Reid

76 3 0
                                    

Friday

Pampanga, Ilo-ilo, La Union, Quezon at Batangas. Yan ang mga napuntahan ni Jack magmula nung linggo, kasama si James at Nadine syempre. Kaya noong pauwi na sila sa bahay di mapigilan ni Jack na matuwa.

Finally, nasa isip niya.

Pasado alas tres na ng madaling araw nang makauwi si Jack at James galing sa Lipa, Batangas. Pero hindi pa dito natatapos ang kanilang mall show trip, last stop ay sa Trinoma mamayang 5 pm.

"I'm going to sleep, don't snore" walang ganang sabi ni Jack kay James pagkababa na pagkababa nila sa sasakyan. Natawa naman si James kay Jack.

What's funny?

Sinamaan niya ang tingin sa kapatid. Sinong hindi maiinis? Antok na antok ka na tapos tatawanan ka pa?

"Whatever," mahinang sabi ni Jack. At dumiretso na sa loob ng mansyon nila. Oo, mansyon. Ito ang bahay ng ama nila, pinagawa para may mauuwian si Jack at James.

Madilim pagpasok niya, binuksan ni Jack ang ilaw at dumiretso sa hagdan papunta sa kwarto niya. Hinubad niya ang kanyang jacket at nagpalit ng panlalaking shorts na umaaabot hanggang sa baba ng tuhod niya.

Umakyat na siya sa kanyang kama, sa top bunk. Ewan, naisipan niyang matulog sa taas. Nagkumot siya at ipinikit ang mata, malapit na siyang magdrift off pero nakarinig siya kalampag mula sa labas.

Sa kabilang kwarto galing ang tunog.
James.

Kay James na kwarto yon, at naiingayan siya sa tunog

Tinakluban ni Jack ang tenga niya, pati mukha ng unan.

"Ugh," mahinang sabi ni Jack.

Natapos na yung ingay ni James, at siguro ay natutulog na rin 'to. Kaya si Jack nag buntong hininga. Thank the lord.

"Sunog!" nakarinig si Jack ng pagkakalakas na sigaw. Minulat niya ang kanyang mata at tumingin sa kanyang paligid.

Sunog means fire.

Pagkabangon niya, agad siyang lumabas ng kwarto dala dala ang kanyang cellphone. Wala namang sunog ah, saan galing iyon?

"Tulong!" dinig ulit niya. Teka, si Isla yun, Boses iyon ni Isla.

"Isla? Where are you?" Malakas na sabi ni Jack, tumingin siya sa bintana, madilim, gabi pa din.

"Isla!" sigaw niya muli. Kinatok niya ang kwarto ni James, no answer. Kinatok niya ng kinatok. The door can't be locked, if it's not on the inside. So someone must be there.

"James!" demand niya, kinakabahan na siya sa nangyayari. Nasaan sila?

Buong lakas niyang itinulak ang pinto gamit ang balikat niya. Ouch. Medyo masakit. Pero walang nangyari, nagtry siya ulit. Ininda na lang niya ang sakit, dahil nasa isip niya nasa kapahamakan si Isla, at si James. At the third try, nagbukas ang pinto.

"Nadine?" takang-taka siya, anong ginagawa ni Nadine sa bahay nila? Mas importante, anong ginagawa niya sa kwarto ng kapatid niya?

"What are you do---" naputol ang sasabihin ni Jack, nakatayo si Nadine sa may bintana ng kwarto ni James, at halatang gulong-gulo ito. Hawak ni Nadine ang buhok niya.

"Jack, takbo!" sigaw ni Nadine sa kanya na nagpapanic.

"What? Why?" tanong ni Jack, na unti unti ng nagiging frantic. "Are you okay?" concerned.

SecondhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon