Sa loob nang silid niya ay hindi mapakali si Leia, gusto niya silipin sa baba si Yussif. O mas tamang sabihin ay gusto niyang halikan at yakapin ang binata. She misses him so badly. Ang limang buwan na hindi niya nakita at nakausap ay isang parusa sa kanya. Halos araw araw ay iniiyakan niya ang nangyari sa kanilang dalawa. She was too depresses to go out na hinila na siya ng mga kaibigan para makipagsocialize. Maski ang tiyahin niya ay pinipilit siyang gumala o kaya magtravel pero hindi niya ginawa. Ang lagi niyang dahilan ay ang masteral niyang matatapos na sa susunod na buwan.
Ang magboyfriend na sila Gelly at Vin ay every weekend nadalaw sa bahay nila. She want to stay isolated ngunit hindi pumayag ang magkasintahan bagkus ay nagset up nang blind date para sa kanya, ilang date ang pinaunlakan niya at lahat iyon ay puro palpak. Ang unang pagkikita nila ni Nolan ay noong imbitahan siya ng magkasintahan Gelly at Vin na manuod ng Phantom of the Opera sa Solaire, kahit anong tanggi niya ay hindi tumigil ang dalawa na pilitin siya ang dahilan pala nang pagpupumilit ng mga ito ay dahil ipapakilala siya sa pinsan ng huli.
Nolan is a gentleman pero hindi niya maiwasan ikompara ito kay Yussif. Malaki ang kaibahan nito sa huli. Marahil isa na doon ang katotohanan mahal pa din niya ito.
She sighed and stare at the ceiling. How can she moved on kung pinaglalapit pa din sila nang mga tao sa paligid niya. Sa ilang buwan na hindi ito nakipag-communicate sa kanya ay lalong nabuo sa isip niyang hindi ito seryoso sa relasyon nila. At hindi niya maintindihan kung bakit ito bumalik at nangungulit muli sa kanya. Wala siyang balita sa relasyon nito kay Patrice. Iniwasan niyang makasagap ng kung anong balita tungkol sa mga ito upang hindi uminda nang sakit sa puso.
He choose her. He choose Patrice over her. Again.
Nahagip ng mata niya ang isang nakabalot na regalo mula sa night table niya. It was her birthday gift to Yussif na ibinalik nito two years ago at kamakailan lamang ay nahalungkat niya ng minsan maglinis siya ng cabinet drawers niya.
"Leia." anang boses ng tiyahin niya habang nakatok sa pintuan.
"Bakit po?" Sagot niya at binuksan ang pintuan.
"Babain mo si Yussif sa sala habang nagluluto ako ng tanghalian natin." Utos nito bago pa siya makapagprotesta ay tumalikod na ito.
Wala siyang nagawa kundi sundin ang utos ng tiyahin. Nagdala siya ng hardbound book upang hindi siya mapilitan kausapin ang binata. Naupo siya sa single sofa na nakaharap dito pero nanatili itong walang imik sa kanya focus na focus sa pinapanuod na palabas sa netflix. Hindi man lamang ito lumingon sa gawi niya.
Naiinis man ay hindi niya mapigilan pagmasdan ito. He looks so serious at ang dating boyish look nito na pinatingkad ng clean cut hairdo ay napalitan ng very manly aura nito with his five o'clock shadow look at ilang weeks na din nagugupitan buhok nito.
Napaisip siya kung anong nangyari sa buhay nito ng mga nakalipas na buwan. Hindi makuhang magkwento nila Gelly st Vin sa kanya dahil agad niyang dinidismiss ang usapan tungkol dito. Maski ang Auntie Elsa niya ay hindi din niya pinagkakausap tungkol dito. Hindi niya maiwasan isipin kaya hindi ito nag abalang kamustahin siya ay dahil masaya na ito sa piling ni Patrice. At para makalimot sa lungkot na dulot nito ay napilitan siyang i-entertain na din si Nolan.
Nolan was a funny guy at hindi niya ikakailang may maliit na attraction siyang nararamdaman dito. He's effort to make her smile really touches her but it is never enough to forget Yussif.
Napabugtong hininga siya sa bagay na iyon.
"Ang lalim naman yata niyan bugtong hininga mo." Komento ni Yussif habang nakatitig sa kanya. Napataas siya ng tingin dito at nagkibit balikat.
"I've missed you Leia." He started. "And I will do everything para bumalik na tayo sa dati." He pleaded. Lumapit ito sa kanya at lumuhod.
"Yussif." Marahan saway niya at pilit na pinapatayo ito. "Tigilan mo nga yan."

BINABASA MO ANG
Love is Over-rated
RomanceA girl name Leia Cortes is defining Love as over-rated thing? What if one day, someone defy her self-proclaimed aphorism and make her as corny and as baduy like a love-sick teenager? Will she ever change her mind about love? lets join her to journey...