Friday
Hapon na nang maisipan ni Faith na lumabas sa kwarto niya upang tumambay sa pool area para magpahangin at magmuni-muni.
Nakasuot sya ng short shorts, hanging blouse at Ipanema slippers.
Apat na araw na rin s'ya sa resort nila. Ang mga magulang n'ya ay nauna nang umuwi sa bahay nila dahil sa trabaho. Nagpaiwan s'ya dahil feel n'yang magliwaliw.
Naglakadlakad-lakad lang siya sa paligid ng pool. Ninanamnam niya ang sariwang hangin dahil bihira lang siyang makalanghap ng ganito.
Lahat ng binili kong movies sa Astroplus napanood ko na. Nakakapagod na ring magmodel at magpose sa harap ng salamin. Niloloko na ako nung Main Chef ng resort namin na 'piglet' kakakain. Mukha na rin akong zombie dahil sa magdamagan na pagtutwitter at Facebook. Ang boring ng buhay ko. Wala bang bago? Anong gagawin ko? Hindi ko naman mabulabog sina Chast at Tricia dahil may klase sila ngayon. Si Sean naman nasa RSPC. May pagtawag pa sa akin yun nung Wednesday habang nanonood ako nun ng movie, tumunog cellphone ko, ang caller ID na nakalagay ay SEANDELIER.
"Nasaan ka?" tanong ni Sean.
"Nasa resort." bored na sagot ni Faith.
"Resort? Anong ginagawa mo d'yan? May tutor tayo diba?" sunod-sunod na tanong n'ya.
"Paki mo ba?" Mataray na sabi ni Faith.
"Tsk. Bakit ka nga andyan? Pupuntahan na lang kita, dyan tayo mag-tutor" sabi naman ni Sean.
"Eh," napaisip si Faith. "Mawawala ka na rin naman next week dahil sa RSPC mo" dahilan ni Faith
Si Sean naman ang napaisip, may point si Faith kaya naman "O, sige sige na," pagpayag niya.

BINABASA MO ANG
Secondhand
AlteleHe was looking at her, like there was something in her worth seeing. °°Jack Reid°°