4

290 12 2
                                    

Kaori

Andito na kami sa Jollibee.. Humanap muna kami ng pwesto para makaupo muna saglit at makapag isip din ng pwede namin kainin..

"ako na oorder.. Ano sayo?" tanong ko.

"1pc. chicken with rice..." tumayo naman na ako pero nagsalita ulit sya. "tsaka spaghetti, large fries, peach mango pie and sundae" napatulala naman ako.. Yung totoo? Trip ba neto magmukbang? Say hi to her vlog guys! Hehe areng lang! 😂 hindi na dapat ako nagugulat na ganyan sya pagdating sa pagkain kase nakita ko naman na kahapon kung gano sya kalakas kumain, pero nagulat pa din ako ii!

"uy! Eto bayad ko oh!" inaabutan nya ko ng pera.

"tabi mo na yan, libre ko na to!" sabi ko dito..

"ay hala! Nakakahiya naman, dami ko pa naman order.. Sige na! Kunin mo na to!" pilit nyang binibigay yung pera nya pero di ko tinanggap.

"ano ka ba okay lang.. Sabi nga ni Rhys, ako muna bahala sayo.." nagwink pa ko sa kanya bago tuluyang pumunta sa counter.. Wala lang, trip ko lang! 😂 natawa lang sya sa ginawa ko..

Dumating na din naman agad yung order namin.. 1pc chicken with rice lang inorder ko kase wala na kong budget.. De joke lang! 😂 di pa naman ako masyadong gutom kase nga ang dami kong nakain kaninang umaga.. Skl ! ✌

"yan lang pagkain mo? Luh! Nakakahiya talaga, tas ikaw pa nagbayad neto" turo nya sa mga pagkain sa harap nya..

"medyo madami nakain ko kaninang breakfast e.. Tsaka okay lang talaga! Wag ka na mahiya dyan.. Hehe" sabay buhos ng gravy sa kanin ko.. "kain ka na!" Di pa kase sya nagsstart kumain..

"salamat! Di kase ako nakapagbreakfast kanina kaya medyo gutom ako" binuhos na din nya yung gravy sa kanin nya.. Gaya gaya sya i! Chos.. Ginagawa nyo din ba yun?

Tahimik lang kami habang kumakain.. Di ko naman maiwasan na mapatitig sa kanya.. Ang gana lang nya kumain! Yung tipong kahit may laman pa yung bibig nya susubo na ulit sya.. Hanggang magmukha na syang hamster sa sobrang lobo ng pisngi.. Haha ang cute nya lang! Ansabe Kaori??

"may dumi ba ko sa mukha." sabay punas sa mukha nya ng tissue..

"ah wala naman, baket?" takang tanong ko..

"akala ko meron e. Grabe ka kase makatitig dyan.. Hehe" aguy! Huli ako pero di ako kulong 😁

"ah eh" ih oh uh 😂 "nakakatuwa ka lang kase" ah eh walang masabe..

"nakakatuwa?" sabay subo ng fries.. Mga 10pcs siguro yun.. Ahaha takaw nya e!

"oo nakakatuwa ka.. Ang lakas mo lang kumain.." inubos ko nalang yung natitirang softdrinks ko..

"ah.. Oo e! Malakas talaga ako kumain.." peach mango pie na nilalantakan nya, sinasawsaw pa nya sa sundae e.. Masarap ba yun?

"halata nga e.." "cute mo" pahabol na bulong ko..

"ha?" napatigil sya sa pag kain..

"anong ha?" patay malisyang tanong ko.. Cute pa more! Harot mo self!

"ano yung huling sinabi mo? Di ko na kase masyadong narinig.." at natapos na din sya kumain..

"ah wala yun.. Pahinga lang muna tayo saglit tas laro tayo?" change topic si ate nyo Kaori! 😂

"sige sige.. Grabe nabusog ako!" himas himas pa nya yung tummy nya..

"takaw mo kase! Ahaha" biro ko sa kanya.. Pero pwede ding seryoso.. Matakaw naman talaga sya 😁

"grabe ka! Gutom lang talaga ako ngayon.." depensa nya..

"okay.. Sabi mo e!" pangisi ngisi pa ako..

Inirapan naman nya ako.. "tara na nga!"

"huy joke lang! Sorry na.." habol ko sa kanya.. Bilis maglakad e..

"eh?? Bakit ka nagsosorry?" naguguluhang tanong nya..

"kase nagalit ka dun sa biro ko na matakaw ka? Tas bilis mo pa maglakad.." hinihingal kong sagot..

"AHAHAHAHA.. di ako galit no! Excited lang ako maglaro.. Kaya bilisan mo na din maglakad dyan" saya saya nya eh!

Di na ko nagsalita pa at sinabayan nalang sya maglakad.. Nakarating naman agad kami dito.. Lakad'takbo ba naman gawin namin e.. Bibili na sana ako ng mga tokens ng maunahan nya ako..

"oooppps! Tabi mo na yan.. Libre ko na to!" pang gagaya nya sa linya ko kanina..

"wag na, eto na!" pero hinawakan nya yung kamay ko na may hawak na pera para pigilan... At literal na natigilan ako.. Kaya pa Kaori??

"ako na dito.. Sabi din naman ni Rhys, ako muna bahala sayo e!" At nagwink din po sya sakin.. Gaya gaya! Sus! Wala naman epekto sakin yun.. Nagwala lang naman puso ko.. Wala lang yun diba? 🤔

"laro na tayo uy!" pagkuha nya sa atensyon ko.. Nakabili na pala sya ng tokens.. Bakit di ko alam?? Tulala pa more girl!

"ah oo tara! Ano uunahin naten? Sagot ko ng makabalik na ko sa wisyo..

"basketball? Pataasan tayo ng score?" suggestion nya..

"may premyo ba kung sino mas mataas ang score?" tanong ko..

"uhm.. Wala! Ahahaha.." masayang sagot ni ate girl.. Halata naman diba?

"baduy! Walang challenge.. Dapat meron!" pagpipilit ko..

"ah sige.. Iiyak ka na e!" pang aasar nya. "kung sino matalo, ililibre nya yung mananalo ng ice cream.. Bet? Taas baba pa yung kilay nya habang nag hihintay ng sagot.. Food is life talaga sa kanya e. Kahit pustahan para sa food pa rin 😂

"okay.. Handa ka na manlibre?" pagyayabang ko..

"tignan naten!" nagsmirk sya! Bakit ang hot nya dun? Focus Kaori! Para sa ice cream 😂


Nagsimula na kaming magtunggali ! Sobrang kata ni Author dun 😂 ayun na nga! Di naman nagkakalayo yung score namin.. Lalamang sya tas mahahabol ko, lalamang ako tas mahahabol nya.. Last 10 secs same pa kami ng score.. Napasulyap ako sa kanya, napatingin din sya sakin sabay kindat .. Sh*t ! Napatigil ako sa pagshoot ng bola..

Lumapit naman sya sakin sabay bulong "ice cream ko later ha, gusto ko cookies & cream!" Sabay lagpas sakin..

Nang matauhan ako, napatingin ako sa score.. 93 sya 90 ako.. Damn! Nadali ako sa kindat..









Itutuloy...

A/N: Musta? Nag eenjoy ba kayo na si Kaori ang marupok dito? 😂 di pa tapos bonding nila sa mall.. Mga 40 parts pa yan! Chareng! Thank you sa support mga JelRians.. Pauso si Author! ✌ Pa'follow na din po sa twitter @AkoAyAuthor3A .. Maraming maraming salamat.. Part 5 sa saturday! 😉

Vote. Comment. Share!

My Utol's Girl (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon