Part 1

152 5 2
                                    

Author's Note

Ipagpaumanhin kung maraming typos o maling grammar sa notes ko lang kasi t-in-ype 'tong story na ito at sasailalim pa ito sa major revision ng sentence construction.

*********

Still awake this late at night? That's not the usual me. But why o why? Please, answer me. I'm begging you please.

Ito pa naman ang pinakaayoko, ang sinusumpong ako ng insomnia. Ilang oras na ba akong nakikipagbuno rito sa kama ko, pero heto at gising pa rin ang buong diwa ko? Please, paki-explain.

'Yong para akong timang dito na nagsasalitang mag-isa, gayo'ng wala naman akong kasama at kausap. I'm feeling crazy right now, h'wag naman sana akong pulutin nito sa mental. Sayang na 'yong braincells ko, sayang pa ang lahi ko. Gosh! Ni 'di pa nga ako nagkaka-boyfriend sa tanang pag-iral ko sa mundong ibabaw, mahabag naman kayo, gusto kong maranasang mahalin at magmahal. Shemay na ampalaya naman! Patulugin mo na ako! Paano naman ako makakahanap ng boylet n'yan kung mukha namang zombie ang beauty ko, though I do really know na mas mukha akong dyosa kaysa isang zombie.

Gulong-dito, gulong-doon. Hindi ko alam kung gaano na nga ba akong katagal gumagawa ng tulog, pero gising pa rin ang aking diwa. Hay! Ba't ganoon, sa hirap ng buhay, pati pagtulog ay ang hirap na ring gawin ngayon. Alam mo 'yon, nagawa ko na 'yong mga ways on how to fell asleep, pero waley epek. Uminom ng gatas, nagbilang ng tupa, nagbilang ng stars sa loob ng kwarto ko (glow in the dark na puro stars with a moon na nasa ceiling). And I even try to play a game na tinatawag na tulog-tulugan, but I am still awake. Ano bang nangyari sa katawang lupa na 'to? Sabi na nga ba, dapat ay 'di na lang ako tumakas mula sa Mt. Olympus, 'di sana waley akech problems (ambisyosa lang nang konti kaya pagbigyan n'yo na ako).

Shemay naman talaga, kailangan ko nang matulog! Please lang, gusto ko nang ipikit ang mga mata, pero pasaway, ayaw akong sundin. Katawan ko ba talaga 'to?

Okay, suko na 'ko. Ayoko na ng brain torture. At dahil mahal ko si braincells, sige, pagbibigyan ko na ang layaw mo.

Tumayo ako sa kama ko at binuhay ko 'yong ilaw sa kwarto ko. At pagkatapos lumapit ako sa study table at kinuha ko 'yong notebook at ballpen ko (they were my bestfriends; my partners in crime) on second thought, naisip kong buksan na lang ang laptop ko (my guardian angel). What do you think I'm going to do right now? Well, I don't have any idea. Basta isa lang ang nararamdaman ko right at this moment, gusto kong magsulat,pero ang tanong, ano namang isusulat ko?

Am I a writer?

No!

Who am I?

Este what pala?

A frustrated writer, who is soon to be a teacher in few years time, na siyang magmomold sa mga kabataan to be a better person from what and who they are before. Yeah, I am a transformer by the near future, but I don't want to be a doctor or should I say a surgeon. You know what I mean. Kung teacher ka, makare-relate ka, pero kung student ka naman, it's better for you not to know about it. Hay buhay nga naman life.

Hanggang ngayon big question pa rin sa brilliant mind ko why did I end up in this course, gayong I really wanted to become a great novelist. My mind really don't know the answer, but my heart is absolutely sure if what I really wanted to be; a great teacher. Why? Ewan 'di ko alam.

Ewan kung excited ba 'ko, o natatakot until now kahit isang taon at kalahati na Lang ang hihintayin ko parang may agam-agam pa rin ako sa puso ko. I hate failures and rejections that's the two things I am really afraid of, pero mas natatakot ako na baka sa huli lamunin ako ng maling sistema at ayokong mangyari 'yon. Well, ipinapangako ko 'yon sa sarili ko at kay Sus whom I trusted everything about myself, s'ya na bahala sa lifesung ko.

Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon