Realization

111 6 1
                                    

Jack

"So, where are we going?" tanong ni Jack kay James pagsakay nila ng kotse. Pero parang walang narinig si James dahil busy siya sa pagkalikot ng phone niya. "She's not answering my calls,"

"Si Ate Nadine ba? Naku kuya brother dear, try and try until you die lang yan!" Sabi ni Isla na kinakalikot ang buhok.

Actually lahat sila may kinakalikot, maliban kay Jack na nakatingin lamang sa kawalan. Si Grace kinakalikot naman ang phone niya, nagtutwitter.

For the nth time James dialed Nadine's number again. Finally she answered it.

"Hello James? Bakit ka napatawag?" Tanong ni Nadine na kasalukuyang nasa bahay lamang nila, nanunuod ng TV.

"Um, hey! I'm just wondering if.. We could.. You know? Hang out? With some friends... By the way, are you free?" Medyo nahihiyang sabi ni James. "You're not busy.. Right?" Dagdag nito. Hindi naman talaga mahiyain si James, he wasn't the awkward one. He was always the socialite between him and Jack.

Performer nga siya eh. Pero ngayon, nagyayaya siyang isama si Nadine sa lakad nila. On the spot pa! Walang practice practice.

"Uh, wait." Agad na sabi ni Nadine sabay tinakluban ang phone at sumigaw. "Ma! Pwede po ba ako lumabas? Nagyayaya po kasi si James,"

"Bat nagpapaalam ka pa? Twenty one kana anak, just go. As long as you're safe." Nakangiting sagot ng Mama ni Nadine na nasa kusina.

Nagulat naman si Nadine sa sagot ng mama niya. Pero sabay ngiti at sinabing "thanks Ma," tinanggal na niya ang palad niya sa kanyang phone.

"Um, okay, oo pwede ako!" Excited na sabi ni Nadine.

"Great! Okay? Are you okay?" tanong ni James.

"Oo naman. Sige, hintayin ko kayo," masiglang sabi ni Nadine.

"Okay. We'll be there in a minute," nakangiting sagot ni James. At walang tanong tanong ibinaba na niya ang tawag. Si Jack naman, takang taka.

"You were saying, Jack?" agad na tanong ni James matapos ang phone call. Si Jack, umiling na lang at binuksan ang bintana ng kotse.

Kanina pa nagpipigil sa kilig yung dalawang babae sa back seat. Kaya matapos nun nagkagulo na

"Aaah! Shit. Kinikilig ako sa inyong dalawa kuya James!" irit ni Grace.

"Oo nga! Oh my gad!" sang-ayon si Isla.

"FUN. FUN. FUN!" chant nilang dalawa. Parang OP na naman si Jack, pero honestly he wouldn't want to be anywhere else.

Ayon nga, it took them more or less twenty minutes para makarating sa bahay ni Nadine.

"Jack change seats," agad na sabi ni James nang ipinarada na niya ang sasakyan.

"Why?," tinanong ni Jack.

"Basta," di makapag explain si James.

"I don't want to," protesta ni Jack. Gusto niya talaga sa front seat.

At ayan na naman, ang napakasupportive na best friend ni Jack na si Isla, na bigla na lang siyang binatukan sa ulo.

"Ow," dahil sa lakas ng pagkakabatok ni Isla sa ulo ni Jack (ulo talaga!) Napatungo ito.

"Lumipat ka! Dyan si Ate Nadine!" demand ni Isla.

"Did you really have to whack me on the head?" tanong niya.

"Lipat na bilis! Andyan na siya!" Pagmamadali ni Isla, nang makita si Nadine na nakatayo na sa may front gate ng bahay nila.

Walang imik-imik akmang bubuksan na niya ang pinto para lumipat pero ayaw talaga mabuksan.

SecondhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon