MakeUpBreakUp

40 2 0
                                    

Ilang araw din silang hindi nakapagkita ni Yussif ngunit panay naman ito ng text at tawag. Maski bago ito lumipad patungong Singapore ay kausap niya sa telepono. Hindi na niya inusisa ang binata tungkol kay Patrice but one thing is sure, she was ready to break up with him makahanap lang siya ng solid evidence sa kataksilan nito.

Lahat ng flowers na binibigay nito ay balik sa trash bins. Hindi naman kumikibo sila Gelly sa naging aksyon niya at iniwasan din niya makipag usap tungkol sa kanila ni Yussif.

Naging madalas din ang pagbisita ni Vin sa kanya sa opisina, ito pala ang architect nila Yussif sa pinapagawa nitong opisina sa commercial space. Alam nitong girlfriend siya ni Yussif kung kaya naging kakwentuhan niya pati sila Gelly ay naging kaukausap na din nito. Masayahin at palangiti ang binata.

Junior partner ng architectural firm na pinagtatrabuhan nito si Vin, single at walang pang girlfriend kaya madalas ay nirereto nila ito kay Gelly. Na ikinakainis ng kaopisina.

"Tigilan ninyo ako ha." Nakangiti pang saway ni Gelly sa kanila ng asarin nilang bagay ito at ni Vin isang hapon, limang minuto bago ang uwian nila. Pansamantalang nakalimutan niya ang problema sa sariling relasyon. Mag isang linggo ng wala si Yussif at ang sabi nito ay bukas ang uwi nito.

"Oo nga, Miss Gelly. Bagay kayo ni Architect Vin, isang chinito at isang payat. Pag pinagsama Chinitang Kawayan ka na." Gatong naman ni Jope na ikinatawa nilang lahat.

Nasa ganoong pag uusap sila ng dumating si Vin kasama si Yussif. Halatang pagod at puyat dahil sa byahe.

"Hi guys, ang saya nyo ata." Bati ni Vin at nakipagbeso naman sa kanya at kay Gelly. Mataktikang lumabas naman si Jope. Si Yussif ay lumapit sa kanya at dinampian siya nang mabilis na halik sa labi.

"I miss you, love." Anito sabay akbay sa kanya.

"Akala ko ba bukas pa ang uwi mo?" Malamig pa sa yelong tanong niya dito.

"Namimiss ko na ang girlfriend ko e." Malambing sagot nito at inabot ang bag niya.

"O siya Leia, lumarga na kayong magjowa at ako na bahala dito." Pagtataboy ni Gelly sa kanilang dalawa, pangiti ngiti lamang si Vin na nakaupo sa couch.

Gusto naman niyang magprotesta ay hindi na niya nagawa dahil hila hila na siya papunta kung saan nakapark ang Jeep ni Yussif. He opened the passenger seat for her at hinintay na makaupo bago lumipat sa kabilang side. Tumunog ang cellphone niya, si Gelly ang tumatawag. Napangunot noo naman siya sa pagtataka.

"Friend, kung anuman ang problema nyo ni Sir Yussif pag usapan nyo. Huwag mong itago at kimkimin." Payo nito at bago pa siya makapag react ay nababa na nito ang linya. Napailing na lamang siya.

"Sino ang tumawag?" Curious natanong nito sa kanya, imbes na sabihin si Gelly ay iba ang sinabi niya.

"A friend."maikling sagot niya. Napatingin naman si Yussif sa kanya at ginagap ang mga kamay.

"Masama ba pakiramdam mo, love?" Nag aalalang tanong nito. Gusto niyang maiyak sa sama ng loob pero pinigilan niya.

"Gusto ko ng umuwi at magpahinga." Sagot na lamang niya. Hindi na nakipagtalo si Yussif at inabala na nito ang sarili sa pagdadrive.

Binuksan nito ang radio at tumutugtog dun ang kinakaasaran niyang favorite song ni Yussif at mas lalo pa siyang nabuwisit ng sinabayan pa nito ng kanta.

"But the changing of winds, and the way waters flow
Life is short as the falling of snow
And I'm gonna miss you, I know"

"Pwede ba patayin mo na nga lang yan kanta!" At padabog na ini-off ang radio. Natawa naman si Yussif sa ginawa niya at nilingon siya.

"It is the time of the month kaya nagwawala ang hormones mo?" Amuse na tanong nito. Hindi siya umiimik bagkus ay inirapan niya ito.

Love is Over-ratedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon