Monday
Late nang nagising si Faith, wala naman prolema doon kasi nga hindi naman siya regular student. Hindi katulad ng ibang estudyante na kusang gumigising ng alas singko ng umaga para makapag-handa sa eskwela, siya buhay prinsesa. Gumigising ng kahit na anong oras na gusto niya. Bakit? Dahil home schooled siya, hindi siya pumupunta sa klase, ang klase ang pumupunta sa kanya. Mahigit limang taon na siyang nag-hohomeschooling. Ang dahilan? Sabihin na lang natin na tamad si Faith, at may isang insidente na muntik nang kumuha sa buhay niya. Kaya naman ang mga magulang niya, hindi na nag dalawang isip na ihome school siya. Wala naman problema si Faith doon considering na tamad siya, kakaunti lang din ang mga tunay na kaibigan niya. At yun ay sina Tricia at Chast.
Sila lamang yung dalawang taong nakakaintindi sa kanya, maliban sa mga magulang niya. Madalas pa din silang magkita kahit na iba iba ang schedule nila. Simula grade school magkakaklase na sila, pero dahil nga sa paghomeschool ni Faith, Hindi na. Ang bright side ay magkakapitbahay lang silang tatlo, kaya any time pwede silang tumambay sa labas.
Pagkatapos maligo ni Faith, dumiretso na siya sa kusina at pinaghain naman siya ng maid nila, dalawa lang ang maid nila Faith, pero nalilito pa rin ito sa mga pangalan, ganoon siya kamalilimutin.
"Babes, gusto mo ng milk?" Sabi ng isa sa maid nila, Maria yata ang pangalan. Siya yung middle aged. Kumbaga nasa mga 30s na siya. Pero hindi pa rin memorya ni Faith ang pangalan niya
Para bang nandiri si Faith sa tawag ng maid sa kanya. Ang jejemon naman kasi eh, babes? Ano yun? Marvin at Jolina lang?
"Uh, Marie," bigkas niya.
"Maria," pagcocorrect ng maid nila sabay ngiti. "Pwede rin Ate Maria!" Masiglang sabi nito.
"Marie, este Maria, Ate Maria, pwede wag mo ako tawaging babes? Kasi ang awkward eh"
"Ay, sarreh. Sabi kasi ng mommy mo na tawagin ka namin with pet names, para cute"
Si mommy, ano nanaman kayang naisipan niya? Dati puro cartoon characters ang tawag sakin ng mga maid. Ngayon ang jeje.
"Call me Faith na lang, Ate" sabi ni Faith sabay kuha ng gatas mula kay Maria.
"Okay, babes." Sabi ulit ni Maria. Binigyan ni Faith ng magkahalong masama at nandidiring tingin si Maria. Babes nanaman. "Sorry, Okay Faith pala" nagpeace sign si Maria, feeling bagets lang.
Pagkatapos kumain ni Faith, dumiretso ito sa sala para manuod ng America's Next top Model, ang paborito niyang show. Gusto niya kasi yung mga sinasabi ni Tyra Banks tungkol sa modeling, at paminsan minsan natutuwa din siya sa mga cat fight ng models.
"Go Jordan!" cheer ni Faith doon sa paborito niyang contestant. Para bang naririnig siya nito, tanga na kung tingnan pero walang paki si Faith, nasa bahay lang naman siya.
Ala una ng tanghali dumating na ang tutor niya. Nakauniform ito, white polo at saka black slacks with matching black shoes, at basa pa ang buhok. Hindi siya gumagamit ng gel/wax. Halatang bagong ligo.
"Sean! Bakit ang agap mo? Di pa ako tapos manuod ng ANTM!" reklamo ni Faith nang makita si Sean sa may living room nakatayo.
"Sige, tapusin mo na muna yan. Maagap pa naman," sabi ni Sean, habang inaayos ang kanyang salamin na napakataas ng grado. Si Faith, ayon hindi matanggal ang mata sa TV. Umupo na lamang si Sean sa tabi ni Faith at binuksan ang bag, kumuha ng textbook at nagbasa.

BINABASA MO ANG
Secondhand
RandomHe was looking at her, like there was something in her worth seeing. °°Jack Reid°°