Sean Jezreel V Del Valle
Yan ang buo niyang pangalan (obviously). Ganda no? Syempre, gwapo yang nagmamay-ari ng pangalan na yan eh.
"Kuya Siyaaan!" sigaw ng kanyang nakababatang kapatid mula sa labas. Kasalukuyan siyang nasa banyo, (huwag kayong pervert), nakadamit siya, uniform niya. Tumitingin lang siya sa salamin para icheck kung may muta, panis na laway o iba pa na hindi kaaya-aya, wala naman kaya binuksan na niya ang pinto.
"Problema mo?" cold na sabi ni Sean sa kapatid niyang si Sabrina. Hindi naman talaga mataray si Sean sa kapatid niyang si Sab, in fact close silang dalawa. Weird no? Dami niyang kaclose na babae. Si Faith, si Sab at pati rin Mama niya.
"Tagal mo naman sa banyo, daig mo pa ang babaeng meron eh!" reklamo ni Sabrina.
"Patience is key," matalinhagang sabi niya, kahit kailan talaga ang weirdo ni Sean.
"Ewan ko sayo. Malalate na ako Shupi!" pagtutulak sa kanya ni Sab papalayo. At pumasok na sa banyo ang kapatid niya, natawa naman siya.
"Napkin mo huwag mong kakalimutan itapon ha!" Dugtong pa ni Sean.
"Kuya naman eh!" Sigaw ni Sab mula sa loob. Natawa nanaman siya sa kanyang sarili. May isang beses kasing nauna maligo si Sab sa kanya tapos pagpasok niya ng cr may nakabalandrang napkin sa tabi ng inidoro.
Tinantanan na niya ang pang-aasar sa kapatid niya at bumaba na para pumasok at Baka nga malate na siya.
Naglakad na siya papasok sa university niya. Mga 7 minutes siguro at nakarating na siya.
Maaga pa kaya dumiretso muna siya sa office ng school paper. Siya lang naman kasi ang editor-in-chief ng club na to.
Galing no?
Dalawang tao lang ang nadatnan niyang nandon. Si Sir Mykel ang club adviser nila at ang pinaka masipag na member nila, si Wisdom.
"Good Morning Sir" bati niya Kay Mr. Sacred na tinanguan lang siya. May ginagawa ito sa laptop at halatang busy.
Kay?
Dumiretso siya sa isang table na nakaharap sa may tapat ng pinto, umupo at inilabas ang laptop niya. Dahil wala naman siyang gagawin kaya naisip niyang reviehin at iedit ang mga isinubmit sa kanyang photos na ilalagay sa next month issue ng school paper nila.
Mga two hours na siguro siyang nag-eedit ng bumukas muli ang pinto.
Shit.
Si Allison, ang ultimate crush niya lang naman yung pumasok. Nagkatinginan lang sila sandali at binaling na ulit ni Sean ang tingin niya sa laptop niya. Natatakot kasi siya na kapag tinignan pa niya ng mas matagal si Allison ay magblush siya.
Pero rinig naman niya ang footsteps nito papunta sa club adviser nila.
"Sir bakit nyo po ako pinapatawag?" Rinig niyang tanong nito kay Sir Mykel.
"Malapit na ang RSPC, as you all know. And I choose you, compete in photo journalism."
"Ah okay Sir" sabi ni Allison. Hindi na siya nagulat sanay na rin naman kasi siya.
"Okay yun lang" sagot naman ni Sir sa kanya.
Pwede namang Itext nalang ako.
Naisip nalang ni Allison. Dahil wala na rin namang sasabihin sa kanya ang kanilang adviser umupo na ito sa isa sa mga upuan dito di kalayuan pero di rin kalapitan kay Sean para tignan kung may kailangan pa siyang baguhin sa article na naka assign sa kanya.

BINABASA MO ANG
Secondhand
RandomHe was looking at her, like there was something in her worth seeing. °°Jack Reid°°