"Deal with it, Yussif." walang kabuhay buhay na balik niya dito. Last day na niya sa opisina at kinukulit siya ng binata. Bago pa ito bumalik mula sa Singapore ay nakipaghiwalay na siya dito. At maski anong suyo nito ay hindi umubra sa kanya. Tahimik lamang na nakamasid sila Vin at Gelly sa kanilang dalawa, sabay sabay silang nag lunch.
"Ano pa bang kailangan kong gawin para patawarin mo, Leia?" Pangungulit na tanong nito sa kanya, napailing naman siya at sarcastic na hinarap ito.
"Wala. Wala kang kailangan gawin." At inirapan pa niya ito ngunit hindi ito natigil at lumuhod pa sa harapan niya na ikinatawa ng dalawang kasama.
"Hindi ako tatayo dito haggan hindi mo ko pinapatawad." pananakot pa nito sa kanya.
"Hoy Leia, patawarin mo na yan boyfriend mo baka maglupasay pa yan." Kantiyaw pa ni Gelly sa kanya. Pinandilatang naman niya ng mata ang kaibigan.
"Walang epekto ang drama mo, brad!" Tudyo naman ni Vin ngunit hindi nagpatinag si Yussif at lalo pa siya kinulit, may paghila pa sa blusa niya. Nabubuwisit naman siyang hinilang patayo ito.
"Hindi ka ba talaga titigil?" Asar na asar na sambit niya at umiling pa ito. Tumingin muna siya kina Gelly at Vin bago nagpaalam.
"Guys, excuse us ha." Aniya sa mga ito at hinila ang binata palabas ng opisina. Tuwang tuwa naman si Yussif at malapad na ngiting nagpahila sa kanya.
"Hoy, dahan dahan lang sa cariño brutal ha." Pagpapatuloy na biro pa ni Vin.
"Bumalik din kayo agad dito ha." Pahabol pa ni Gelly.
Nasa tapat sila ng elevator ng nagsalita siya.
"Doon tayo sa unit mo mag usap." Seryosong sabi niya dito.
"Sure, love." nakangising sagot nito na lalo ikinairata niya.
Pagkalapag ng elevator sa 9F ay inilalayan pa siya ni Yussif papasok ng unit. Nagulat naman siya sa nakita puro bulaklak sa buong unit ay hindi niya pinahalata. May malaki pang "I'm sorry" tarpaulin kasama ng isang daan lobo.
Ngunit mas lamang ang sakit na nararamdaman sa puso. Hinding hindi niya maialis sa isip na nagsinungaling ito sa kanya dahil kay Patrice, his ex girlfriend.
"I'm sorry pero buo na desisyon ko, Yussif." Pinal nasabi niya ng humarap dito. Tulad ng nakaraan ay mukha ito pagod na pagod at halatang stressed.
"Please let me explain, Leia." pagmamakaawa pa nito sa kanya. Umiling lamang siya at lumakad papunta sa open garden nito.
"I need space. I want to have my peace back." Sinundan siya nito ay yumakap mula sa likuran niya.
"Leia, huwag naman ganito. Pag usapan natin ang problema."
"Bitiwan mo ako, Yussif." At kumalas siya sa pagkakayakap nito. Kahit gustong gusto niyang bumigay at patawarin ito.
"Yes, kasama ko si Patrice sa Singapore these past few weeks dahil may mahalaga kaming bagay na inaasikaso." Mahabang eksplika nito ngunit nanatiling hindi inaamin ang totoong dahilan lalo tumitigas ang ekspresyon niya.
"Iyon ang katotohanan na pwede kong ishare sayo. Nangako ako sa kanyang walang pagsasabihan kahit na sino and I can't break my promise to her." Pagpapatuloy pa nito. Naningkit lalo ang mata niya sa narinig.
"But you keep on breaking my heart sa paglilihim sa akin ng mga ganito bagay, Yussif. Ano ba talaga ako sayo? Mahal mo ba talaga ako?" pigil ang luhang tanong niya dito.
"Ofcourse, mahal kita." Agad naman nito pinahid ang luhang sunod sunod na bumagsak sa mata niya. "But try to understand, I gave my word to her." He said trying to console her.
BINABASA MO ANG
Love is Over-rated
عاطفيةA girl name Leia Cortes is defining Love as over-rated thing? What if one day, someone defy her self-proclaimed aphorism and make her as corny and as baduy like a love-sick teenager? Will she ever change her mind about love? lets join her to journey...