9

317 18 5
                                    

Jelay

Muntik na kong mangudngod sa biglang pagpreno ni Kaori.. Buti nalang nakaseatbelt ako!

"jusko naman Riri, bakit bigla bigla kang pumepreno?" bulyaw ko sa kanya pagkatapos kong makabawi sa muntik na pagngudngod..

"sorry sorry.. Nagulat lang ako sa tanong mo" pagpapaumanhin nya..

"tsk! Bakit? Niloloko ba talaga ako ng bestfriend mo? Tanong ko ulit dito..

"ha?? Bakit ganyan mga tanong mo?" sagot nya at nagdrive na ulit..

"nagtext kase sya sabi nya nasa gym sya, pag punta ko dun wala naman.. Di naman daw umattend ng practice sabi ng teammate nya.. Nagtext ako sa kanya para itanong kung asan ba talaga sya, sabi nya nasa bahay pa rin ng groupmate nya gumagawa ng project.. Tapos nagreply ako kung bakit nagtext sya na nasa gym sya.. Alam mo sinagot sakin?" mahabang paliwanag ko sa kanya kung bakit ko natanong yun..

"hindi ko alam.. Ano ba sinagot nya?" hirit nya ng hindi tumitingin sakin.. Nagpatuloy naman ako sa pagkwento..

"ano daw bang pinagsasasabi ko. Hindi daw sya nagtext sakin ng ganon.." kinuha ko naman yung fone ko para ipabasa sa kanya yung text ng magaling nyang bestfriend.. "eh ano pala to?? Number nya yan diba??" inabot ko sa kanya yung fone, binasa naman nya yung text.. nakastop kami ngayon kaya nabasa nya ng maayos.. Binalik naman agad nya sakin yung fone ko at nagpatuloy sa pagdadrive.. Hindi man lang nagcomment tong isang to 😏 "ay wow naman Riri! Wala ka man lang bang sasabihin dyan??" hirit ko nung mapansin kong wala syang balak magsalita.. Pinagmasdan ko sya at mukhang malalim yung iniisip nya.. Narinig kaya ako neto? Bigla syang tumigil sa pagdadrive, andito na pala kami sa tapat ng bahay..

"uhmmm.. Kakausapin ko nalang din si Rhys pag uwi sa bahay.. Babalitaan nalang agad kita! Wag ka nalang din masyadong mag isip muna.." sa wakas nagsalita din sya..

"sus! May alam ka no.. Naku! Sinasabi ko lang talaga sayo, Riri! Malaman ko lang talaga.. FO tayo!" biro ko sa kanya pero bigla syang namutla.. Agad syang nag iwas ng tingin sakin..

"wala no! Bumaba ka na nga at nang makauwi na ko.." pagtataboy nya sakin..

"so ganon nalang?? Papababain mo nalang ako? Wala ng kiss??" nakalabing pagtatampo ko.. Lagi kase akong kumikiss sa kanya pag maghihiwalay na kami.. Clingy ako e 😂

"oh kiss na dali!" nilapit na nya yung pisngi nya sakin..

"ayaw mo ata! Wag nalang!" akmang tatanggalin ko na yung seatbelt para bumaba pero pinigilan nya ko at sya na mismo yung kumiss sakin.. Ahahahaha lagi kaming ganito e.. Di ako natitiis neto! 😁

"drama mo! Baba na.." pinagtutulakan na nya ko palabas..

"yieee.. Gusto mo pala ikaw kikiss e.. Sana sinabi mo agad!" pinagtitripan ko muna sya.. Yoko pa bumaba!

"ewan ko sayo, Jeje! Baba na kase.." tinulak tulak na nya ulit ako..

"oo na eto na, bababa na!" tinanggal ko na yung lock ng seatbelt..

"sige na aalis na ko.. Balitaan nalang agad kita pag nakausap ko boyfriend mo.." pagpapaalam nya..

"ok.. Ingat ka! Labyo! *tsup*" kumiss muna ako sa kanya bago bumaba.. Pagkababa ko, di muna ako pumasok.. Hinihintay ko muna syang umalis, binuksan nya pa yung bintana sabay kaway sakin bago tuluyang umuwi.. Pumasok na din ako nung di ko na matanaw yung sasakyan.. Mag isa lang ako dito sa bahay, wala pa sila mama.. Naisip ko bigla si Rhys! Niloloko kaya nya ako? Hays! Sana naman hindi..

My Utol's Girl (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon