Continuation....
___________*Rheanne's POV*
"Cuen tara na hinahanap kana ng ate mo doon... Ba't kaba kasi sumunod saakin dito ehh mamalingki lang naman ako." Sermon ko. Haynako talagang bata naito.
"Para may taga bitbit ka nito."
"Ayy purdiyos Cuen isang isang kilo na isda lang naman yan."
"Akala ko kasi aalis ka na."
"Kaya maraming namamatay sa maling akala ehh."
Napatigil ako sa pag lalakad ng makita ko si Ken sa loob ng sasakyan niya. Shit!
"Tumalikod ka!" utos ko kay Cuen.
"B-bakit?"
Hindi ko na sinagot pa tanong niya pinatalikod ko na siya. Hayysst.
Ilang minuto pa ay humarap na kami at wala na siya doon.
Salamat naman.
"Ano bang nangyayari sayo?"
"Nakita ko asawa ko."
"Bakit ayaw niyo po bumalik sa kanya?"
"Si ate nga tunay na asawa no'n diba."
"Ikaw naman po ang pinakasalan."
"Wag na natin yan pag usapan Cuen." Sabi ko at nag madali na mag lakad.
Pag dating namin sa apartment tinulongan ako mag luto ni Cuen ng pangtanghalian.
Ito ang kauna unahang may kasabay akong kakain. Nakakailang pero parang kapatid ko na rin si Cuen kaya ipinag sawalang bahala ko nalang.
"Sorry pala kanina ate." Paumanhin niya habang nag hahain.
"Wala na 'yon..wag mo ng isipin."
Sa totoo lang na mimiss ko na siya.
"Diyan ka muna Cuen, mag bibihis lang ako." Paalam ko. Iniwan ko si Cuen sa kusina at pumasok sa kwarto ko. Nag bihis ako ng sando at short lang andito lang naman sa bahay ehh.
Pag balik ko sa hapag ready na ang mga pag kain ngunit walang Cuen ang nahagilap ko.
I guess ako lang talaga ang kakain mag isa. May nakita ang notes sa misa, kinuha at binasa ko iyon.
'Sorry ate may emergency, si Betty dinala sa hospital. Eat well ate.'
From: Sacuen
Kumain ako ng mag isa tulad ng nakasanayan ko. Pag katapos ko kumain tumambay ako sa kwarto nag basa ng mga libro. Hindi ko na malayan nakatulog pala ako.
Nagising nalang ako sa ingay sa labas at ang dilim ng paligid ko.
Kinuha ko ang lampshade sa gilid ko. Kinakabahan na ako sa takot. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ngunit sa pag labas ko may sumakop agad sa mga kamay ko."Ahhh Sino ka?!" Pag pupumiglas ko. Nabitawan ko 'yong lampshade na hinawakan ko dahil sa higpit na pag kahawak niya saakin. "A-aray nasasaktan ako.. S-sino huh kayo?!"
Mas lalo akong pumiglas nang siniil niya ako ng halik. Jusko po! Sinubukan ko siyang sipain pero nawawalan ako ng lakas sa ginagawa niya.
"HMMM!!" Bumaba ang halik niya sa liig ko.
"Rheanne!" Sigaw kong sini sa labas. Kilala ko ang boses na 'yon.
"Wag ka-"
"KEN! TULONG!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Substitute Bride(Completed)
RomanceRheanne Ortega become substitute bride, because her older sister run away the day of the wedding. Covered by: @HANDACHI