13

568 32 9
                                    

Jelay

...how would you feel,
if I told you I loved you?
It's just something that I want to do
I'll be taking my time, spending my life
Falling deeper in love with you
So tell me that you love me too 🎤

Ramdam ko yung emosyon ni Riri habang kinakanta yung part na yun.. Ayoko mag assume na para sakin yung kanta nya pero yung tingin nya kase habang kinakanta yun, iba e.. Parang sinasabi nya mismo sakin yung bawat salita.. How I wish kaya ko ibalik sa kanya kung ano man yung nararamdaman nya para sakin.. Pero hanggang ngayon kase di ko parin alam kung kaya ko pa magmahal ulit.. After my first heartbreak, parang ang hirap na ulit magbigay ng tiwala, na any time pwede kang saktan ng taong magpaparamdam sayo na mahal ka nya.. Hayst! Ano ba yan! Nalulungkot na naman ako, si Riri naman kase kung ano ano pinagkakakanta! Although ako naman yung biglaang nagyaya sa kanya pumunta dito sa mall.. Opo! Biglaan ko lang syang niyaya pumunta dito, pano ba naman kase may plano ata yung Seth na yon na yayain sya kanina kaya inunahan ko na...

Flashback

Andito kami ngayon sa cafeteria.. Kung dati kaming tatlo nina Rhys at Riri ang magkakasama sa table, ngayon apat na kami.. Syempre si Kyzha kasama na din namin, ok naman na sila ni Riri.. Yung isa pa naming kasama? Sino pa nga ba?? Walang iba kundi si Seth.. Tsk! Close na talaga sila e.. Obvious naman na may gusto kay Riri tong isang to.. Ewan ko kung bakit, pero ayoko sa kanya.. Mabait naman sya, pero feeling ko kase mas close na silang dalawa kesa saming magsobrang bestfriend e.. Pakiramdam ko inaagaw nya sakin si Riri.. 😢

"huy bebe!" sinanggi nya pa yung balikat ko para makuha yung atensyon ko.. "Wala ka bang balak kumain?? Ayaw mo ba nyang pagkain mo?" tanong neto habang nakatingin sa pagkain ko.. Di ko pa pala nagagalaw pagkain ko.. Na kay Seth kase yung atensyon ko, pano ba naman sobrang lagkit makatingin dito sa katabi ko.. Tsk! Tusukin ko mata neto e..

"ah.. Ano.. Eto na nga kakain na.. Hehe" medyo awkward yung tawa ko.. Pati kase yung dalawa naming kasama nakatingin din sakin.. Sinimulan ko nalang yung pagkain ko habang nag uusap usap yung tatlo..

"Kao! Favorite subject mo ba geometry?" eto na naman po si Seth.. Babanat na naman ng mga corny jokes nya.. Sa 2weeks na nakakasabay namin sya kumain, walang araw na hindi bumanat to kay Riri.. Bentang benta naman dito sa katabi ko yung mga banat nung mokong. Tsk! Corny corny naman! 😏

"ha? Hindi.. Bakit?" kunot noong tanong nya.. Sus! Parang di naman sya sanay na magpapacute lang yung isa sa mga ganyanan nya!

"kase kahit saan angle ka tignan... Ang ganda mo e.." ngiting ngiting banat nya.. Kala mo naman kinagwapo nya! Tsk! Pero gwapo naman din talaga to.. Ang corny nga lang!

"tsk! / ahaha.. Corny mo!" sabay pa kami ni Kaoni.. Corny daw pero parang kinikilig din naman sya..

"pinaglihi ka ba sa keyboard??--- kase type kita.." di parin sya tapos bumanat..

"baliw! Dami mo alam.." nagpipigil ng ngiti naman netong isa..

"Grabe! Nakakatawa yung mga pick up lines no? Haha.. May alam ka pa bang iba? Wala na kong maisip e..--- 'Cause all I ever think about is you.." sabay kindat dito sa katabi ko..

"omg! Ang cute nyo! Bakit di mo nga ligawan si Kaori? Bagay naman kayo e.." kinikilig na suwesyon ni Kyzha.. Napatigil naman ako sa pagkain sa sinabi nya..

"naku! Wag ka maniwala dyan kay Seth! Bolero lang talaga yan.. Haha.." sagot naman ni Kaoni.. Oo tama! Wag ka maniwala dyan..

"ouch naman!" humawak pa to sa dibdib nya na kala mo talaga nasasaktan.. Tsk! "crush na crush kaya kita nuon pa.. Tanong mo pa kay pareng Rhys.." napatingin naman si Riri sakin after banggitin ni Seth yung name ni Rhys.. Nginitian ko lang sya.. Alam nya na nasasaktan parin ako hanggang ngayon kahit mag isang buwan na kaming wala ng bestfriend nya.. Hindi din nya inoopen yung feelings nya for me.. Or kung may feelings parin ba sya sakin.. Baka wala na nga dahil may isang taong andyan para sa kanya nung mga panahong iniwasan ko sya.. Mas okay na din siguro na may magustuhan na syang iba, alam ko kaseng hindi ko kayang suklian yung nararamdaman/naramdaman nya para sakin.. Dahil hanggang ngayon, si Rhys parin yung mahal ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Utol's Girl (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon