Marry Me

79 3 0
                                    

Monday

"Pota Gaskell! Di pa din ako makapaniwala, nameet mo si James ng sobrang lapit. Ang daya mo talaga, kasama mo pa si Jack Reid" reklamo ni Tricia na ngayon ay kinagat ang kinakaing suman, at sawsaw muli sa bowl ng asukal.

Si Faith, tuwang tuwa na nagpapa-padyak. Nameet niya noong Friday ang idol niya, at hanggang ngayon starstrucked pa din siya. Sariwang sariwa sa kanyang isipan ang nangyari. Kasama niya si Jack, at sobrang excited na niyang makilala si James ng malapitan,

"Excited na ako!" Sabi ni Faith na abot langit ang ngiti at nakatingin sa direksyon ng dressing room.

Marami pa din tao, as usual puro picture picture sila matapos mag-perform ng JaDine, Hindi na nakapag-papicture si Faith kay James okay lang, mamemeet naman niya siya soon.

"Come on, they're almost done." batid ni Jack sa kanya, kasama niya pa din si Jack hanggang ngayon. Sa totoo lang ito ang pinakamasayang araw ng buhay niya, paano ba naman kasi, ito na, ito na talaga malapit na siya kay James. Akala niya dati hanggang tingin lang pero ngayon hindi. At isa pang dagdag bonus sa best day ni Faith, sobrang gwapo ng kasama niya. Buti na lamang at naka-hoodie si Jack at halos lahat ng tao ay nakatingin lamang sa stage. Hindi sila pwedeng makita, magkakagulo nanaman.

Nanguna si Jack sa pagpunta sa back stage. Muntik na nga silang hindi mapapasok pero agad na namukhaan ng bantay na siya ay kapatid ni James.

"Bawal dito," sabi ng lalaking bantay

"Kasama ko siya!" Sabi ni Faith na ipinamumukha sa bantay na talaga ngang kasama niya si Jack.

"Weh?" Di naniwala sa kanya.

"Yeah, let her in. She's with me" monotonous ulit na boses ni Jack ang narinig nila. Kikiligin sana si Faith, pero instead ang naisip niya ay ang ipamukha sa bantay na to na kasama niya talaga si Jack.

Haha buti nga, ang nasa isip ni Faith

Habang siya'y sumusunod lang kay Jack papasok, di niya maiwasan na tingnan ang likod nito, tinanggal na niya ang hoodie niya, ang puti ng batok at payat ang leeg.

Napunta ang tingin ni Faith sa mga kamay ni Jack, ang puti din, at mukhang malambot. Ang ganda siguro ka-holding hands ni Jack.

So touchable,

Nang makarating na sila sa mismong back stage, nanlaki ang mga mata ni Faith, hindi ito kalakihan at medyo maraming tao ang busy sa kanya-kanyang business, ganto pala ang nangyayari sa likod ng entablado.

"Hi Nadine!" masayang sabi ni Faith, nasa likod pa din siya ni Jack, ang ganda ni Nadine, tank top and skinny jeans with sandals ang suot nito. Napatingin si Nadine kay Faith, tapos kay Jack.

"Hello, Jack friend mo?" tanong ni Nadine.

"Sort of," ang sagot ni Jack, gulat na lang niya nang nakalabas na pala ang cellphone ni Faith at nagseselfie na sila ni Nadine.

Fast, ang nasa isip ni Jack.

"This is..." Simula ni Jack nang tumigil na si Faith kaka-kuha ng picture. Nalimutan niya kasi ang pangalan ng kasama niya, ano ba yan?

"What's your name again?" tanong ni Jack.

"Faith nga sabi, ang ulyanin mo" reklamo ni Faith at natawa naman si Nadine. Akala niya kasi kaibigan siya ni Jack, pero parang hindi dahil limot ni Jack ang name nito, gulat din si Nadine dahil sinasagot-sagot nito si Jack.

Bumalik na si Faith sa dati niyang tayo sa likod ni Jack, umalis kasi muna si Nadine, aayusan daw ulit dahil paalis nanaman sila. Almost 9 pm na ng gabi.

SecondhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon