CHAPTER 3

3.3K 56 13
                                    

Avery:

Taas noo akong naglakad papasok sa kompanyang aking pagtatrabahuan kasama si Dalia.

Nakasuot ako ngayon ng Jade Green long sleeve tapos maitim na skirt.

"Pinsan mukhang pinaghandaan mo nga talaga ang araw na ito eh no? Tingnan mo nga napakaganda mo sa suot mo sabayan mo pa sa maladiyosang mukha, eh talagang talbog ang lahat" natatawang saad nito habang pinaghahampas ako.

"Ano ka ba naman pinsan dapat lang tayong magpaganda dahil single tayo" pagbalik hampas ko dito.

Inirapan lang ako ni Dalia.

Papasok kami ng elevator ni Dalia nang matigilan kami dahil nagsimulang tumahimik ang buong lugar.

"Teka Dalia ano bang nangyayari?" mahinang tanong ko.

"Nandito na siguro si Sir Maximus" mahinang sagot din niya.

Magsasalita pa sana ako nang may maramdaman akong presensiya.

Nang tumingin ako sa harap namin ni Dalia ay nakita ko lang naman ang nagmamay-ari ng kompanyang ito.

He's walking with grace, lahat ng tao ay tahimik walang nangahas na magsalita o gumawa ng ingay.

Pigil hininga rin kami ni Dalia sa gilid ng elevator.

Makakahinga na sana ako ng maluwag nang biglang tumigil ang CEO at tumingin sa kinaroonan namin ni Dalia.

Halos manindig ang aking balahibo nang titigan ako ni Sir Kerrington.

Naiilang ako sa mga titig niya kaya yumuko na lang ako.

Diyos ko para akong tinutunaw sa paraan ng pagtitig niya sa akin, nakakakilabot ang awra ni sir ngayon.

Natatakot nga siguro ako dahil napakalakas lang namang ng pintig ng puso ko.

Nabalik lang ako sa aking ulirat ng sikuhin ako ni Dalia.

"Ano yun ha?" tanong nito sa akin.

Taka naman akong tumingin sa kanya.

"Ano?" balik tanong ko kay Dalia...

"Avery tinitigan ka lang naman ng CEO, first time din yung nangyari" nagtataka nitong sabi.

"Tss pinsan naman eh, ano ba yang iniisip mo? Tinatakot mo naman ako eh" pagmamaktol ko dito.

"Don't tell me type ka ni sir Maximus, I'm telling you Avery mag-iingat ka kay sir" halos mabitawan ko naman ang aking hawak na bag sa sinabi ni Dalia.

"Diyos ko naman pinsan, tinatakot mo na talaga ako. Ano bang pinagsasabi mo?" natatakot na talaga ko.

"Basta mag-ingat ka, tara na nga pinagpawisan ka na eh" sabi nito.

Agad ko namang kinuha ang aking panyo sa aking bag at nagpunas.

Sumakay naman kami agad ni Dalia ng elevator.

Nang makaabot kami ni Dalia sa aming department ay agad naman akong namangha, grabe may kanya kanyang table ang lahat. Walang duda napakayaman nga ni CEO.

Nabalik ako sa tamang pag-iisip nang pumalakpak si Dalia.

"Listen guys may bago tayong makakasama dito, ang napakaganda kong pinsan" pagpapakilala ni Dalia.

Nahiya naman ako pero bumati pa rin ako.

"Hi sa inyong lahat, ako po si Avery Alvarez sana magkasundo tayong lahat" nakangiti kong sabi.

Lumapit naman agad sila at binati ako.

"Hi Avery, I'm Clare nice to meet you" sabi ng babaeng mahaba ang buhok habang kinakamayan ako.

The CEO PossessionWhere stories live. Discover now