Everglow

51 4 0
                                    

Alam na alam ni Leia ang tactics ni Yussif. Sigurado siyang di titigil ang binata hanggan hindi nito nakukuha ang gusto nito sa kanya. Tried and tested na niya ang persistence power nito o mas lamang ang pangungulit nito. At katulad ng mga nagdaan araw patuloy pa din sa pagpapadala ng flowers ito sa kanya, maski ang boss nilang si Sir Manny ay kinikilig sa tuwing napapansin ang mga bulaklak mula sa binata. Si Gelly naman ay patuloy sa panunukso sa kanya.

"Palagay ko magkakapart two ang naudlot ninyong lovestory ni Sir Yussif." Paninimula ni Gelly sa kanya isang umaga. Natawa naman si Sir Manny at tila na curious sa pahayag ng kaibigan.

"What do you mean part two, Gelly?" The old man asked.

" E kasi Sir Manny, not so long ago si Mr. Santiago tried pursuing ang dalagang pilipina natin dito." Sabay nguso sa kanya. Halos malaglag naman ang panga niya sa pambubuko nito sa kanya.

"Aba, history repeats itself!" Dagdag pa ng matandang lalaki na ikinatawa nilang lahat.

"Never again, Sir!" Aniya na ikinataas ng kilay ng dalawang kaharap.

"Bakit naman hindi? Mr. Santiago seems so nice and a good catch." sabi uli ni Sir Manny. Sumang ayon pa si Gelly sa tinuran ng boss. Napailing siya at pasimpleng inayos ang bulaklak sa flower vase na dala ni Gelly nun nakaraan. Naawa kasi ito sa mga bulaklak na laging derecho sa trash bin niya kaya nagdala ito ng plorera.

"Mapagbiro lang si Mr. Santiago kaya wag na kayong umasang dalawa." aniya makaraan ng ilang sandali habang abala sa pagaayos ng mga bulaklak sa vase. Hindi niya napansin ang pagdating ng topic. Pasimple itong sinenyasan ni Sir Manny Maupo sa tapat ni Gelly.

"Nag uubos lang ng oras yan si Mr. Santiago and sure akong babalik uli yan ng Singapore pag nainip." Dagdag pa niya. Alam na alam niya iyon dahil iyon mismo ang dahilan ng walanghiyang lalaki ng magpaalam sa kanya, kung kelan nahuhulog na siya dito.

"I don't think so my friend. Malay mo naman may ibang rason si Sir Yussif!" Kunway kontra pa ni Gelly sa kanya. Si Yussif ay nanatiling tahimik at walang imik.

"Hello Gelly, magising ka nga sa realidad ang tulad ng unggoy na si Yussif Andres Santiago ay hindi makuntento sa isang lugar! Kilalang kilala ko ang hasang niya no!" Paismid niyang balik dito, napakamot naman ng ulo ang binata sa narinig mula sa kanya. Si Sir Manny naman ay napahalakhak bago nagtanong.

"Anong klaseng hasang ba meron si Mr. Santiago?"

She was about to answer ng pagtaas niya ng tingin nanduon ang lalaking tinutukoy. Muntik naman malaglag ang flower vase na hawak niya kung hindi pa nito nasalo. Nagtawanan sila Gelly at Sir Manny sa reaksyon niya habang ang lalaking kaharap ay nakakalokong nakangiti sa kanya.

"Grabe kang maka-unggoy sa akin, Leia!" Anito sa kanya. Halos gusto niyang maglaho at kainin ng lupa sa sobrang pagkapahiya. Aba, at pinagtutulungan siya ng tatlo. One vs. Three.

"Kayong dalawa talaga lagi may pa-kodak moment!" Kinikilig na komento ni Gelly. Agad naman niyang hinablot kay Yussif ang flower vase at pinatong sa mesa ni Sir Manny.

"Sir Manny, pwede ko bang ayain ang dalaga nyo mag lunch." Baling ni Yussif sa boss niya. Nakasimangot na napaupo siya pabalik sa table.

"Aba, walang problema sa akin basta okay lang sa kanya." Tila kumakamping sagot ng PM nila. Tatanggi sana siya agad ng lumapit si Yussif kay Gelly at hindi sa kanya.

"O, ayan payag na boss mo tara na!" Aya nito sa kaibigan, halos malaglag naman ang panga niya sa pagkakapahiya. Nag asssume siya agad ang tinutukoy ng binata ilulunch out.

"Sir Yussif talaga pati si PM dinamay pa." Natatawang sabi ni Gelly sabay turo sa kanya na hindi pa din makabawi sa pagkabigla.

"Hoy Leia, nakanganga ka diyan baka pasukan ng langaw ang bibig mo!" Nakakalokong biro ni Yussif sa kanya. Agad naman siya sumimangot at pinandilatang ng mata ito.

Love is Over-ratedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon