Insanity

253 6 4
                                    

Faith

"Kuya, magkano ticket?" tanong niya sa isang staff na nag-aasikaso sa ticket booth.

Sobrang dami na ng tao sa Pacific mall, hindi dahil mamimili sila, kundi para manuod ng magpeperform. Ala una pa lang ng tanghali, halos mangalahati na ang covered area kung saan tatayo ang audience.

"Kuya!" sigaw ni Faith. Hindi siya narinig nung lalaki kanina dahil napakaingay sa entrance.

Tsk

"Wala na, sold out na!" sagot nito. Bigla siyang nakaramdam ng inis at di maipaliwanag na kalungkutan. Napakamot sa likod ng kanyang ulo at nagsalita ulit.

"Sabi ko kung magkano, hindi kung meron pa," mahinang sabi niya at padabog na pumunta sa corner. Mukha siyang tanga, at loner dahil wala siyang kasama.

Nakakita siya ng isang grupo ng mga kababaihan na tuwang tuwa, hawak ang mga ticket nila para mapanuod ang inaabangang love team na Jadine. Napaisip siya,

Nasaan na kaya ang mga kaibigan niya?

Nagtry siyang tawagan si Chastity, isa sa pinakamalapit niyang kaibigan mula pagkabata. Pero to no avail, cannot be reach. Mahigit isang oras na siyang nakatayo sa may entrance, napansin niyang lalong dumadami ang tao, kaya naman humanap na agad siya ng magandang pwesto para mapanuod ang pinakapaborito niyang celebrities.

"Jadine! Jadine! Jadine!" chant ng mga tao. Aba alas dos pa lang eh, halos matumba na ang stage sa kasisigaw ng mga tao. "Aaah! Si James!" may umirit. Agad namang napalingon si Faith para makita, pero sadyang nakakaloko talaga dahil wala naman.

Kasabay ng pagsigaw ng mga tao at kaingayan, may mga pinatugtog na kanta related sa Jadine tulad ng Bahala Na, No Erase, Paligoy-ligoy at marami pang iba!

Hala, paano na ako makakapag-papicture kay James?

Hindi naman pera ang problema ni Faith, actually sobra sobra pa ang allowance niya para bumili ng ten tickets. Pero wala eh, sold out. Nothing left to do.. But cry.

Halos maluha na siya, pero syempre hindi natuloy. Magmumukha siyang baluga kung iiyak siya sa harap ng maraming tao.

"Ay tostadong tipaklong!" nagulat si Faith nang may kumiliti sa kanya mula sa likod.

"Hahahaha!" tawa ng kaibigan niyang si Chastity, Chast for short.

"Tsk. Baliw mo talaga!" Sabi niya sabay sapok sa ulo ni Chast. Nakarinig naman siya ng 'aray' kaya even na sila.

"Oh, bakit ka andito? Di ba dapat doon tayo?" tanong ni Chast. Para bang narealize ulit ni Faith na wala na. Wala na talaga siyang pag-asa. Pag-asang makita at mayakap ang kanyang ultimate man crush na si James Reid. Ang hunk na si James freakin' Reid.

"Best, wala na! Sold out na. Ubos na. As in wala na." Iyak ni Faith sabay yakap sa kaibigan. Si Chast, napakunot ang noo. Bigla siyang natawa sabay dahan-dahang itinulak si Faith.

"Huwag OA Gaskell! Makikita rin naman natin sila eh!" sagot ni Chastity. Suminghot ng suminghot na lang si Faith, sabay pout. Maya maya pa, kumuha siyang ng tissue at suminga ng hindi kalakasan para naman di nakakahiya.

"Si James!" sigaw ni Chast. Biglang nagsnap ang ulo ni Faith sabay lingon. Wala naman. Niloloko lamang siya ng kaibigan. Nag pout na lang ulit siya.

Bigla niya naalala, si Tricia, isa pa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Well actually, group of three talaga sila. Nasaan na nga ba si Tricia?

"Nasaan si Trish?" tanong niya kay Chast. Napakamot sa likod ng kanyang ulo si Chast. "Tinext ko siya kanina eh, ihahatid daw siya ni kuya Wisdom. Late lang siguro" napailing na lang si Faith, sabay sandal sa gate kung saan sila nakatayo.

SecondhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon