Athena Jennessa's POV
"Satingin mo ba talaga may alam si Master Kearam dito Jennessa? Kasi wala naman syang nabanggit sa atin tungkol sa Ginny na yun at isa pa sigurado ka ba na mapapagkatiwalaan natin sya?"
Sunod sunod na tanong ni Jasmine. Oo alam kong wala syang tiwala kay uncle kahit naman ako eh nagdududa sa kanya hindi ko sya ganoon kakilala pero alam kong mapagkakatiwalaan ko sya.
"Jas alam kong wala kang tiwala sa kanya pero uncle ko sya at alam kong hindi nya ako ta-traydurin" paninigurado ko. Ako lang kasi,si Lulu, at si Frost ang aalis papunta sa Hail Majesty Island ayoko kasi may makapansin sa pag-alis namin lalo na at napag-alaman kong may mga espiya si Clara dito sa academy at sa palagay ko isa ito sa mga guro o kung sinong may mataas na katungkulan at kahit ang mga nakapaligid sa headmaster ay pinaghihinalaan nya.
"Princess tayo na handa na ang lahat" bungad ni Frost. "Sige na Jasmine aalis na kami kayo na ang bahala dito at nga pala yung tungkol sa sinabi mo ako na ang bahala doon mag-iingat kayo babalik agad kami kapag nakuha ko na ang sagot kay Uncle Kearam"
Pagkasabi ko nun ay isinoot ko na hood ng cloak at binuksan ang portal patungo sa Hail Majesty Island.
"Maligayang pagbabalik aking kamahalan,Prinsepe Frost" masiglang bati ni Josh sa amin ng makita nya sa tarangkahan ng palasyo. "Si Uncle nandyan ba sya?"
"Kausap nya ang ang council kaya nasisiguro ko pang nandito sya"
"Mabuti wag mong ipaalam sa kahit na sino ang pagdating namin" sabi ko bago sya tinalikuran. "Mahal na Prinsesa may masama akong kutob dito parang may mali sa lahat lalo sa council hindi sila nandito"
Sabi ni Frost ng makapasok kami sa hardin mas pinili kasi naming pumasok ng walang nakakaalam para walang aberya. "Alam ko may traydor sa council at sinisiguro kong si Ginny ang ipinunta nila dito kaya wag magpakita, halika may pupuntahan tayo" sabi ko at naglakad patungo sa isang tagong bahagi ng hardin kung nasaan mga bulaklak at binigkas ang encantasion para magbukas ang sekretong daan pa tungo sa kinaroroonan ni Dorothea ang isa sa pinakamagaling na pantas ng kanyang ng aking ina.
"A-Athena ano ito? At saan ito papunta?"
"Wala ka bang tiwala sa akin? Ligtas tayo sa pupuntahan natin at wag kang mag-alala hindi tayo aalis ng isla hangga't walang kasagutan" sabi ko at hinila si Frost papasok.
Alam kong nagulat si Frost ng makapasok kami sa portal kasi naman madilim at nagyeyelo ang paligid. May mga lobo rin na nagbabantay sa paligid at parang ano mang oras ay maari nila kaming sugurin at patayin."Natatakot ako Jennessa"~Lulu. Bigla rin tuloy akong natakot pero hinawakan ni Frost ang mga kamay ko.
"Kumalma lang kayo ang mga gaya nila ay hindi ka sasaktan kung wala kang masamang gagawin" pero may nakita kaming paparating mula sa di kalayuan. "Sino kayo at ano ang kailangan nyo dito?" tanong ng babae.
Nagatago naman muli su Lulu sa loob ng bag ko dahil siguro sa takot."W-wala kaming m-masamang intensyon k-kailangan lang namin ng kasagutan" sagot ko. "Kasagutan? Hmm. Bakit wala bang maaring magbigay nun sa'yo ha kamahalan? "
"Alam kong maraming maaring sumagot nun pero alam kong ikaw lang ang magbibigay ng sagot na alam kong walang alam ang iba kaya nakikiusap ako Dorothea, pagbigyan mo na ako"
"Sige na, ibibigay ko na kailangan mo alalang alang sa kaligtasan ng Starlight" nagliwanag ang paningin ko kahit hindi ko sya nakikita dahil nababalutan sya ng makapal na cloak at nakatago ang mukha nya doon. "Sumunod kayo sa akin"
Bianca's POV
Tahimik ang lahat ngayon napaka boring halos lahat sila may kanya kanyang mundo grabe ang boring, ganito ba ang epekto kapag wala si Frost at si Princess?
Bahala nga sila ipagpapatuloy ko na lang ang binabasa kong libro tutal naman walang pansinan dito eh. Pero hindi pa man ako nagsisimulang magbasa ay bigla na lang akong nakarinig ng inangay mula sa labas it is like may nagkakagulo. "Bianca! Bianca! Lumabas ka dali may kaguluhan sa bulwagan ng paaralan may mga estudyanteng nagwawala dahil sa hindi namin malamang dahilan"
Sabi ni Serafina ang aking pixie partner. Agad naman akong lumabas para alamin ang nangyayari at pagdating namin doon ay merong tatlong studyante sa gitna ng bulwagan na tila wala sa sarili, parang may komokontrol sa kanila. Kanya kanya namang salag ang mga posibleng tamaan ng pagtira nila ng kung ano ano gamit ang mga kapangyarihan nila.
"Bianca sa likod mo!" sigaw ni Chase. Pero huli na malapit na sa akin ang isang malaking bato kaya napapikit na lang ako pero walang tumama sa akin at kamulat ko ay nasa harapan ko si Chase sinalang nya ang bato at unti unti nya iyong dinurog gamit ang kapangyarihan nya.
"Sasusunod maging alerto ka kasi" sabi nya at pinitik yung noo ko. Okay na sana eh. "Mag sila layo kayo sa kanila bilis" may otoridad na sabi ni headmaster Lockhart bago sila binalutan ng magical thread.
"Royalties sumunod kayong lahat sa akin may pag-uusapan tayo mahalaga yun, Justin patulugin mo muna ang mga batang yan para madala sila kay Ms. Glinter"
Bakas sa headmaster na ang tinutukoy niya ay ang posibleng traydor nakikita ko yun sa kanya. Sana kung sino man ang traydor na yun mahuli namin sya agad at sana rin maging matagumpay si Princess at si Frost para mahanap na namin ang natitirang mga Celestial Warriors.
.....
Pasensya kung ngayon lang po ulit ako nakapag-update masakit kasi ang mata ko tapos sabi ng doctor bawas bawas muna sa paggamit ng gadgets kaya di ako makapagsulat eh. I hope you enjoyed this chapter.
BINABASA MO ANG
Starlight Academy: Princess of the lost Kingdom (ON HOLD)
FantasyBeing a princess is not easy. And ruling an enchanted Kingdom is a big responsibility. But how could you rule a lost kingdom? Meet Princess Athena Jennessa Loise Ivory and find out how she will rule the lost kingdom of Starlight. °°°•••°°°•••°°°•••...