Girls Girls Girls

115 4 0
                                    

Jack

9:47 am nakahiga pa din siya sa malambot niyang kama. Actually, kanina pa siyang gising wala lang talaga si Jack sa mood para bumangon. Nakapalsak sa parehong tenga niya ang earphones at nakikinig sa Mayday Parade. He thinks they're cool.

Nakarinig siya ng katok sa pinto. Dahil hindi naman kalakasan ang sound trip niya rinig parin niya. Mula sa light knocks naging pounding sa sobrang lakas.

"Hoy Jack! Buksan mo to!"

"Stupid. Di ka niya naiintindihan. Mag-english ka!"

"Hey Jack! Open the door!"

"Much better!"

"Jack! Jack! Jack!" chant ng dalawang babae sa labas ng kwarto niya. Sa sobrang ingay nung dalawa, tinamad lalo siyang sagutin ito kaya naman imbes na buksan ang pinto at patahimikin ang dalawa, tinodo na lamang niya ang sound sa tenga niya.

And as if on cue, biglang nagbukas ang pinto niya. "Jack! Kala ko patay ka na! Di ka kasi sumasagot! Kanina pa kami eh!" sabi agad ni Isla, nakastretch forward pa rin ang kamay niya dahil tinulak nilang dalawa ang pinto. Tila ngayon lang niya napansin kaya naman agad niyang ibinaba ang kamay at inilagay sa kanyang bewang na para bang bigla na lang magtataray.

"How was the mall shows, Jack?" tanong naman ni Grace na nakaupo sa tabi ni Jack, tinitingnan kung ano ang ginagawa nito sa cellphone niya. Sound trip! "Wala ka bang speakers?"

Umiling na lang siya bilang sagot. "Sayang naman! Astig pa man din ng sounds mo!" Panghihinayang ni Grace. Puro Tagalog yung sinabi niya, at kung inaakala niyong hindi yun naintindihan ni Jack, nagkakamali kayo intinding intindi niya lahat ng sinabing tagalog words ng kaibigan niya. "Ano nga Jack! How was the mall shows?" sabi din naman ni Isla na nakahiga na sa top bunk. Umakyat ito kanina habang kinakausap ni Grace si Jack.

"You're asking as if I was the one performing at the mall shows. But yeah, it was fine" sagot naman ni Jack.

Si Grace, naumay na umupo sa kama ni Jack kaya naman tumayo ito at pumunta sa desk at binuksan ang laptop ng kaibigan. Walang bago, lagi namang walang bagong makikita sa computer ng kaibigan niya, kaya naman nag-facebook na lang si Grace.

"Oy Jack. May Facebook ka na ba?" tanong niya.

"I don't have Facebook" sagot ni Jack.

"Oo nga eh! Pero shit andami mong poser!"

"I know" sagot ni Jack.

After a few minutes of silence, si Jack nakikinig pa rin ng music, Si Isla nakahiga sa top bunk naglalaro ng PSP, si Grace naman kinakalikot ang laptop ni Jack.

"Whatever happens, always remember that you are my best friend, okay Jack?" Emote na sabi ni Grace. Na nakatitig pa din sa screen ng laptop.

"What? Are you committing suicide or something?" tanong naman ni Jack.

"OA mo, sapakin kita dyan eh!" sabi naman ni Isla na bumaba na sa taas na kama.

"Just promise. I'm your best friend, right?" Pageenglish naman ni Grace, at nineglect ang pangbabash ni Isla.

"Okay? I promise" sagot ni Jack, na naweweirduhan na. Ano ba mangyayari kay Grace? Emote.

"Aba! Akala ko ba ako ang best friend mo?" sabi ni Isla na nakapamewang.

"Sarreh, I'm his best friend" maarteng sabi ni Grace.

"Di ba pwedeng pareho?" Suggest ni Isla

"Hindi eh!"

SecondhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon