NewBeginnings

22 2 0
                                    

Nagising siya ng araw na iyon na may ngiti sa labi. Ilang linggo na din lagi silang magkasama ni Yussif at kadalasan lagi itong naghihintay ng oras ng pag uwi niya. Hindi pa naman official na magjowa sila pero inaabot niya siya ng puro kantiyaw at parinig na biro ng mga tao sa opisina. Maski ang Auntie Elsa niya ay boto sa binata, iyon nga lang di pa niya napapakilala sa barkada niya si Yussif pero napahapyaw na niya ng kwento kay Vienna ang ganap sa lovelife niya. She was singing her favorite song nang mula sa mini garden ng tiyahin niya ay makita niyang nakaupo si Yussif doon.

"Goodmorning, Love." Nakangiting bati nito. Habang si Auntie Elsa niya ay ibinaba ang hawak na dyaryo bago nagsalita.

"Napakaagang dumalaw nitong nobyo mo, Leia. Alas singko pa lamang ng umaga nambubulahaw na." Kunway reklamo ng tiyahin niya ngunit nakangiti. Natsismis na din ng tiyahin niya sa Kuya niya sa Kuwait ang tungkol kay Yussif paano tuwing gabi ay bisita nila ito.

"Ang aga mo na naman nang aasar kay Auntie, pag ikaw i-banned dito bahala ka." Pananakot pa niya. Natawa naman ito bago nagsalita.

"Tag team ko kaya si Auntie." Sabay abot sa matanda ng isang supot ng suman.

"Aba paborito ko itong suman ng Antipolo." Sabad naman ng matanda na ikinatawa nilang pareho.

"O siya, maiwan ko muna kayo dito. At maghahanda ako ng almusal natin tatlo." Anito sabay tingin sa relos. It was 5:30 am in the morning.

"Bakit ka andito? Ang aga mong dumayo ha." Nakangiting sita niya dito. He was wearing a running outfit and running shoes. Mukhang mag aaya na naman itong tumakbo. Nitong nakaraan weekend ay panay ang pangungulit nito tumakbo sila sa park ngunit puro pagdadahilan ang ginawa niya. Tamad na tamad siyang kumilos at ayaw na ayaw niyang mag exercise.

"You've promised me na sasama ka sa akin mag jogging today." Nakangiting sagot nito sabay hila sa kanya, napaupo naman siya sa kandungan nito.

"Haynako Yussif, tigilan mo ako. Sinabi ko na sayong ayokong mag jogging. Madami akong tatapusin na school material para bukas." Pagdadahilan pa niya. Kahit ang totoo ay wala siyang pasok sa masteral niya.

"Baby, its the 3rd week of the month and Im sure wala kang pasok sa masteral mo kaya wala kang madadahilan sa akin." Anito na lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. Kilig na kilig naman siya sa binata. Malambing at very showy si Yussif sa kanya kaya kung minsan nahihiya siya lalo na sa mga taong kaharap. Puro tuloy kantiyaw ang inaabot niya kay Gelly.

"Yussif, ano ba pakawalan mo ako. Mamaya makita tayo ni Auntie papagalitan na naman ako nun." Sita niya dito ng maramdaman inaamoy at hinahalik halikan ng binata ang leeg at batok niya. Conservative at strict ang Auntie Elsa niya pero hindi naman ito namamahiya, pag may hindi ito nakitang gusto sa paglalambing ni Yussif ay kinakausap siya ng sarilinan ng matanda.

"I miss you, Leia." Paglalambing nito at pinakawalan siya. Naupo naman siya tabi nito. Sa umaga ay busy ito sa construction ng Ad Agency branch nito sa commercial ng building nila.

"Kamusta na pala ang construction ninyo?" Pag iiba niya ng topic.

"Medyo mabagal lang pero okay naman. Baka nga pala lumipad ako pa Singapore next Monday may quaterly business review kami e." Pagpapaalam nito sa kanya. Natutuwa siya na hindi pa man sila opisyal na magkasintahan ay pinapaalam na ni Yussif ang mga aktibidades nito sa kanya at maging siya ay nababanggit niya dito ang schedules niya at ibang gawain.

"Gusto mo bang sumama sa akin sa Singapore?" Aya pa nito sa kanya, pabirong kinurot naman niya sa pisngi ito.

"Para naman papayagan ako ni Auntie Elsa tsaka madami kaming gawa sa opisina ngayon." Nakangiting tanggi niya. Napatitig ito sa kanya at walang sasabing hinalikan siya sa labi. It was their first kiss.

Love is Over-ratedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon