Five months after nang huli nilang pag uusap ni Yussif ay muli silang nagkita sa wedding rehearsal ni Vin at Gelly, mabilisan ang preparasyon dahil buntis na ang huli. Nang sabihin ng mga ito ang kondisyon ng kaibigan ay agad siyang pumayag na maging bridesmaid at hindi din inilihim ng magkasintahang tatayong bestman sa kasal ang ex. Hindi naman siya nagbago nang isip, naiintindihan niya matalik na magibigan ito at si Vin.
Mula nang maghiwalay sila ni Yussif ay kung kanino-kanino na siya nirereto ng kaibigan si Vienna at pati si Gelly ay pinapablind date siya sa mga katrabaho at single na pinsan ni Vin ngunit nanatiling mailap siya bagaman may constant date siya sa katauhan ni Nolan. Pinsan ng groom, isa itong senior manager ng malaking lending company at sa pagkakwento ng binata ay pulitiko ang ama nito at nasa kongreso.
"Nakakapagod din pala ang rehearsal sa kasal." Nakangiting sambit niya habang pinupunasan ang tumutulong pawis sa mukha, pasimple naman siyang lumingon at hinahanap ang anino ni Yussif ngunit hindi niya makita.
"Yeah right."sang ayon nang mestizong lalaking kasama. Aminin man niya o hindi ay talagang gwapo ang binata at higit sa lahat ay gentleman pa. Si Nolan ang partner niya sa kasal, they are assigned to light the candles. "Are you going to stay after this?" Nakangiting tanong pa nito. May pa-dinner kasi ang mga ikakasal para sa lahat ng entourage.
"Pwede naman." She answered. Mula sa harapan niya ay dumaan si Yussif na hindi man lamang nagtapon ng tingin sa kanya. Bigla siyang naconscious sa presensya nang binata.
"Well, thats great. Ihahatid na lamang kita sa bahay ninyo pagkatapos." Prisinta pa nito at wala sa sariling tumango.
Nakita niyang nakipag beso si Yussif kay Gelly at nakipagyakapan kay Vin sa may unahan ng altar. Still, hindi pa din lumilingon sa gawi niya.
"Halika ka na tinatawag na tayo ng events coordinator." At inakay na siya ni Nolan palabas ng simbahan, hindi na niya nakita ang paglingon ni Yussif na madilim na madilim ang mukha.
____________________________________________"That's your cousin, Nolan. Right?" Baling na tanong ni Yussif sa kaibigang si Vin.
"Yup."sagot nito.
"They've been going out for quiet sometime now."sabad naman ni Gelly na tila nang iinis pa sa kanya.
"Siya iyon anak ng uncle mo sa Congress?" Patuloy na pag uusisa niya. Natawa naman ang kaigan at pabiro siya tinampik.
"Pare, don't tell me nagseselos ka." Tudyo nito.
"Single naman silang pareho so wala nang nakakapagtataka pa kung nagdadate sila." Si Gelly uli.
"Paano sila nagkakilala ni Leia?"
"Come on, para kang taga NBI magtanong. Why don't you ask Leia instead?" suhestiyon pa ng kaibigan. At wala naman siyang nagawa kundi itikom ang bibig.
"Eto Sir Yussif, tip ko lang bilang bestman ka ng sweetie ko." Umpisa ni Gelly. "Sa lahat ng nanliligaw kay Leia after you left her tanging si Nolan lang ang nakapasa sa taste niya and mind you, constant date nya yan sa lahat ng gatherings. So hindi na ako magtatakang maging sila before our wedding. Right, sweetie?" Mahabang paliwanag ng babae na ikinatango naman ni Vin.
Nag init naman ang ulo niya at gustong magdilim ng paningin niya sa narinig.
"Kaya bilisan mo na, man." Si Vin uli. At bago pa magkapag react ang dalawa ay iniwanan na niya ang mga ito at hinabol sila Leia at Nolan.
____________________________________________Nanlaki naman ang mata niya ng biglang hilain siya sa braso ni Yussif mula sa kung saan, maski si Nolan ay nabigla din. Papasakay na siya ng sasakyan nito dahil tutungo sila sa bahay ni Vin kung saan nakaset up ang inihandang dinner para sa mga entourage.
BINABASA MO ANG
Love is Over-rated
RomanceA girl name Leia Cortes is defining Love as over-rated thing? What if one day, someone defy her self-proclaimed aphorism and make her as corny and as baduy like a love-sick teenager? Will she ever change her mind about love? lets join her to journey...