2

402 14 1
                                    

Kaori

Naglalakad na kami palabas ng airport.. Napapasulyap ako sa gf ni Rhys, pero nag iiwas din agad ako ng tingin pag napapatingin din sya sakin.. Ewan ko kung bakit parang nahihiya ako sa kanya.. Kanina kase nung hinawakan nya yung kamay ko para makipag kilala, parang nakuryente ako kaya napabitaw agad ako.. Di ko din maintindihan kung bakit naging ganon yung reaksyon ko..

"hoy tol! Ayos ka lang? Di ka naman nakikinig sakin e.." sinangga ni Rhys yung balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.. Kinakausap nya pala ako? Luh!

"ha?" ayan nalang ang tanging naisagot ko sa kanya.. Jusko! Lutang ako dun ha.. Ito naman kaseng... Nevermind!

Kunot noo akong tinignan ni Rhys "anyare sayo tol? Lutang lang?" sabay tawa kaya nakitawa nalang din ako para masaya..

"pagod lang siguro yang bestfriend mo hon.. Mamaya mo na sa inyo kulitan yan" sabi ng anghel na nakakapit kay tol.. "san galing yung anghel kaori?" usisa ng utak ko.. "sa langit malamang" pilosopong sagot ko naman sa sarili ko.. Nabuang na po ako!

"ah oo, gutom na din kase ako tol" pagdadahilan ko nalang..

"okay! Basta mamaya kwentuhan tayo ha.." sabay baling nito sa gf nya, "hon, sama ka muna sa bahay.. Kain muna tayo dun bago ka umuwi.. Maaga pa naman, tsaka nagpaalam na ko kay tita" nakangiting saad nya sa gf nya.

"hindi ba ko makakaistorbo sa inyo ng bestfriend mo?" sabay tingin sakin na nagpabilis ng tibok ng puso ko.. What wrong with you hearty?? "diba tagal nyong di nagkita?" dagdag pa nito..

"ano ka ba hon, sa bahay naman magstay yan ng isang taon.. Marami pang oras para makapagkwentuhan kami nito" biglang akbay sakin "tsaka inaasahan ni mama na pupunta ka"

"okay!" maikling sagot nito..

Nandito na kami sa sasakyan papunta kila Rhys.. Grabe ang traffic dito sa Maynila ha! Parang isang mahabang parking lot na yung highway.. Kaimbyerna lang! Ang tahimik pa dito.. Makaidlip na nga lang!

Naalipungatan ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sakin.. Isang mata palang yung nabubuksan ko pero bigla din agad akong napaatras dahilan para mauntog ako sa bintana ng sasakyan..

"ouch" daing ko sabay hawak sa ulo ko.. Sino ba naman kaseng di magugulat kung pag mulat mo palang ng mata, sobrang lapit na mukha ni Jelay agad bubungad sayo??? Ewan ko, pero natataranta ako tuwing madidikit sya sakin..

"hala sorry! Nagulat ata kita.. San masakit?" ang lambing lang nya magsalita.. Akmang hahawakan nya yung ulo ko ng umiwas ako..

"ah eh.. Wala namang masakit, nagulat lang ako.. Asan pala si Rhys?" tanong ko nalang dito..

Umatras muna sya na pinagpasalamat ko naman, dahil masyado syang malapit sakin.. Natetense na naman ako e!

"pinasok nya muna mga gamit mo kaya ako nalang pinagising nya sayo.. Tutulungan din daw muna nya si tita maghanda ng pagkain" mahabang litanya nya..

"ah ganon ba? Salamat.. Tara na sa loob?" aya ko nalang dito, hindi ko na kase alam sasabihin ko e..

"sige tara" medyo nauuna sya nakasunod lang ako sa kanya..

Nang makapasok na kami sa loob, naunang bumeso si Jelay kay Tita Jess..

"hello po tita" bati ni Jelay dito..

"hi nak, mabuti naman at nakasama ka.." tita

"opo naman po.. Papalagpasin ko pa ba yung luto nyo?" pambobola ni Jelay kay tita. Areng lang 😂 "sige ta, tulungan ko po muna si Rhys mag ayos dun" dagdag pa nya na tinanguan lang ni tita..

Nang tumalikod na si Jelay papunta sa kusina sya namang baling sakin ni tita..

"Kaori anak kumusta ka na? Dalagang dalaga ka na.." sabi ni tita habang yakap yakap ako ng mahigpit..

"okay naman po ako tita.. Namiss ko po kayo" yumakap din ako pabalik..

"tara sa kusina dun naten ituloy ang kwentuhan" aya neto sakin sabay akbay.. Hilig nilang mag ina umakbay e..

Sabay sabay kaming apat kumain.. Katabi ko si tita na nakaharap kay Rhys tas ako naman nakaharap kay Jelay na sobrang lakas kumain.. Grabe pala tong babaeng to, papayat payat pero ang siba! Ang cute lang nya.. Ay teka san galing yun!

"Kaori, kain lang nang kain ha.." boses ni tita na nakapagpabalik sakin sa wisyo.. Nakatitig lang kase ako dito sa kaharap ko na sarap na sarap sa kinakain nya..

"yes po tita" sagot ko dito at nagpatuloy na sa pagkain..

Kain... Kwentuhan... Tawanan... Kain... Kwentuhan... Tawanan lang kami habang nasa kusina.. Di rin nagtagal nauna na si tita sa kwarto nya.. Naiwan kaming tatlo dito.. Tumayo ako para ligpitin yung mga pinagkainan namin..

"hugasan ko lang muna to" habang bitbit yung mga plato..

"ano ka ba tol, kakadating mo lang maghuhugas ka agad? Ako na bahala dyan.." tumayo na din sya at binangga pa ko para sya na yung makapwesto sa tapat ng lababo..

Wala na kong nagawa kaya bumalik nalang ako sa pwesto ko kanina habang nag aantay na matapos si Rhys maghugas.. Nakaharap na naman ako kay Jelay na busy parin sa pag nguya.. Di pa ba sya nabusog sa kinain nya kanina? Nangata na naman sya this time chichirya naman.. Takaw!

Pinanood ko nalang sya hanggang matapos na si Rhys at inaya na neto yung babaeng matakaw na ihatid sa kanila..

"tol, hatid ko lang muna si Jelay.. Yung gamit mo andun na sa kwarto.. Pahinga ka na din muna" paalam ni Rhys..

"sige tol, salamat! Ingat kayo.." tumingin naman ako kay Jelay na nakatingin din pala sakin.. "nice to meet you, Jelay!" sincere na sabi ko dito sabay ngiti..

Sinuklian naman nya ito ng isa din ngiti sabay sabing "nice to meet you too, Kaori!"





At tuluyan ng sumabog ang puso ko! Areng..














Itutuloy...

Vote. Comment. Share!

My Utol's Girl (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon