*Rheanne's POV*
Ang daming tanong nag lalaro sa isipan ko ngayon pero kahit ni isa Hindi ko masagot. May isang bagay na gusto kong malaman... kung bakit nawala si ate na parang bula sa araw ng kasal niya mismo? Bakit niya ginagawa yon? At ano ang mga dahilan niya?
Para malaman niyo kung bakit hindi ko kaya tanggihan ang alok ng pamilya ko noong araw ng kasal kasi, Ken is the president of ABC company. The top 1 of most richest and famous company dito sa pilipinas naging pangalawa naman ang kompanya namin dahil sa tulong ng kompanya niya.
Kung hindi ko sinalo ang kasal nila ni ate masisira ang pangalan ng kompanya ng mag kabilang panig.
Ang hirap talaga sa business world palaging may competition at magulo! Pati ang mga bata nila nasasangkot!
Tinitigan ko ang lalaking nasa harap ko na busy kakatipa sa laptop niya. Bakit ang malas ko noh? Na pangasawa ko nga ang pinakamayan, gwapo, at matalino pero nuknukan naman ang panget ng ugali.
"Stop staring I know gwapo ako." Hanep ang lakas ng hangin nito sa ulo!
"Tsk." Gwapo nga panget naman ang ugali.
Inirapan ko ang mukong bago tumingin na lang sa bintana ng bahay. Pangalawang araw namin bilang mag asawa ngayon ni Ken. Parang naubos na lahat ang lakas ko kahapon kahit isipin ko palang kung anong kahihinatnan ko dito sa pamamahay na ito nawawalan na ako ng ganang mabuhay.
Hindi ito ang gusto kong buhay. Ang gusto ko kasi 'yong payapa at masaya. Simula noong bata pa ako hindi ko na naranasan ang masayang buhay puro kulong at tago lang ako sa kwarto ko no'n.
Kaya palagi ko na iisip at tinatanong 'Jusko kailan ako mag titiis?' At 'Kailan ako makakaranas na maging masaya?'Pagod na kasi akong lumaban para sa sarili ko wala rin namang silbi.
"Ken bakit Hindi mo hinanap si ate?" Out of the blue kong Tanong. Tumingin siya saakin pero bumalik lang ulit sa laptop niya. Sarap kausap nito. Babala, wag kausapin ang taong babalewalain lang kayo dahil kayo lang ang masasaktan sa huli.
"Bakit ko pa hahanapin ang taong linayasan ako sa mismong kasal namin.""Hindi mo mahal si ate noh?"
"Wag kang mag salita na alam mo lahat ng pangyayari."
Kaya nga ako nag tatanong.
Tama naman siya, ano bang alam ko sa patago nilang relasyon ni ate? As.in ni isa wala. Hindi nalang ako nag tanong pa. Tumayo ako, na pag pasyahan ko na libotin ang mansyon niya." Were are you going?" Tanong niya.
"Sa mundong wala ka." Sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Tsk. Warning lang wag kang papasok sa pulang pintuan?" Anong meron sa pulang pinto? Di niya nalang sana sinabi para di ako ma curious. Mga tao nga naman. "Hey Battler Robot guide her."
"Duhh hindi naman ako tatakas."
"I didn't say anything."
"Pero your acting na mukhang tatakas ako."
"I don't. You're just over defensive."
Kinis! Bahala na nga siya. Kaya siguro walang puso dahil halos robot kasama niya.
Nilibot ko na ang buong mansyon kasama ang robot niyang battler hanggang na bumalik kami sa sala ngunit, napatigil ako ng marinig ang seryosong baritone na boses ni Ken.
BINABASA MO ANG
Substitute Bride(Completed)
RomanceRheanne Ortega become substitute bride, because her older sister run away the day of the wedding. Covered by: @HANDACHI