So she decided to file her resignation few days after. Nagulat man sila Gelly at Sir Manny ay naiintindihan naman nito ang desisyon niya. They both supported her decision to leave the company and focus on her masteral. Maski ang mga maintenance at utility personnels nila ay nalungkot pero masaya pa din para sa kanya tutal out in the open naman ang relasyon nila ni Yussif. Binibiro pa siyang baka sa susunod na buwan ay doon na din siya nakatira sa building kasama ng nobyo na tinawanan lamang niya.
"Oo nga Miss Leia, sigurado kami magiging unit owner na din kayo dito." Biro pa ni Eli sa kanya. Sabay-sabay silang kumakain sa pantry nila Gelly at Jope minus their PM.
"Loko ka Eli ha." Kunway binato ito ng gamit na tissue.
"Haynako friend, mamimiss ko ang tsismisan natin dalawa. Pero okay na din kasi atleast makakapagfocus ka na sa masteral mo ang tagal mo kayang hinintay yan!" Sabi naman ni Gelly.
"Korek ka diyan. Grabe dapat two years lang ito pero umabot ng 4 year in the making kasi ang daming ganap ko sa buhay." Natatawang sabi naman niya.
"Tapos nadagdagan pa Miss Leia ang ganap nyo kay Sir Yussif." dagdag tudyo naman ni Jope.
"Ano pala sabi ng jowa mo?" Curious naman tanong ni Gelly uli. Uminom muna siya ng tubig bago sumagot sila Eli at Jope ay maganang kumakain pa din.
"Actually he even offered to transfer to another place kung isa daw sa reason ko yun client and employees relationship pero sabi ko naman hindi iyon ang main reason. Maski si Auntie Elsa gusto niya magfocus ako sa masteral naiinip na din kasi siya sa pagtatapos ko e." Mahabang paliwanag niya. Sabay sabay pa silang nagulat ng tumunog ang emergency button ng elevator, passenger elevelator 2 ay biglang nagstuck up sa 8th Floor. Agad naman tumakbo paakyat ng penthouse si Eli para icheck ang nangyari, si Jope naman ay tinawag ang maintenance at sila ni Gelly ay pinindot ang panel speaker upang macheck kung may tao sa loob ng lift.
"Hello goodafternoon, is anyone there?" Magalang na tanong niya ngunit walang sumagot.
"Hello, is there anyone there? Can you here me? This is from the Admin Office, we would like to apologize for this inconvenience rest assured you are safe and we are trying to fix the problem for the meantime please stay calm." Pagpapatuloy pa nila.
"Girl, check ko cctv camera sa BMS room kung may tao sa loob." Ana ni Gelly, tumango lamang siya.
"If you wanna talk, you can press the blue button down the floor numbers panel." Sabi pa niya. In few seconds ay may nagsalita.
"Love, Yussif here. Nastuck kami ni Patrice dito sa elevator, kami lang dalawa ang andito." Sagot ng binata sa kabilang linya. Biglang nanlaki ulo niya ng malaman ang nobyo at ex girlfriend nito ang nasa sirang elevator.
What a coincidence! Palatak ng isip niya.
"Ah ganun ba, dont worry inaaayos na nila Eli ang problema." pilit na kinakalma ang sarili. At narinig na niya ang iba pang boses, marahil ay nabuksan na ni Eli ang nagstuck na elevator.
Imbes na bumalik sa pantry ay dumerecho siya sa restroom at doon pinatulo ang mga luha.
Buong araw niya ay nasira ng malaman si Yussif at Patrice ay magkasama. She was disappointed na hindi man lang nabanggit ng kasintahan na kasama nito ang ex girlfriend. Wala naman kaso sa kanya kung magkaibigan pa din ang dalawa ang hindi niya matanggap ay ang paglilihim nito. Ang pinakamasaklap pa doon ay tila hindi man lang na bahala si Yussif after the elevator incident, ni hindi nag text, tumawag o kapag hindi ito busy ay malimit dumaan sa opisina nila.
"Friend okay ka lang ba? Kanina mo pa dinudutdot yan ballpen mo sa papel na yan!" Pasimpleng usisa ni Gelly nang mapansin ang pananahimik niya. Napatingin siya sa scratch paper, lukot lukot at malapit na mabutas ito dahil sa ballpen niya.

BINABASA MO ANG
Love is Over-rated
RomanceA girl name Leia Cortes is defining Love as over-rated thing? What if one day, someone defy her self-proclaimed aphorism and make her as corny and as baduy like a love-sick teenager? Will she ever change her mind about love? lets join her to journey...