Jelay
Nandito pa rin kami sa mall.. Etong kasama ko kanina pa tahimik.. Di ata matanggap na natalo ko sya sa basketball 😂 Kasalanan ko bang tulalain sya?? Ewan ko ba dito sa babaeng to.. Ginaya ko lang naman ginawa nya bago sya umorder ng foods e! Kinindatan ko lang din naman sya nung naglalaro kami, malay ko bang madidistract sya.. 😁 Kausapin ko na nga, baka umiyak e..
"uy, okay ka lang ba? Bakit ang tahimik mo?" sinanggi ko pa sya sa balikat para pansinin ako..
"ha? Ayos lang ako.. San na tayo neto?" sagot nya pero di naman tumingin sakin.. Problema neto?
"sure ka? Galit ka ata ii.. Sige okay lang kahit wag mo na ko ilibre ng ice cream.." Sabi ko, baka kase yung ice cream talaga pinoproblema nya 😂😂😂
"uy! Hindi ah.." this time tumingin na sya sakin.. "may iniisip lang ako, pero wala lang to.. Sagot ko pa rin ice cream mo.." nakangiti na sya.. Mood swing sya ei!
"sigurado ka? Ok lang talaga kahit wala ng ice cream.." pag ulit ko.. Ok lang naman kase talaga kahit wala non, sya lang naman kase may gusto na bigyan ng prize yung mananalo..
"ulit ulit naman Jeje.. May ice cream ka nga mamaya.. Cookies and cream pa nga e.. Hehe.." tumatawa na sya, baka nga ok na sya.. Pero teka! Jeje??? Jejemon?? Pagbigyan nalang, baka mag mood swing na naman e 😁
"ok Riri, sabi mo e!" kinindatan ko ulit sya.. Ahahaha tulala na naman si ate nyo Kaori.. Hinatak ko na sya sa kamay, "tara! Kanta tayo!"
"ow...key!" nagpahatak nalang sya..
Kaori
Hawak hawak pa rin nya kamay ko habang hinahatak.. Nagpapatangay nalang din ako ! di pa kase ako nakakabawi sa mga pakindat kindat nya, eto naman ngayon.. Ang bilis lang ng kabog ng dibdib ko.. Baka lang siguro dahil sa medyo patakbo na nya akong hinahatak..? Yun lang yon diba?? 🤔
Bigla naman syang tumigil tas binitawan na nya yung kamay ko.. Napahabol naman ako ng tingin sa kamay nya na kabibitaw lang sa kamay ko.. Oh wag na kayo magtanong kung bakit ko ginawa yun, dahil hindi ko din alam!
"kanta tayo ha?" masayang anunsyo nya.. Andito na pala kami sa labas ng videoke room..
"di naman ako marunong kumanta ii, panget boses ko.. Ikaw nalang, support kita" sabi ko.. Totoo naman kase! 😂
Lumungkot naman mukha nya.. "sige, wag nalang.. Sa iba nalang tayo.." naglakad na sya paalis.. Hala sya!
"uy teka lang! Sige na, tara na kanta na tayo.." hinawakan ko sya sa braso para mapatigil..
Humarap naman agad sya sakin ng ngiting ngiti, pati mata nya ngumiti ii.. "talaga??"
"oo.. Pero wag mo ko tatawanan ha! Di maganda boses ko" babala ko sa kanya..
"syempre naman no! Di rin naman maganda boses ko.." naglakad na kami pabalik..
Kasalukuyan kaming naghahanap ng pwedeng kantahin.. Di naman kase ako mahilig kumanta sa ganito kaya wala ako masyadong alam..
"nakapili ka na?? Ikaw muna.." tanong ko..
"di pa nga e.. Ikaw na mauna.." balik nya sakin.. Sakto naman na may nakita akong Japanese song..
"sige na nga.. Wag mo ko tatawanan ha!" nahihiya kong sagot..
"hindi po.. Promise!" nagpromise gesture pa sya..
Pinindot ko na yung number ng kakantahin ko.. Nagstart na din ako kumanta..
Jelay
Si Kaori muna kakanta, di pa kase ako nakakahanap ng kakantahin.. Napatigil ako sa paghanap ng kanta, kase magsisimula na sya..
