11

407 17 3
                                    

Kaori

Isang linggo na nakalipas mula ng malaman ni Jelay yung tungkol kay Rhys at Reign.. Isang linggo na din nya akong hindi pinapansin.. Nakwento na ni Rhys sakin yung naging pag uusap nila.. Inis na inis ako sa kanya nung nalaman kong nagmakaawa si Jelay sa kanya.. Kung pwede ko lang sya saktan ginawa ko na.. Ang swerte nya na nga dahil mahal na mahal sya ni Jeje, tas niloko lang nya.. Hay! Ewan ko ba sa kanya.. Isang linggo na din akong nagbabantay sa kanya sa malayo.. May pagkakataon na nakikita ko syang umiiyak habang nakatingin kay Rhys kasama si Reign.. Pagkakataon na gusto ko sya lapitan para yakapin, iparamdam na may isang taong nandyan para sa kanya.. Isang taong kaya isantabi yung nararamdaman nya, bumalik lang sa dati yung sobrang bestfriend nya.. Wala naman talaga akong balak umamin about my feelings for her, natrigger lang talaga ako ni Rhys.. Wrong timing nga lang dahil andun pala sya.. Hindi naman ako nagsisisi sa nararamdaman ko sa kanya, hindi sya mahirap magustuhan.. Simula palang naman iba na yung naramdaman ko para sa kanya.. Hindi ko lang inintertain dahil alam kong girlfriend sya ni Rhys at mahal na mahal nya yung kumag.. Kung ako lang papipiliin, mas gugustuhin ko na wala nalang Reign, na okay parin sila.. Masakit man sa part ko atleast alam kong masaya sya, kahit hindi ako yung dahilan..

Papunta na ko sa school, opo isang linggo na din akong nagcocommute.. Hindi muna ako sumasabay kay Rhys, malamang kase iba na susunduin non.. Natanaw ko naman si Jelay sa di kalayuan kasama yung babaeng hindi ko alam ang pangalan.. Sya yung madalas kong makitang kasama nya netong mga nakaraang araw.. Mukhang nakahanap na sya ng bagong bestfriend 😢 nakakalungkot lang na parang okay lang sa kanya na ganito kami.. But not to be judgmental ha, hindi maganda yung vibes ko sa bago nyang friend.. Pakiramdam ko kase mapapahamak lang si Jeje sa pagsama sama sa kanya.. Or paranoid lang talaga ako! Siguro ayoko lang makita na may kasama syang iba, na may iba ng close sa kanya.. Sobrang miss ko na sya! Balik na tayo sa dati please? 🙏

Jelay

Naglalakad na kami ni Kyzha papunta sa building namin.. Kaklase ko sya pero di naman talaga kami close, in fact sya yung unang nag approach sakin.. Nakita nya kase akong umiiyak, di sya umalis hanggat hindi ako tumitigil.. Mabait sya kaya naging madali sakin na pakisamahan sya.. One week na din kase akong umiiyak dahil kay Rhys.. Ang sakit parin kase sa part ko na ganon lang kami natapos.. Yung sya masaya parin, pero ako naiwang durog na durog.. Madalas ko silang makitang magkasama ni Reign, sobrang saya nila tas ako nakatingin lang habang umiiyak.. Mahal na mahal ko kase talaga sya at hindi ko alam kung makakaahon pa ba ko sa ginawa nya.. Kayanin ko pa kayang magmahal ng iba?

"HOY!! umiiyak ka na naman!" bulyaw ni Kyzha sakin dahilan para mapahawak ako sa mata ko at tama nga sya, umiiyak na naman ako.. Hanggang kelan ba ako magkakaganito.. Mabilis ko namang pinunasan yung luha ako sabay ngiti sa kanya.. Pekeng ngiti!

"sorry.. May naalala lang! Hehe" tumawa pa ko pero alam kong hindi bumenta sa kanya yun..

"sya na naman ba? Hanggang kelan mo ba iiyakan yung lokong yun?" iritang tanong nya.. Alam nya kung anong dahilan ng pag iyak ko, nasabi ko sa kanya nung nakita nya akong umiiyak.. Ewan ko, pero siguro kinaylangan ko din ng isang taong masasabihan ko ng pinagdadaanan ko.. Hanggang ngayon hindi ko parin kase nakakausap si Kaori.. May pagkakataon na magkakasalubong kami, alam kong gusto nya akong lapitan pero mas pinipili nya na wag ituloy.. Mas maganda siguro na ganito din muna kami, papagalingin ko muna yung puso ko bago ko sya kausapin..

"hay naku naman Jelay! Kundi iiyak, tutulala ka naman? Para akong nakikipag usap sa hangin 'day! Tsk! Tara na nga sa loob.. Magsstart na klase naten!" hindi na ko nakasagot.. Hindi ko rin naman kase alam kung ano pinagsasabi nya.. Nagpatangay nalang ako sa paghatak nya..

Lunch break na! Papasok palang ng cafeteria, tanaw ko na agad si Rhys kasama mga teammates nya.. At pwede bang mawala si Reign? Syempre andun din sya.. Di kalayuan sa table nila, nakita ko naman si Kaori kumakain mag isa.. Bakit di nalang sya sumama sa bestfriend nya?? Hindi ba sila okay? May time din kase na nakita ko syang umuwi mag isa, di sya sumasabay kay Rhys? Dahil kaya sakin?

My Utol's Girl (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon