Tuesday
Katulad ng karaniwang araw ni Faith, wala siyang ginawa kung hindi ang tumambay sa bahay nila, naghihintay na my bumagsak mula sa langit. Alas dos na ng hapon, konting minuto na lamang at darating na si Sean sa bahay nila.
"3..2..1," bilang ni Faith, at ayan na nga, katulad ng ineexpect niya anjan na si Sean.
"Uy, namiss mo ako?" Biro ni Sean sa kanya pagkapasok na pagkapasok niya.
"Mag-tigil ka nga! Ikaw mamimiss ko? Sino ka? Si James Reid?" Banat ni Faith, pero oo medyo namiss niya nga si Sean kasi umay na umay na siyang mag-isa sa bahay nila.
"James Reid. James Reid." loko ni Sean sa kanya. "Halika na, mag-simula na tayo,"
"K," sabi ni Faith.
"Wala akong maintindihan Sean," batid ni Faith na nakahalumbaba at kinakain ang cheese cake na pasalubong sa kanya ng Dad niya.
"Kain ka kasi ng kain, basahin mo kaya" ang sagot ni Sean.
"Eh sa gutom ako paki mo?" Ang bawi naman ni Faith. Umiling na lamang si Sean at nakikain na din. Kahit kelan talaga hindi sila naging mainstream pagdating sa tutor.
Natapos ang tutor ni Faith mas mabilis kesa sa karaniwan. Dalawang oras lang, kelangan na kasing umalis ni Sean. At saktong labas naman ng Dad ni Faith mula sa kusina.
"Good afternoon Ninong. Alis na po ako," paalam ni Sean.
"So soon?" Ngiti at sabi ng ama ni Faith. Maganda ang relationship ni Sean sa mga magulang ni Faith aside from the fact that Ninong at Ninang niya ang mga ito. Kaya close na close sila.
"Kelangan po eh, marami pong gagawin, sige po. Faith alis na ako," paalam muli ni Sean.
"Edi umalis ka!" Ang bulyaw ni Faith.
"Taray mo naman anak," Ang sabi ng kanyang daddy.
"Oo nga po. Ewan kung saan nagmana. Hindi naman kayo mataray pareho ni Ninang" Paliwanag ni Sean na medyo natatawa.
"Che!" pang-iisnab ni Faith sabay subo ng cheese cake.
Umalis na si Sean at naiwan sila ng kanyang daddy sa kusina. Tumingin siya sa daddy niya.
"Saan ka pupunta dad?" tanong ni Faith.
"Wala ah. Bakit naman?" Sabi ni Richard, ang pangalan ng daddy niya.
"Eh? Naka-suit tapos walang pupuntahan?" Di maniwala si Faith. Paano ba naman kasi naka-suit mala tuxedo ang tatay niya. Wedding lang ang peg.
"Shh. Nakalimutan mo na ba? Wedding anniversary namin ng mommy mo ngayon!"
"O tapos?" Walang paki na sabi ni Faith habang kumakain pa rin.
"Ano ka ba anak syempre special tong araw na 'to no. May inihanda akong surprise para sa kanya." sagot naman ng tatay ni Faith kahit alam nitong wala naman talagang pakialam ang anak niya.
"At kailangan kita para dalhin siya mamayang gabi sa resort" dugtong pa ng daddy Ni Faith.
"Bakit ako pa dad. Nakakatamad naman" reklamo Ni Faith
"Aba bakit ka naman tatamadin maglalakad ka ba? Nakakotse ka naman ah" kaya naman pala pilosopo si Faith. Mana pala siya sa daddy niya.
"Sabi ko nga. Anong oras dad?" Poker face so Faith. Ayaw niyang may namimilosopo sa kanya gusto niya siya lang.
"Wala ka naman pating magagawa kahit ayaw mo" nakangiting sabi ng dad niya, close sila. Mapagbiro at mapagmahal ang dad niya. Nagiging strict lang naman to pag kailangan. Sa kasong ito, walang dahilan para maging strict.
BINABASA MO ANG
Secondhand
RandomHe was looking at her, like there was something in her worth seeing. °°Jack Reid°°