Jelay
Ugh! Sobrang sakit ng ulo ko! Amoy alak pa ko.. Sh*t! Yari ako kay mama.. 🤦♀ Teka! Andito na ko sa kwarto ko? Pano ako nakauwi? Mahilo hilo kong kinuha yung fone ko para matawagan si Kyzha.. Sya naman siguro naghatid sakin diba?? Sya lang naman kilala ko dun.. itatanong ko na din kung ano nangyare kagabi. Baka kase may ginawa akong di kaaya aya! Gusto ko din malaman kung ano ba napag usapan nila ni mama pag hatid nya sakin.. Para may idea din ako kung malupitang sermon ba ipapatikim sakin ni mama..
"hello?" panimula ko pagkasagot nya habang nakahawak sa ulo ko.. Sakit talaga e.. Alak pa!
"oh bakit???" medyo iritable yung boses nya.. Nagising ko ata 😂
"taray neto.. Magpapasalamat lang naman ako sa paghatid mo sakin kagabi.." nakapikit na sagot ko.. Hilo ako e!
"paghatid??? Hindi ko nga alam bahay nyo e.." AHAHAHAHA bakit ba ang taray neto?? Pero teka! Hindi pa nga pala sya nakapunta dito.. Pano ako nakauwi???
"eh pano ako nakarating dito sa bahay?? Baka naman nakita mo sa ID ko yung address namin? Pinagtitripan mo pa ko e.." malakas din tama neto e.. Malamang nangtitrip lang to..
"ay oo nga no?? Di ko naisip yun.. Dapat pala di ko na sya tinawagan, natarayan pa ko e.." sagot nya na lalong nagpasakit sa ulo ko.. Sinasabi neto??!
"tinawagan??? Sino? Linawin mo nga kwento mo, lalong sumasakit ulo ko e!" sabi ko habang hilot hilot yung ulo ko..
"ay wow! Sino ba kaseng may sabing uminom ka ng madami ha??" pagtataray na naman nya na may halong sermon..
"malay ko bang malalasing ako.. Pero wag mo ibahin kase! Sinong tinawagan mo? Sino naghatid sakin dito? Sunod sunod na tanong ko..
"si Kaori.." casual na sagot nya, bigla naman tumibok ng mabilis yung puso ko.. Anyare sakin?
"tigilan mo pangtitrip mo sakin Ky.. Sino nga kase?!" pag ulit ko ng tanong ko sa kanya.. Imposible naman kase e.. Diba??
"ewan ko sayo Jillian! Tatanong tanong ka tas pag sinagot ka hindi ka maniniwala.. Trust issue lang teh??" may pang aasar na tanong nya..
"eh seryoso?? Si Kaori talaga tinawagan mo??" tanong ko ulit.. Di parin ako naniniwala sa kanya e..
"oo nga.. Nataranta na kase ako sa pag iyak mo.. Pinipilit mo na puntahan naten yung manloloko mong ex.. Di ko na alam gagawin sayo e.. Di ko naman alam kung san ka nakatira, di ko na naisip tignan ID mo.. Kaya tinawagan ko nalang si Kaori gamit fone mo para itanong kung anong address mo.." mahabang kwento nya..
"oh pano nangyare na sya yung naghatid sakin dito??? Eh tinanong mo naman pala address namin??" naguguluhang tanong ko..
"ayaw nya ibigay e.. Nagalit nung nalamang lasing ka.. Sabihin ko nalang daw yung address kung asan tayo para sya nalang susundo sayo.." seryosong pag eexplain nya..
"at sinundo talaga nya ako dun?? Sh*t! Nakakahiya!" napafacepalm nalang ako..
"infairness naman dyan sa bestfriend mo, after ko ibigay yung address ambilis nakarating e.. Ang sungit nga lang! Hahaha" nasungitan na masaya pa?? Loka loka din to e..
"wala naman akong ginawang di kaaya aya??" naniniguradong tanong ko..
"bukod sa iyakan yung walang kwenta mong ex.... Wala naman na.. Tulog na tulog ka na nung dumating si Kaori.. Grabe! Ang sweet lang din ng bestfriend mo e, pinasan ka mula 2nd floor hanggang makarating ng sasakyan nya.. Kahit hirap na hirap na sya, sinigurado nyang komportable yung posisyon mo sa likod nya... Pero yun nga lang, ang sungit talaga e.." haba na ng sinabi nya.. May pahabol pa! Pero natouch naman ako sa ginawa ni Riri! Kahit hindi ko pa sya kinakausap, andyan parin sya para sakin.. 😭