Chapter 3

7.4K 154 6
                                    

*Rheanne's POV*

Alam niyo ang nakakainis? Yung wala ka nangang ginawa napag bintangan ka pa. Ang gago lang. Nag pa pasalamat ako na 'di siya tumabi saakin matulog noong gabing yo'n. Talagang sisipain ko mukha niya, kaimbyerna.

Ngayon ang pangalawang linggo ko sa bahay niya na walang ginawa kundi mag basa ng mag basa kaya balak ko mag grocery ngayon pero bago yon kailangan ko pa tawagan si mukong... Malamang wala na akong pera..

'Nong tinawagan ko 'di naman sumasagot. Busy ata sa kabit niya. Hayssst naman ohh!

"Hoy robot kunin mo susi ng kotse." Utos ko sa robot. Ang tanga 'di man lang kumilos. Mas lalo akong ma eestress dito sa mga robot guards ni Ken ehh. Makapag commute na nga lang.

Lumabas ako ng bahay para mag abang ng taxi. Napaigtad ako ng may dalawang lalaking nakaitim na tumabi saakin sa pag tayo. Tangna ka talaga Ken! Kung hindi robot ang naka bantay ngayon naman tao, nakakainis!

"Ano bang akala ng boss niyo saakin, tatakas?!" Kausap ko sa dalawa.

"No madam." Sabi ni Itim. Tapos itong nasa kaliwa naman si Puti. Kasi yo'n ang kulay ng balat nila ehh.

"Teka nga! Madam? Ano ako matanda?" Sabi ko. Hindi man lang nila ako sinagot."Hayst! Dalhin niyo ako sa office ng amo niyo!" Kagigil! Umagang umaga sira na ang araw ko.

"Yes madam." Sabi naman ni puti. Eh kung paitimin ko rin siya. Tangnang madam yan.  Kinuha ni Itim yung kotse. Hinatid nila ako sa ABC corp. company.

Pagkarating namin sa kompanya niya na sa loob pa lang ako ng kotse tanaw ko na ang mga reporters.
Ang gara din ng building, grabe talaga pag mayaman ka, angat na angat talaga sa buhay.

"Hoy Puti palagi ba silang andito?" Tukoy ko sa mga reporters. Nakikichismis lang naman yang mga reporters nayan yo'n ang trabaho nila ehh mangkalap ng impormasyon.

"Yes po madam."

"Wag niyo nga akong tawaging madam para akong Lola niyan. Rheanne nalang." Ang tibay ng mga reporters na yan.

"Sorry madam we can't do that."

Bahala nga kayo diyan.
Sinuot ko 'yong black cup ko at mask bago lumabas ng kotse humarang naman ang dalawa sa harap kasi nag sidumugan na ang mga reporters. My ghad this people. Puro sila tanong wala akong maintindihan dahil sa subrang ingay nilang lahat. Kaya ni isa Sa mga tanong wala akong sinagot.

30 minutes nakaraos din kami sa mga taong yon tumulong na din kasi ang ibang guards ng company. Hindi ko na pinansin ang mga empleyado niya na tingin ng tingin, hindi nila siguro ako nakikilala. Well, That's better.
Papasok palang ako sa elevetor hinila na ako ni itim at puti.

"Hoy! Puti, itim anong ginanagwa niyo?! Bitawan niyo nga ako!" Sigaw ko. Hindi man lang ako pinakinggan 'nong dalawa. ano bang problema ng dalawang to at saan naman nila ako dadalhin?... "Bitawan niyo ako sabi ehh."

Kahit anong pag pupumiglas ko di parin nila ako binibitawan. Ang lakas nila ahh. Natigil nalang ako kakapumiglas ng pumasok kami sa isa pang elevetor.

Ano bang kaibahan ng elevator doon at itong elevator na'to? Ano to pa VIP?! My ghad Ken, you're so ridiculous!

Pagkarating namin sa pinakamataas na palapag ng building, ang office niya. As.in isang floor naka occupied para sakanya at malamang sa labas Secretary niya, itong babaeng nasa kaharap ko ngayon ito ata secretary ni Ken. Akala ko lalaki sekretarya no'n?

"Who are you miss? 'Di pwede si boss ngayon, busy siya wala siyang time sayo kaya shuuu umalis kana miss." Ayyy in fairness ang ganda ng secretary niya. "Aba may pa bodyguard ka pa girl."

Substitute Bride(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon