Leia hated the fact na kahit anong gawin niya ay hindi niya makalimutan si Yussif. Afterall he was her first heartache. At sa kamalas-malasan niya ay bumalik na naman ang lalaki. Akala pa man din niya ay tuluyan nang matatahimik ang kaluluwa niyang maligalig.
Three weeks after the elevator incident Leia was in her cool disposition. Kinalimutan na din nya ang kahindik hindik na encounter nya sa lalaking bastos sa elevator. Palagay nya ay isa lang ito bisita ng mga occupants nila. Heto ngayon siya pasakay na naman sa elvator, medyo maraming naghihintay at nagaabang. Pagpasok na pagpasok nya ay sinalubong sya ng ngiti ng elevator boy nilang si Eli.
"Maam Leia goodmorning po!" Bati nito. Tumango lamang siya. Sa isang panig ng kuwadradong sasakyan de kable na iyon ay meron pamilyar na mukha siyang nakita ngunit hindi nya mawari kung sino ito.
"10th floor please." Aniya. Papunta siya sa unit ng kaclose niya unit owner, isang abogado at inaya siyang mananghalian doon dahil nagluto ang ginang ng paboritong niyang ulam, kare-kare.
"Sir, nakuha niyo ba ang number?"narinig niyang tanong ni Eli sa katabi nitong lalaki.
"Hindi nga e. Medyo natakot ako kasi mukhang suplada."sagot ng lalaki. Napailing ang elevator boy nila at natawa ng mahina. Bumukas sa 2nd floor at lumabas ang ibang sakay.
"Hindi yun suplada, Sir. Ganun lang talaga si Maam. Ano nga pala ang nagustuhan nyo kay Maam bukod sa suplada?." Sabay tingin sa kanya ng dalawa. Napataas naman ang kilay niya at kunwaring tumutok sa cellphone na hawak. Natawa ang lalaki bago nagsalita.
"Hindi siya palangiti pero maganda siya." Nangunot noo naman siya, tila yata siya ang pinag uusapan ng dalawa. Lumabas ang dalawang koreano babae sa 5th Floor, silang tatlo ang natira.
"Bigay mo na lang kaya ang number niya at tatawagan ko?" Sabi pa ng kausap ni Eli. Malakas talaga ang kutob niyang siya ang pinag uusapan ng dalawa at pamilyar sa kanya ang hitsura ng lalaking kausap ni Eli.
"Nako, patay tayo diyan sir baka ako naman ang pagalitan e." Tanggi nito.
"Paano ko mapopormahan kung pangalan lang ang alam ko? Natatakot nga akong lumapit e." Pagdadahilan pa ng lalaki.Hmmmppp.. hindi mukhang torpe! Anang isip niya.
"Ganito na lang Sir, lalabas ako ng elevator at iiwan ko kayo." Suhestiyon ni Eli at walang anong tumalon palabas ng pasarang elevator ito at naiwan silang dalawa ng lalaki.
Takang taka naman siya sa inasal ni Eli pero hindi siya nagpahalata, nagpatuloy siya sa pagpipindot ng cellphone niya. Ilang tigil na lang naman ay nasa 10th floor na siya.
"Ahem." The guy cleared his throat. Kunwaring hindi niya narinig ang sinabi nito.
"Hello Leia, Im Yusif Andres Santiago." Pagpapakilala nito sabay lahad ng palad, imbes tanggapin iyon at tinignan lang niya.
Naalala na niya ito ang bastos na lalaki sa basement 8!"I would like to apologize -------" at bago pa nito natapos ang sasabihin napabulalas siya.
"Ikaw yun unggoy na manyakis sa basement 8!!!" Napakamot ito ng ulo at alanganing sumang ayon.
"Im sorry about that."he apologized pero hindi siya nagpatinag imbes tinalakan niya ito.
"Walanghiya ka, anong ginagawa mo dito? Dapat sayo nireport kita sa security! Hindi mo ba alam na masama ang pakiramdam ko nun at talagang kamalas malas ko hinipuan mo pa ako! How dare you!!!!" Akmang hahampasin niya ito ng biglang umalog ang elevator ng malakas na ikinatumba niya papunta sa lalaki. Napasigaw pa siya ng magbrownout.
"Oh my god!!!" Napasama ang pagbagsak nila. Nakadagan siya sa lalaki na mahinang umaray dahil sa pagkakaipit niya sa dibdib nito.
"Okay ka lang?" Nagaalalang tanong nito sa kanya habang tinutulungan siyang tumayo muli. Buti na lang at brownout hindi nito nakita ang pamumula ng mukha niya.

BINABASA MO ANG
Love is Over-rated
RomanceA girl name Leia Cortes is defining Love as over-rated thing? What if one day, someone defy her self-proclaimed aphorism and make her as corny and as baduy like a love-sick teenager? Will she ever change her mind about love? lets join her to journey...