6

311 12 0
                                    

Kaori

"bebeeeeeeeee! Gising na dyan! Tara sa school.." dumagan pa sakin tong babaeng bakulaw na to.. Yep! Si Jelay po yan.. And yep, sobrang close na kami.. Sa sobrang close nagagawa na nya akong bulabugin.. It's been a month na din naman since nakilala ko sya, nagclick naman kaming dalawa.. Sabi nga nya bestfriend ko na din sya.. So, dalawa na silang magjowa na bestfriend ko..

"jusko naman Jeje! Next week pa pasukan, excited lang?" pilit ko naman syang inaalis sa pagdagan nya sakin. "feeling magaan ka din e no? Alis na kase, di ako makahinga!" pero tinawanan nya lang ako ng di parin umaalis sa pwesto nya.. Enjoy sya e.. Sus! Kala mo sya hindi!

"sige na kase.. Itutour kita dun para alam mo na pasikot sikot.. Tsaka nood tayo kay hon.." ayun naman pala! Supportive gf of the year award goes to....... (drumroll) JILAY! 😂 di naman masaket..

"nagta'tryout pa lang naman sya, baka pwedeng sa actual game nalang naten sya panoorin?" antok pa kase ako.. Sobra!

"gusto ko lang naman sya isurprise.. Alam mo namang simula nung nagtryout sya, malimit na kami magkita.." malungkot na sya, habang nakadagan parin sya sakin.. Pero totoo naman yung sinabi nya, halos ilang beses lang sila nagkita sa loob ng isang buwan.. Madalas ako ang kasama neto sa mga alis nya pag di nakakasama si Rhys..

"tsk! Oo na sige na.. Alis ka na dyan! Aasikaso na ko.." And the marupok award goes to...... OINUMA! Ayoko lang nakikita syang malungkot.. Explain pa!

"yehey! Sabi na di mo ko matitiis e.." humalik muna sya sa cheek ko bago tuluyang umalis sa pagdagan sakin.. Masyado talagang clingy to e.. Medyo nasasanay na ko, pero minsan naiilang parin ako.. Di ko nalang pinapahalata..

"sus! Luto mo ko breakfast.." utos ko sa kanya..

"Sure! Baba na ko, asikaso ka na ha.. Labyo!" nagflying kiss pa e.. Baliw talaga!

Nag asikaso din naman agad ako pag alis nya.. Binilisan ko nalang yung kilos ko kase kukulitin nya lang ako pag mas nauna syang natapos sa ginagawa nya kesa sa ginagawa ko.. Bumaba naman agad ako at dumeretso sa kusina..

"bango ha.." bungad ko.. nag aayos na sya ng niluto nya sa lamesa..

"mabango naman talaga ako.." sagot nya..

"oo! sa sobrang bango mo, amoy bacon ka na.." asar ko sa kanya..

Bigla naman nyang inamoy sarili nya "di naman ha!"

"joke lang.. Kain na tayo!" umupo na ko.. Sumunod din naman sya.. At nagsimula na kaming kumain..

"sarap?" tanong nya.. Lagi syang ganyan pag sya nagluto e..

"sakto lang.." inaasar ko na naman sya.. Gusto kase nyan isagot ko na masarap luto nya.. Bwiset na yan in 3...2...1...

"SAKTO LANG? EH PANGATLONG SANDOK MO NA NG FRIED RICE, MAUUBOS MO NA YUNG BACON! NAKAAPAT NA HOTDOG KA NA, TAS SAKTO LANG?????" Sabi ko sa inyo eh.. 😂😂😂

"gutom lang talaga ako.." Asarin ko pa.. Nag eenjoy ako e..

Akmang susubo na ulit ako pero bigla nyang inagaw.. "bwiset ka! Wag ka na kumain! Sakto lang ha! Saktuhin mo yang gutom mo!!!" HAHAHAHAHAHAHA kinuha nya yung mga pagkain 😂

Inagaw ko naman agad pabalik.. San ba kase nya balak dalhin yung foods? 😁 "di ka naman mabiro bebe, syempre masarap luto mo.. Akin na yan, gugutom pa ko e.." hinayaan naman nya kong kunin pabalik yung foods.. Narinig na nya yung gusto nya isagot ko e.. Ganyan yan sya!

My Utol's Girl (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon