Avery:
Nangangatog ang aking mga tuhod habang papunta kami ni Dalia sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuan.
Kahit malakas ang air-con ng sasakyan niya ay talagang namamawis pa rin ako.
"Dalia kinakabahan na ako" pagsasabi ko dito.
Nginitian lang ako ng loka.
"Sus pinsan naman eh, wag ka ngang ganyan, sa talino't ganda mong yan di ka matatanggap? Ewan ko lang ah pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa araw na ito, tiyak na matatanggap ka" natatawang saad nito na nagpalakas sa aking loob.
"Sana nga pinsan no? Para naman magkapera at makaipon ako para kay mama" sabi ko.
My mother is my greatest motivator.
"Pero pinsan kasi may problema tayo sa CEO ng kompanya" nakakamot batok na saad ni Dalia.
Naintriga naman ako.
"Bakit?" tanong ko.
"He's known for being merciless and heartless CEO. Talagang nakakakilabot ang awra niya, pero di rin maitatagong napakagwapo at napakakisig ni Sir Maximus" sabi nito.
Natakot naman agad ako.
"Dalia paano pag hindi ako magustihan at tanggapin nun?" namomroblema kong tanong.
Napailing na lang din si pinsan.
"Ipagdadasal na lang natin pinsan na nasa magandang mood ang ating CEO, pero kasi kahit kailan hindi ko pa iyon nakitang ngumiti eh" nanlaki naman ang aking mga mata sa sinabi nito.
"Talaga? Baka naman robot na yang CEO niyo" pailing-iling kong sabi.
Nagkibit balikat lang si Dalia.
"Malapit na tayo pinsan, get ready" sabi niya na nagpabalik sa aking kaba.
Nang lumiko ulit si Dalia ay nakita ko kaagad ang napakatayog na building. Oh my gosh ang laki at ang taas. Goodness ang taas talaga.
"We're here" saad ni Dalia habang kinakalas ang kanyang seatbelt.
Agad ko namang kinuha ang aking mga gamit.
Nang lumabas kami ng sasakyan, Diyos ko sumasakit ang leeg ko dahil sa taas ng building na ito.
No doubt mayaman nga ang CEO nila, ngayon pa lang ako nakakita ng ganito katayog na building sa buong buhay ko.
"Pinsan let's go" sabi niya.
Tumango lang ako ay sumama sa kanya.
Ito na talaga wala na itong atrasan. Fighting Avery Alvarez, you can do this.
Habang papasok kami ni Dalia, Kitang-kita ko na lahat ng tao ay busy talaga.
"Pinsan ihahatid na muna kita sa pag-iinterviewhan mo, bago ako aalis" sabi niya.
Ngumiti naman ako.
"Sige Dalia, Thank you ah" seryosong saad ko dito.
Niyakap lang niya ako bago kami ulit nagsimulang maglakad.
Sumakay kami ng elevator ni Dalia.
"We're here" saad ni Dalia habang kinakalas ang kanyang seatbelt.
Agad ko namang kinuha ang aking mga gamit.
Nang lumabas kami ng sasakyan, Diyos ko sumasakit ang leeg ko dahil sa taas ng building na ito.
No doubt mayaman nga ang CEO nila, ngayon pa lang ako nakakita ng ganito katayog na building sa buong buhay ko.
"Pinsan let's go" sabi niya.
YOU ARE READING
The CEO Possession
Ficção GeralAvery Alvarez is owned by a Possessive CEO Maximus Kerrington.