Ang Pagkilos ni Sean

65 3 0
                                    

Alas singko ng madaling araw sa umaga ng Monday ready na ang lahat ng gamit ni Sean na dadalhin sa 2 weeks RSPC nila na gaganapin sa Angono, Rizal.

Nang masiguro niyang kumpleto na ang mga gamit niya na dadalhin pumunta na siya sa school dahil doon ang meeting place ng mga kasama dito.

Marami ng tao nang dumating siya malapit na rin kasing magliwanag.

Limang van lang ang nandoon at apat doon ay puno na kaya naman naglakad siya sa ika-lima habang siya ay papalapit sa van #5 natanaw siya ni Wisdom. Na kasalukuyang nasa loob ng van #5 at katabi si Allison.

May naisip ito.

"Ano ba yan hindi pa umaalis masusuka na ako" pag arte ni Wisdom na parang nasusuka at humarap Kay Allison.

"Palit tayo Allison hindi ko na kaya" dagdag pa nito na sinisiksik si Allison.

"Ayoko, gusto ko sa may bintana," pag-tanggi ni Allison.

"Nasusuka na ko dito. Seryoso ako Allison susukahan kita" lalo pa nitong siniksik si Allison at para talagang may lalabas na sa bibig niya.

Hindi malaman ni Sean kung tutuloy pa siya sa loob ng van dahil kita niyang nagsisiksikan si Wisdom at Allison dun.

Nakakaasar

"O ayan" at tumayo na nga si Allison upang makipagpalit ng upo kay Wisdom.

Nilabas naman nito ang kanyang plastic at binuksan ang bintana ng van upang doon sumuka. Kunwari.

Handa ng dumiretso si Sean sa likudan pero biglang nagsalita si Wisdom.

"Hoy! Dito kana!" Pagsigaw nito.

Kailangan sumigaw?

"Tapos kanang sumuka?" Tanong ni Allison kay Wisdom ang bilis naman kasing makarecover.

"Ah oo. Bilis no?" Confident namang sabi nito.

"Asan yung plastic mo?" Nagdududang tanong ulit ni Allison.

"Tinapon ko na..... Sa bintana" medyo matagal na sabi nito.

"Kadiri ka"

Napansin naman ni Sean na para na siyang istatwa doon na pinapanood ang kulitan ng dalawa kaya sumakay na siya sa van diretso na Sana sa pinaka likudan nang bigla nanaman siyang inimikan ni Wisdom.

"Hoy pasaan ka pa ba? sinabing dito ka sa tabi ni Allison" pagpipilit nito na may pagtayo pa para hilahin siya at yun nakaupo na siya sa tabi ni Allison.

Ay. Parang may dumaang mumu tumahimik ang lahat. Kahit na maingay ang mga nasa likod na ka-year nila, tahimik pa din ang atmosphere. Ewan basta.

Iba ngayon kung umarte si Wisdom. Kakaiba talaga. Alam naman ni Allison na matalino pero maasar na medyo may topak si Wisdom. Pero di niya akalain na kaya siyang iblack mail ni Wisdom dahil lang trip nito.

Nasaan ba kasi si Sean? Late na yung article ko.

Kanina pa si Allison dumating sa office ng school paper para sana isubmit na ang kanyang article dahil ngayon na ang deadline niyon.

Si Wisdom lang ang nadatnan niyang nandoon at tila busy rin ito. Di nga ata napansin na nadoon siya eh.

SecondhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon