An Encounter

169 6 1
                                    

Faith

Hindi pa rin sila makapaniwala na makakapasok sila sa audience section (one wherein kailangan ng tickets)

Paano nangyari to?

At kung kelan nagsimula na ang program saka pa sila nakapasok. Impossible talaga. Hanggang ngayon higit higit pa rin sila ni Tricia. At silang dalawa naman naman nagpapahigit lang kay Tricia.

Lumampas sila sa pinakang audience, they are headed to the front, ( as in front, front na front)

"Teka," sabi ni Faith. "VIP tayo?" tanong niya kay Tricia.

"Yup" sagot nito, ng walang tingin tingin. Si Chastity naman tuwang-tuwa na hindi pa rin makapaniwala.

"How?" tanong naman ni Chast, sabay upo sa upuan. Nasa VIP na sila, yung mismong stage ang kaharap mo. At may possibility na makaakyat pa sila sa stage. Naupo na din si Tricia at Faith.

"Kuya Wisdom." Yun lamang ang sinagot ni Tricia. At sa sagot na yun, Hindi na nagtaka si Faith at Chast kasi nasa isip nila ay parang lahat na lang ng problema kayang solusyunan ni kuya Wisdom para kay Tricia. Third year college na si Wisdom, at sa three years na nasa Uni siya, meron din itong dalawa pang trabaho: Yun ay ang mag-aral sa kumpanya ng mga magulang nila, dalawang beses sa isang linggo, at paminsan-minsan nagmamanage din siya sa mga gatherings at iba pa sa mall. Imposible man kung iisipin na nagagawa ito ng isang third year college student habang siya'y nagaaral pero nagagampanan niya lahat ito dahil nga gifted siya. Pangalan pa lang eh, Wisdom, no doubt Suma Cum Laude si Wisdom pag-graduate niya.

"Kuya Wisdom!" sigaw ni Tricia. Nakita kasi niya ang kanyang kapatid na may kausap na isang staff. May inaasikaso lang siguro.

Napansin naman siya pero nagkaway lang at pagkatapos at bumalik na sa pinaguusapan nila.

Ang lakas ng sigaw ng mga tao, nakakabingi.

Pagkatapos ng isang oras, na pag eentertain sa kanila ng MC, na hindi naman talaga nakakaentertain, nagsimula nanamang sumigaw at umirit ang mga tao, mostly girls.

"Yan guys! Dahil naghintay kayo oh-so patiently. Lalabas na talaga sila!, please welcome!," batid ng MC. Agad nanamang nagkagulo ang mga tao.

"Pero syempre joke lang yun. Maya-maya, okay?," sabi nito.

Nakakaloko to ah!

"Once again, please welcome IconX" dagdag ng MC. Agad na lumabas nanaman ang dance group na nagperform kanikanina lang.

Tsk

After 40 minutes.

Ayan na.

"Okay! Wala ng lokohan! Please welcome! 1/2 of the Jadine love team, Nadine Lustre!"

"Aaaaaaaaaah!" nagwawala na si Tricia. Parang kanina lang siya yung pinaka calm sa kanila, ngayon para siyang nasapian ng ligaw na espirito. Kahit ilang beses na niyang nakita si Nadine sa mga mallshows, naiistarstruck pa din ito every time napapanuod niya si Nadine at James magperform.

"Ang ganda ganda niya!" Hiyaw naman ni Chast.

Si Faith, nagtatatalon sa pwesto niya. First time niya makita si Nadine. At first time niya ring makikita si James!

Ang ganda ni Nadine. Kahit parang nakasuot lang siya ng casual wear. Sleeveless and Jumper.

SecondhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon