10

312 19 6
                                    

Jelay

After ko makausap sa fone si Kaori, hindi parin ako mapirmi dito sa bahay.. Kaya napagdesisyunan kong pumunta na kela Rhys.. Di ko na kase kaya maghintay pa ng update kay Kaori, ako na mismo kakausap sa magaling kong boyfriend.. Masyado na kong napaparanoid kung ano bang dahilan ng di nya pagsagot sa tawag at text ko.. Medyo guilty na din ako na pinag iisipan ko sya ng di maganda.. Mas lamang parin yung may tiwala ako sa kanya kesa nagdududa ako.. Kung ano man yung dahilan nya, pipilitin ko syang intindihin.. Wag lang sana na may iba na sya kaya wala syang time sakin, hindi ko ata kakayanin yon.. Hays! Eto na naman ako sa kung ano anong naiisip.. Kalma Jelay!

Nandito na ko sa labas ng pinto nila, kakatok na sana ako pero napahinto ako nung narinig kong magmura si Kaori..

"tangina naman tol! Nakita ko kayo kanina sa parking lot! Kung di ko lang kilala si Jelay, iisipin ko na si Reign girlfriend mo sa sobrang close nyo! Pati teammates mo nakita din kayo! Wag ka na magsinungaling please lang! Papakinggan ko naman kung anong side mo e.. Magsabi ka lang ng totoo.." ha?? Bakit nila pinag uusapan si Reign? Tsaka bakit sila magkasama? Hindi ko na tinuloy yung pagkatok ko, nanatili nalang akong nakatayo dito sa labas.. Hindi ko alam pero mas pinili kong pakinggan yung pag uusap nila..

"nagkakamabutihan na ulit kami.. Sya yung kasama ko simula kaninang umaga.." parang may sariling desisyon naman yung katawan ko, bigla nalang akong napaupo sa narinig ko.. Nagkakamabutihan ulit?? Ulit??? Naging sila?? Kaya di sya nagrereply kase magkasama sila?? Gusto ng magsilabasan ng luha mula sa mata ko, pero hindi ko sila pinayagan..

"so ganon nalang yun? Dahil nagkakamabutihan na ulit kayo, babalewalain mo nalang si Jelay? Hahayaan mo nalang syang mag antay sa punyetang reply mo!! Pag iisipin mo nalang sya ng kung ano ano dahil wala kang time sumagot sa tawag nya!! Papaalala ko lang baka kase nakakalimutan mo... GIRLFRIEND MO SI JELAY!!!" parang hindi man lang nagulat si Kaori sa sagot ni Rhys? May alam ba sya? So hindi lang pala si Rhys naglilihim sakin, pati sya?? Bakit parang mas masakit to??

"Hawak ni Reign fone ko.. Sya din yung nagtext kay Jelay na nasa gym ako.. Gusto ko naman umamin sa kanya, di ko lang alam kung pano.." kaya pala ganon reply nya sakin.. Tangina lang!

"Pero alam mo kung pano sya lokohin! Oo, wala akong alam sa past nyo ni Reign.. Baka nga sobrang mahal mo sya kaya ka ganyan ngayon... Pero puta naman!! Bakit di mo nalang muna tinapos yung sa inyo ni Jelay??? Sasaktan mo nalang din naman yung tao, bakit sa ganyang paraan pa!!" medyo basag na yung boses ni Kaori, mukhang paiyak na sya.. Kung sa ibang pagkakataon magpapasalamat ako sa kanya dahil sa pagpanig nya sakin pero mas lamang yung nasasaktan ako sa paglilihim nya 😢

"di ko ginusto na umabot sa ganito!" so matagal na nya akong niloloko? Nung time na nakita namin sila sa gym may something na?? Kaya ba hindi ko feel yung Reign na yon?

"eh bakit pinaabot mo sa point na niloloko mo na sya?? Kinausap na kita nakaraan! Akala ko naliwanagan ka na... Hindi pa pala!" at matagal na din palang alam ni Kaori???? Tangina! Bestfriend ko sya e.. Sobrang bestfriend pa nga diba?? Bakit.... 💔

"kakausapin ko naman na dapat si Jelay nakaraan, pero biglang nakipagkita si Reign sakin.. May problema sya that time kaya di ako nakapunta kay Jelay.." hindi ako priority?? Reign>Jelay ?? Puta naman talaga!

"mahal mo pa ba si Jelay?!" bumilis tibok ng puso ko sa tanong ni Kaori.. Say yes hon please! Tanga na kung tanga pero mas pipiliin kong ayusin to basta piliin mo lang ako 🙏

"hindi ko alam.." napasubsob nalang yung ulo ko sa pagitan ng dalawang tuhod ko.. Tuluyan na ding kumawala yung mga luhang kanina ko pang pinipigilan.. Ang sakit! Sobrang sakit!

My Utol's Girl (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon