Jelay
Nandito ako ngayon sa sala nanonood ng tv habang naghihintay kay Rhys.. Tumawag kase sya sabi nya tapos na daw training nila at papunta na sya dito.. May dala daw syang foods kaya naeexcite ako.. Charot! 😂 Miss ko na talaga sya, kahit nagkita naman kami kanina.. Di naman kase kami nakapag usap, tas may asungot pa.. Ewan ko lang ha, pero naiirita talaga ako sa Reign na yon.. Iba kase makatingin kay Rhys e! Parang may balak..
Bigla naman tumunog yung doorbell..
*door..bell* yep.. Hindi ding dong tunog ng doorbell dito.. Hahahaha charot charot lang syempre..
Agad naman akong nagtungo sa pintuan para pag buksan sya..
"hi hon!" bungad nya habang dahan dahang inaangat yung bitbit nyang pagkain.. "foodtrip?" nakangising tanong nya..
Nagheart shape naman yung mata ko sa mga pagkaing dala nya..
"dami naman nyan hon.. Matakaw ako pero sure ako na di naten mauubos yan ng tayong dalawa lang.." habang naglalakad na kami papuntang sala..
"mas okay na yung sobra, kesa kulang hon.. tsaka knowing you, kayang kaya mo ubusin yan.. Takaw mo e!" pahabol na biro nya.. Siraulo din to e..
"mang asar ka pa.." wala akong ibang maisagot sa kanya.. Umupo nalang ako sa sofa, sumunod din naman agad sya..
"joke lang.. Para kay Kaori yung iba dyan.. Wala pa kaseng stocks sa bahay, di pa nakapag'grocery.. Mamaya parin uwi ni mama, kaya walang foods sa bahay.." explain nya sabay tabi sakin..
Napatingin naman agad ako sa kanya ng salubong ang kilay.. "so hindi pa kumakain si Kaori???"
"bakit galit ka?" napansin nya siguro yung kilay ko.. "kumain naman daw sya kanina bago umuwi sa bahay.."
Unti unti namang bumabalik sa normal yung kilay ko.. Bakit nga ba ko nagagalit?
"di naman ako galit.." mahinahong sagot ko..
"gutom ka na no? Kain na tayo!" kumuha naman sya ng isang slice ng pizza. "say ah!" sinusubuan nya ko.. Sweet din talaga tong mokong na to e.. Kilig ako!
"musta yung extended training nyo hon?" panimula ko.. Di ko pa din nakakalimutan na may dapat kaming pag usapan..
"ayos naman hon.. Sobrang nakakapagod pero masaya naman.. Maganda na yung chemistry ng team, sana lang talaga isa ako sa makuha.." mukha nga syang pagod pero makikita mo din sa kanya na gusto nya talaga yung ginagawa nya..
"makakasama ka sa team, tiwala lang hon! " pinisil ko yung kamay nya.. "basta gawin mo lang yung best mo, pero wag parin kakalimutan mag ingat.."
"sweet naman, hon! Sisikapin ko talaga makapasok sa team.. Syempre ikaw cheerleader ko!" inangat naman nya yung kamay ko na nakahawak sa kanya sabay halik dito..
"aba dapat lang no! Ako lang dapat cheerleader mo! Ako lang.." may pagbabanta na sabi ko.. Possessive Jilay in the house!
Tawa tawa lang sya sa sinabi ko tas nagpatuloy na kami sa pagkain.. Maya maya pa nagsalita na ulit ako..
"nga pala hon.. Matagal na ba kayo magkakilala nung Reign?" napatigil naman sya sa pag nguya..
"uhmm.. H-hindi naman hon, nameet ko lang sya nung nagstart tryout namin.. Kasabay kase namin sa gym tryout ng volleyball.. And pinakilala lang sya nung teammate ko.." paliwanag nya pero di naman sya makatingin sakin, tas yung kamay nya di na naman mapakali..
