#28: Traitors

1K 19 5
                                    

Athena Jennessa's POV

"Hindi ka na dapat nagpunata pa sa islang ito isang napakalaking pagkakamali, at ikaw naman prinsepe hindi ba dapat ay binabantayan mo ang iyong prinsesa bakit mo pa sya hinayaang magpunta dito? "

Pagsermon sa amin ni Dorothea. "Pero kailangan ko ng sagot at alam kong si uncle lang ang makakasagot ng mga ito, maliban na lang kung sasabihin mo sa akin ang lahat ng gusto kong malaman"

Matigas kong sabi kasi may kutob talaga akong may alam sya. "Kung sasabihin ko ba sa'yo ang lahat mangangako ka bang aalis ka na dito, delikado kung pupuntahan mo pa si Kearam mahigpit syang binabantayan ng mga kalaban mo dahil alam nya sya ang una mong tatakbuhan kapag nagkaroon ng kagipitan"

Sinsabi ko na nga ba eh nasa council ang espiya, tinitira nila akong pailalim unti unti nilang sinisira ang kaharaian upang lalo pa akong pahirapan "Isa pa konektado din sya kay Ginny ang tagapag-ingat ng mapa"

Huh? Paano naman nangyari yun? At sino ba talaga ang Ginny na yun? "Madam Dorothea! Madam Dorothea! Pati na rin po kayo mga kamahalan may nakaalam na ang ng inyong pagpuslit kailangan nyo nang umalis"

"Ganun ba sige na umalis na kayo" may kinuha syang itim na aklat sa isang baul at ibinigay iyon sa akin "Nasa libro ang lahat ng kasagutang hinahanap mo at isa pa wag na kayong babalik pa rito" sabi ni Dorothea sa amin.

"Ah mahal na prinsesa papayagan niyo ba ako kung sasama ako sa inyo may mahalaga akong sasabihin isang impormasyon po ito mula kay Master Kearam"

"Sige na, mamaya na kayo mag usap umalis na kayo"

Tumango ako at binuksan ang portal pabalik sa Academy pero parang may mali sa portal kasi imbes na sa Academy kami mapunta ay napunta kaming tatlo sa isang kakaibang hardin na hindi pamilyar sa akin at parang unti unti akong nanghihina hanggang sa...

*Blank*

Frost's POV

"PRINSESA"

"ATHENA"

Halos sabay naming sigaw ni Josh dahil bigla na lamang nawalan ng malay si Athena pagkadating namin sa lugar na ito buti na lang at nasalo ko sya at isa pa parang may mali sa portal bakit hindi kami nakarating sa Academy?

"Josh ikaw na muna ang bahala sa kanya susubukan kong gumawa ng portal papunta sa academy" utos ko na agad naman nitong sinunod pero hindi na gumagana ang abilidad kong gumawa ng portal parang may humaharang sa aking mabuksan iyon.

"Frost may naglagay ng harang sa Academy kaya hindi tayo makakapasok, wala tayong magagawa tungkol doon at isa pa maskailangan ni Jennessa ng tulong" ~ Lulu.

"Ano? Pero sino at bakit?"

"Hindi ko alam pero malakas iyon at ayon kay goddess may nag-aambang panganib kaya kailangan na nating umalis dit—"

Pero bago pa matapos ni Lulu ang sinasabi nito ay may bigla na lamang umatake sa amin mula sa likod "Mahal ng prinsepe takbo" sigaw ni Josh kaya agad kong bunuhat si Jennessa at hindi ko alam kung anong nangyari pero parang nagteleport kami at hindi  ko alam kung saan kami papunta.

*Samantala*

Justin's POV

Kasalukuyan nagkakagulo ang buong Academy dahil sa hindi inaasahang paglusob ng mga Avrean dito sa Academy. Hindi namin alam kung ano ang hinahanap nila dito kasi napakalakas ng loob nilang pasukin ito. Papunta sana ako sa silid kung nasaan ang iba kong kasama ng bigla na lang may humila sa akin papasok sa isang tagong kwarto.

"S-sino ka?" tanong ko sa kanya. "Hindi na yun mahalaga pero bilang isang prinsepe sa'yo ko ipagkakatiwala ang importanteng bagay na ito" sabay abot sa akin ng sang kakaibang kalatas. "Pakaingatan mong mabuti ang mahiwagang kalatas yan ang hinahanap ng mga kalaban dito yan din ang dahilan kung bakit hindi naririto ang prinsesa ibigay mo yan sa kanya" pagkasabi nya nun ay ikinumpas nya ang Crystal wand na hawak nya at parang may kung anong pwersa ang bumalot sa akin hanggang sa para akong nagteleport sa isang kagubatan kasabay ng iba pang royalties.

"Anong nangyari?"~ Jasmine

"Oo nga paano tayo napunta rito? Nasa academy tayo diba nakikipaglaban?"~ Fiona

Agad akong napatingin sa hawak ko hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari pero isa lang ang nasisiguro ko kagagawan ito nung babaeng nagbigay nito sa akin. Maya maya pa ay bigla na lamang lumitaw si Frost kasama ang isang elf at si prinsesa Jennessa walang itong malay.

"Anong nangyayari?" tanong nya sa amin. "Ewan basta napunta na lang kaming lahat dito ilang sandali bago kayo lumitaw galing kung saan" ~ Blake.

"Sapalagay ko dahil yun doon sa mistreyosang babaeng nagbigay sa akin nito" ko sa kanila yung hawak kong kalatas. "Huh?  Ano yan?" ~ Rachel

"Hindi ko alam, pero ang sabi nya yan daw ang dahilan kung bakit sinugod ang academy"

"Talaga? Patingin nga"

Starlight Academy: Princess of the lost Kingdom (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon