kasing ginagawa mo doon?" ang tanong ni Scott kay Lara nang mapag-iwanan sila ng nurse na siyang gumamot sa na-injured nitong paa.

Napansin niyang bigla na lamang itong naging aligaga nang banggitin niya ang tungkol doon. Sa reaksyon nitong iyon, tila nahulaan na niyang nasaksihan siya nitong tumutugtog sa may rooftop. Bagaman sa kabila niyon ay hindi siya nagpahalata dito.

Nakagat nito ang pang-ibabang labi. "A-ang nangyari kasi..."

"Come on, just say it." panghihimok niya. Gusto niyang ito mismo ang kumimpirma sa kanyang hinala.

Napabuntong-hininga ito. "I saw you walking near the Cafeteria earlier," she finally blurted out. "I got curious where you're going kaya..." she paused.

Umangat ang sulok ng kanyang mga labi. "Kaya?"

Napapikit ito nang mariin. "I'm sorry!" ang ibinulalas nito. "I admit, sinundan kita papuntang rooftop. And I witnessed you singing there! I'm sorry! H'wag ka sanang magalit sa ginawa ko!"

Gotcha! tuluyan na siyang napangiti.

"So, you're admitting to me right now that you've stalked me over the stairs kaya ka nahulog sa hagdan?"

Nag-init ang dalawa nitong pisngi nang matumbok niya ang totoo. Di tuloy niya napigilang hindi mapabulanghit ng tawa. "You know what? It's my first time to encounter someone like you. And really, you're unbelievable!"

Maang na napasulyap ito sa kanya. "H-hindi ka galit?"

How could I possibly be mad with such cute person like you, ang gusto sana niyang sabihin dito bagaman pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay amused na tinitigan niya ito. "You're funny," he told her afterwards.

Napangiti ito nang tabingi sa kanya.

"Well anyway, just wait for the nurse." mayamaya ay pag-iiba na niya ng usapan. "I'll just be outside."

Nang tumango ito ay tinalikuran na niya ito. Nagtungo siya sa labas ng clinic paris ng sinabi niya rito. And as he was waiting for her, iisang bagay lamang ang nasigurado niya sa kanyang sarili: his defenses are slowly taking down right before this lady. Napabuga siya ng hangin. Bigla siyang namomroblema kung paano niya ba pipigilan ang pusong unti-unti nang bumibigay dito.

Until You Loved Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon