Why Not?

39 4 0
                                    

Alas dyis ng umaga, late na kung gumising si Faith. Ayun, may laway laway pa sa baba niya. Ew!

Dahan-dahan siyang bumangon mula sa malaking kama niya, habang inaayos ang buhok niyang mukhang pugad ng uwak.

"Ugh," reklamo niya, feeling niya kasi ang bigat-bigat ng pakiramdam niya.

Inikot ni Faith ang tingin niya sa loob ng suite niya, sosyal, suite talaga. Pero sa totoo lang kwarto talaga to ni Faith mula noon pa.

"Pagdala mo nga ako ng breakfast," sabi niya nang hawak hawak ang telepono. Room service kumbaga.

"Ano po gusto mo Ms. Gaskell?" Dinig niyang sabi ng isa sa mga empleyado nila. Okay lang naman sa kanya na tawagin siyang Faith lang e. Pero iba rin talaga ang feeling pag tinatawag siyang Ma'am or Ms Gaskell. Feeling niya ang importante niya. Feeling niya may kapangyarihan siya, ewan basta iba yung nararamdaman niya.

"Umm." Natagalan siya mag-isip. Ano ba gusto niya? Hindi rin niya alam e. "Just tell the chef, surprise me" at pagkatapos nun ibinaba na niya ang tawag at dumiretso sa banyo para maligo. Ano pa ba?

30 minutes ang ginugol niya sa banyo bago matapos at paglabas niya nakahanda na ang pagkaing pinahanda niya.

All American breakfast. Edi wow!

Nasurprise naman ako dun. (Note: sarcastic to)

Brunch na rin naman at gutom na siya hindi na siya nagreklamo. Kumain nalang siya. At habang kumakain may narealize si Faith.

Mag-isa na naman siya.

Minsan nalulungkot siya sa ganung sitwasyon. Her parents being busy, her friends in school and her being alone. Pero nasanay na rin naman siya at naiintindihan naman niya yun. Hindi siya katulad ng ibang mga rich kids at spoiled brats na nagrerebelde dahil daw kulang sa time ang kanilang mga magulang.

Hindi siya ganun. Hindi siya tanga para sirain ang buhay niya para sa wala. Yun lang yun.

At yun nga tapos na niyang kainin ang pagkaing nasurprise siya. Pumunta na ulit siya sa banyo para magtoothbrush dahil gusto na niyang lumabas 1pm na rin kasi.

Bumaba na siya para ifeel ang fresh air dahil alam niyang aalis na din siya soon.

Pero nalibot na siguro niya ang 1\4 ng resort nila. 1/4 lang kasi sobrang lawak naman ng resort nila para malibot niya yun ng buo. Hello? In the middle of the afternoon?

Kaya lumabas nalang siya. At yun ang nakita niya kalsada. Naglakad nanaman ng naglakad para makakita ng gagawin.

Pero wala pa rin kaya bumalik nalang siya at nagsettle sa pagupo sa may pool area.

Ano ba yan?

"Bakit ba kasi ang boring?" pabulong pero medyo malakas niya yung nasabi na ikinatingin naman sa kanya ng tao sa may katabi lang niya.

"What?" Eto nanaman siya. She could'nt stop bitching around when she's at this state. Bored.

At naglakad nanaman siya para maghanap nanaman ng mapaglilibangan.

And there sa labas ng resort nila nakita niya si Jack. Naka headset. Naka-indian sit sa may parking lot. Nakapikit pa at nag aairdrum.

Anong nahithit nito?

Nilapitan niya ito at tumayo sa tabi nito pero hindi ata siya napansin kaya may naisip siyang gawin.

Binatukan niya ito.

"Aww. What the hell was that for Isla?" Isla? Akala niya si Isla ito dahil hilig nito ang sapukin siya.

"Ow Faith? Ah sorry I thought you were --"

SecondhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon