Kaori
Kaori gising na ... Kaori gising na ... KAORI GISING NAAAAAAAAAAAAA!!! napabalikwas ako ng marinig boses ni Jelay... Pero wala po sya dito, voice record lang yan na ginawang ringtone ng alarm ko sa phone.. At idea nya po yan! 2weeks na since nagstart pasukan, so bale 2weeks na din akong binubulabog ng boses ni Jelay! Ayaw nya na palitan ko eh.. Sya lang daw kase may kayang gumising sakin.. Ediwow diba??? Oo nga pala, siguro nag aantay kayo ng update sa naging pag uusap nina Jelay & Rhys na dapat mangyayari 3weeks ago... Well, hindi sya natuloy! Ewan ko ba sa mokong na Rhys na yon.. Tsaka nalang daw nya sasabihin kay Jelay, hindi naman na daw sya nakikipagkita dun sa Reign.. Hinayaan ko nalang, ayoko naman na ako yung magsasabi kay Jelay.. Sobrang pakialamera ko naman kung gagawin ko yun.. Siguraduhin lang talaga nya na hindi nya niloloko si Jeje, dahil ako talaga makakalaban nya.. Gaya nga ng sabi ko, sobrang bait nung tao para lang gaguhin nya.. Isa pa, bestfriend ko na din yun.. Sobrang bestfriend ! Kaya hanggat maaari ayokong may masaktan sa kanila.. Mas lalong ayoko na sila mismo makasakit sa isa't isa..
Bumangon na ako para mag asikaso.. Pagkatapos kong maligo at maayos, dumeretso na ko sa kusina.. Naabutan ko si Rhys na kumakain, agad naman akong tumabi sa kanya..
"si tita?" tanong ko habang kumukuha ng tinapay.. #KaoPay ✌
"kaaalis lang.. Need daw nya pumasok ng maaga eh.." sagot nya nang hindi tumitingin sakin.. Busy sa fone nya e.. Baka katext si Jelay.. Hindi na ko ulit nagsalita..
"nga pala tol, pwedeng ikaw muna sumundo kay Jelay?" sabi neto habang busy pa rin sa fone nya..
"ha? Bakit?" takang tanong ko..
"may kelangan lang kaming tapusin na project ng mga classmates ko.." pagdadahilan nya..
"oh bakit hindi nyo sa school gawin yon?" suwestyon ko..
"basta.. Sabi ng classmate ko kanila nalang daw e.." tumayo na to para ilagay yung pinagkainan nya sa sink.. "una na ko, tol.. Alam mo naman kung asan susi ko e.." mabilis syang umalis.. Hindi man lang hinintay sagot ko kung payag ba ko o hindi.. Bwiset !
Pagkatapos kong iligpit yung pinagkainan ko, kinuha ko na yung susi at bumyahe na papunta kela Jelay..
Wala pa sya sa labas ng gate.. Hindi ba sya nasabihan ni Rhys na ako susundo sa kanya?? Tinext ko naman agad sya para sabihin na nandito na ko.. Maya maya lang lumabas na din sya..
"si hon?" tanong nya habang sinisilip yung loob ng sasakyan..
"hindi ba sya nagsabi sayo na hindi sya makakasabay satin dahil pupunta sya sa classmate nya para may tapusin na project?" balik na tanong ko sa kanya..
"wala naman syang sinabi.. Kanina pa nga ako nagtetext sa kanya pero hindi naman sya nagrereply.." pumasok na sya ng sasakyan.. Sumunod naman ako..
"hindi nagrereply? Eh ang busy nga non kanina kakapindot sa fone nya.. Akala ko naman-" napahinto ako ng mapatingin ako sa kanya at makitang salubong ang kilay nya..
"busy sa fone? Pero ni isang reply wala akong nakuha galing sa kanya?? mataray na tanong nya..
"akala ko ikaw katext nya e.. Pero baka yung groupmate nya lang yon.. Nagmamadali din kase syang umalis.." pagpapaliwanag ko..
"tsk! Bahala sya sa buhay nya! Tara na!" galit sya eh. Yari ka Rhysy boy!
Nakarating kami dito sa school ng walang nagsasalita.. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana sa buong byahe namin..
"bye Jeje! Sabay tayo uwi ha!" paalam ko sa kanya.. Naglalakad na kase sya! nginitian nya lang ako ng tipid bago nagpatuloy sa pagpunta sa destinasyon nya.. Iniwan ako dito sa parking lot.. Hinayaan ko nalang sya, mahirap kulitin yan pag tahimik e.. Baka biglang bumuga ng apoy.. Areng lang!
