They decided to spend their chikahan sa balkonahe ng bahay nila Vienna. Buti na lamang ay nakatulog na din ang makulit na anak nitong si Domini.
"Bakit kasi hindi mo sabihin sa kanya ang bumabagabag sayo?" Tanong ni Vienna sa kanya ng ikwento ang hinala tungkol kay Yussif at Patrice. Napailing siya bago sumagot.
"Im scared."
Humithit muna ito ng sigarilyo bago nagkomento.
"At hindi mawawala yan takot mo kung itatago mo lahat ng iyan sa kanya. Overthinking ruins most of the relationship." umpisa nito, napahugot naman siya ng malalim na hininga. May point ang kaibigan. Ilan weeks na din niya kinikimkim ang mga ito sa dibdib at amin man o hindi ay sadyang nakakaapekto na ito sa kanila ni Yussif.
"I haven't met the guy pero mula sa kwento mo at sa mga palihim na chikahan namin ni Auntie Elsa he seems to be a good guy. And to think, nakuha niya ang kiliti ng tiyahing mong masungit." Dagdag pa nito, napangiti naman siya sa narinig. Ang tiyahin pala niya ang inside reporter ng kaibigan tungkol sa lovelife kaya pala hindi niya ito kahit minsan kinaringgan ng pagtatanong tungkol doon. Hinayaan siya nitong maunang siyang mag open up.
"He is. And to be honest, naguguluhan talaga ako." May nangingilid na luha sa mga mata niya. Napatingin ito sa gawi niya.
"So let him know what youre feeling. Be open with him." Pag encourage pa nito sa kanya.
"Paano pag totoo pala ang lahat ng hinala ko?" May takot sa tinig na tanong niya, nagkibit balikat ang kaharap bago sumagot.
"Paano pag hindi?" Balik tanong nito sa kanya at muli siyang napabugtong hininga ng malalim.
"In love kahit gaano mo kamahal ang isang tao kung hindi mo siya pagkakatiwalaan, balewala ang lahat. Trust him, Leia. Masarap magmahal pero kumapit ka ng mahigpit kasi nakakabaliw yan." At tinapik nito ang balikat niya.
____________________________________________She cried silently the whole morning at kung hindi pa naalimpungatan si Yussif ay hindi siya babalik sa tabi nito. Agad siyang sumiksik sa leeg nito at pinilit na makunwaring matulog upang hindi siya usisain. Natatakot siya na baka pag magsalita siya ay mapaiyak siya at sigurado siyang magtataka si Yussif. Hindi pa siya handang harapin ito at ang issue na matagal nang nasa isipan niya.
Narinig niya ang natawa ng mahina si Yussif ng bigla siyang sumiksik dito. She can hear his heavy breathing. Nagulat pa siyang lalo ng haplusin nito ang mukha niya at dampian siya ng halik sa noo.
It was past 11 ng pareho siyang magising.
"Goodmorning, Love." Nakangiting bati nito sa kanya. Mukhang bago itong paligo at fresh na fresh tignan, walang trace ng sakit. Nag inat siya ng braso bago tumugon sa bati.
"Morning." Aniya habang kinukusot ang mata. Lumapit ito sa kanya at naupo sa harapan niya. Ang hiblang tumatakip sa mukha niya ay marahang nitong ikinabit sa likod ng tenga niya.
"You looked so tired, Love." Puna nito at ipinagkamali ang nangingitim na mata sa puyat, lingid sa kaalaman nito ang pag iyak niya. Pilit naman siyang ngumiti at niyakap niya ito ng mahigpit.
"I love you." and she kissed him on the lips with so much passion. Nagulat man si Yussif sa ginawa niya ay tumugon din with equal fire.
"Hey, don't kissed me like that or else baka hindi ako makapagpigil." tudyo pa nito ng makalipas ang ilang sandali, namula naman siya.
"Sorry."anas niya. Kumindat lang ito at nag ayang kumain.
"Tumayo ka na diyan. I prepared something for us to eat." Anito at hinila siya patuyo ng kama.

BINABASA MO ANG
Love is Over-rated
RomanceA girl name Leia Cortes is defining Love as over-rated thing? What if one day, someone defy her self-proclaimed aphorism and make her as corny and as baduy like a love-sick teenager? Will she ever change her mind about love? lets join her to journey...