3

337 14 7
                                    

Jelay

Kanina pa ako naihatid ni Rhys dito sa bahay galing sa kanila.. Gusto pa sana nya magstay saglit pero pinauwi ko na agad sya. Alam kong pagod na din kase sya sa maghapong pagdadrive, tsaka balak din daw nya yayain mag mall si Kaori bukas.. Syempre kasama ulit ako! Sa totoo lang, gusto ko sana na sila nalang muna lumabas bukas para makapagcatch up sila ng maayos.. Feeling ko kase pag kasama nila ako nahahati yung atensyon ni Rhys saming dalawa e.. I mean, alam kong miss na miss nya yung bestfriend nya kaya gusto ko na magbonding sila ng sila lang.. Pero mapilit si Rhys e, gusto din daw nya na maging close kami ni Kaori..

Speaking of Kaori... Naalala ko na naman yung eksena kanina nung pinagising sya sakin ni Rhys pagdating namin sa kanila. Nauntog lang naman sya sa bintana ng sasakyan nung nagmulat sya muna sa pagyugyog ko sa kanya.. Ewan ko ba sa babaeng yun, parang nakakita ng multo kung makareact e.. Ang gandang multo ko naman kung ganon! Charot.. Tas habang kumakain kami grabe pa sya makatingin sakin.. Ngayon lang ata sya nakakita ng dyosang malakas kumain e.. 😂 Medyo nakakailang yung tingin nya, ay mali! Yung titig pala nya.. Yes titig, titig na titig sya na parang gandang ganda sya sakin.. Kung di lang sya babae iisipin kong may gusto sya sakin e.. Pero dahil magandang babae sya, yep! Maganda si Kaori, kahit di nakamake up.. Anyways! Ayon na nga, kahit ganon sya makatitig iisipin ko nalang na baka kinikilatis lang nya yung gf ng bestfriend nya.. Tama! Yun lang yon..

Biglang tumunog cp ko.. Tumatawag si Rhys!

Hon ko 💞 calling...

Sinagot ko naman agad to.. "yes hon?"

"papaalala ko lang po na may alis tayo bukas.. Hehe baka lang makalimutan mo ulit" sabi nya sabay tawa.

"ay grabe sya.. Hindi na po, nakapag alarm na po ako" sigurado ko sa kanya..

"pinapaalala ko lang po.. Sige na hon, pahinga ka na.. Daanan ka namin ni Kaori bukas before lunch" remind neto sakin.

"sige po hon, goodnight i love you!" medyo antok na sagot ko..

"goodnight hon, i love you" sagot nya sabay patay ng tawag..

Nagprepare na din ako para matulog.. Medyo nakakapagod din tong araw na to..

Kaori

Maaga akong nagising dahil sinabihan ako ni Rhys kagabi pag uwi nya galing kela Jelay na magmall daw kami ngayon.. Before lunch daw namin dadaanan si Jelay sa kanila.. 7AM palang naman kaya naisipan kong magprepare muna ng breakfast.. Naabutan ko si tita na nagtitimpla ng kape nya, nakabihis na din sya ng pamasok nya sa work.. Nakita naman agad ako nito..

"goodmorning nak, ang aga mo ata?" bati nya habang hinahalo yung kape nya..

"goodmorning din po.. Napaaga lang po ng gising, nag aaya din po kase si Rhys magmall mamaya.. Balak ko lang din po sana muna magprepare ng breakfast pero mukhang naunahan nyo na po ako" biro ko dito habang nakatingin sa lamesang may nakaready ng almusal.

"hehe bukas mo nalang ituloy yung balak mo.. Maupo ka na at sabay na tayong kumain" aya nito sakin..

Agad naman akong naupo at sinabay na syang kumain..

"kumusta ang tulog mo? Di ka naman ba nanibago?" tita..

"okay naman po.. Maaga din naman po nakatulog dahil medyo napagod po sa byahe" sagot ko dito at nagpatuloy na sa pagkain..

Naunang natapos kumain si tita na agad naman nagligpit ng pinakainan nito tapos nagpaalam na din sya na papasok na..

Tinuloy ko naman ang pagkain ko, sarap ng foods e.. 🐷 Maya maya lang ay bumaba na din si Rhys pero di pa din ako tapos kumain.. Gutom ako ii! Di ako masyado nakakain ng maayos kagabi.. Mas madami pa ata yung titig ko kay Jelay kesa sa nakain ko.. Takaw kase nya! Nakakaamaze lang! Wow ha!

My Utol's Girl (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon